Di ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa tulad mo
Di ko inakalang lalagpas sa pagiging magkaibigan ang turingan nating dalawa
At mas lalong di ko inakalang PAASA KA PALA !!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
First Day of School
Walang pansinan , Walang kibuan , yung parang di kami magkakilala , yung parang di ko siya naging kaklase nung nakaraang taon
Parang 2months na bakasyon lang di na siya marunong makakilala,
Di ko nalang siya pinakialaman , kung ayaw niya , ok lang , di ko naman ineexpect na pansinin niya ko after ng mangyari nung 2nd year H.S kami
3months , 3months kong tiniis na di niya ko pinapansin , kahit masakit tiniis ko lahat.
"Uyyyy ! Vince & Steph ayiie" sigawan at kantyawan ng mga classmate ko , di ko alam kung anong irereact , kaya dedma nalang ako kunwari
English Class , wala akong ganang makinig , cellphone , sumulat at magbasa , that's what i'm doing in our class , pero ng dahil sa topic namin ay nawala yung concentration ko sa iba kong ginagawa.
"Do you ever experienced to be inlove? how does it feel?" tanong ng teacher di ko alam pero naging interesado ako sa tanong pero instead na ako yung tawagin ay si Vince yung tinawag
"ahm ma'am a-ano po kasi" nauutal siya bakit? parang sasabihin lang na oo eh , alam ko namang nainlove siya dati kay Reah kaya nga ako umiwas noon eh
"Ayiiiiie Steph" sigawan ng mga kaklase , di ako umiimik sa kinauupuan ko ng biglang marinig ko yung name ko
"Mica ! Ayiiie Mica at Vince ayiiie" hinanap ko kung saan galing yun at nalaman kong sa classmate kong kaibagan ko pala , kahit kelan talaga to
Natapos yung class namin sa english , vacant na namin , dun kami nakapwesto ng mga kaibagan sa labas ng room ng may biglang tumawag sakin
"Ate Micaaaaaaa !" sigaw ni Arkin sakin
"Bakit?" tanong ko habang binababa yung gamit ko sa tambayan namin
"Ate may nalaman ako"
"Ha? Ano naman yun?" anong nalaman? wala naman akong sinesekreto sakanya ah
"Ate alam mo bang gusto ka rin niya" si Vince yung tinutukoy niya , ako ? gusto ni Vince ? ginogood time lang ako ng mga ito
"Tssss , bolero ka talaga hahaha , tanggap ko na" nagreresponse naman ako kay Arkin kaso di ganun kahaba dahil nagsusulat ako ng output namin
"Ate di ako nagbibiro , tinanong ko siya , nung una tumawa siya pero nung sinabi kong seryoso ako sa tanog ko ay sumeryoso din siya , sabi niya gusto ka niya kasi mabait , matalino at makaDiyos ka" nagulat ako sa sinabi ni Arkin , pero imposible yun , ang alam ko hanggang ngayon si Reah pa rin ang gusto niya.
"Ok"yun nalang nasagot ko , di ko alam kung kikiligin o maiinis sa nalaman ko , pinapaasa niya lang kaya ako?
Pagkatapos sabihin yun sakin ni Arkin nung araw na yun ay nagpapansinan na kami ni Vince , siya yung gumawa ng way para magpansinan kaming dalawa
Halos araw-araw kami magkasama pwera nalang kung absent siya.
Noong 2nd Grading Period na namin ay naging sakitin ako , halos di na ako masyadong nakakapasok dahil dun.
Di ko na siya masyadong nakakasama , kaya naman mas naging close siya sa transferee naming si Yumi.
Naging bestfriend ko si Yumi pero di ko maiwasang magselos sa kanya minsan dahil nga laging nakadikit si Vince sakanya