Hindi Nakakatawa

55 6 7
                                    

HINDI NAKAKATAWA

All rights reserved.

*Another One-shot story made by Vluu

*Inspired in real life happenings.

Date Started: September 13, 2016

Date Finished: September 13, 2016

Last Edited: September 14, 2016

Copyright 2016 (c)

=<>=<>=<>=<>=<>=<>=<>=<>=

WARNING: This One-Shot has words that may not be suitable for younger readers. Walang sexual content ito kayo ah! Mga mura lang po ito.

Enjoy!

=<>=<>=<>=<>=<>=<>=<>=<>=

.

.

Ngayon nasa baba ako which is ang waiting area kasama ang aking mga kaibigan at ang aking crush; si Harlene Guirrela; kanina ko pa siya pinagmamasdan ng patago.

Nagtatawanan silang lahat nang nag pa joke ang isa naming kaibigan. Agad akong napatingin sa kanya habang siya ay tumatawa. Literal na napanganga ako sa sobrang cute niya, tila ba'ng para siyang anghel na galing sa langit.

Minsan naiinis ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ang hindi ko parin masabi sa kanya. Ang torpe ko. Kainis, kung pwede lang, sasapakin ko na sarili ko. 

"Uy! Baka matunaw."

Pang asar sa akin ng katabi ko'ng si Jake. Tinago ko ang aking kamay sa likod niya at binatukan ang kanyang ulo, syempre ng patago para 'di ma turn off si crush.

Maya maya wala kaming ginawa kaya may nag aya na mag laro.

"Guys! Laro tayo truth or dare!"

Wika ng kaibigan namin na nangangalan na Cassy.

"Oo nga guys! Tara lets!"

Sangayon ni Craise. Umupo siya sa sahig habang si Cassy kumaha ng bote at umupo narin sa sahig.

"Sige sali ako!"

Ani niya at umupo din siya sa sahig. Sumunod narin ang iba at umupo. Kumbaga lahat sila ay nakaupo na sa sahig, kami nalang ni Jake ang 'di pa sumama

"Uy! Ikaw at Jake! Sali na kayo guys!"

Aya ng babae na katabi si crush. Sa huli napilit kaming sumali, at saka wala naman kaming magawa. Si Jake naman, ayon nakangiti sa akin ng nakakaloko.

Inikot nila ang bote. Napunta yung bote kay crush. HALAA! Sana mapunta sa akin ang bote. Inikot ulit nila ang bote para sa mag tatanong kay crush.

Malapit na sa akin...

.

Ayan na...

.

Isa pang ikot...

.

At...

.

Ito na...

.

Papunta...

.

Sa...

Hindi NakakatawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon