"Hay sawakas! natapos na din!"
masaya kong sinabi nang marinig ko ang magandang tunog ng engine na kanina pa naming kinuktikot ng kapitbahay kong si Bert.Agad ko nang sinara ang takip ng engine ng sasakyan at pinunas sa pantalon ko ang kamay na binalutan ng grasa mula sa engine.
"Grabe ang init!" pagrereklamo ko sabay punas naman ng pawis sa baba ko, grabe kasi! naka sando na nga lang ako na puti habang may nakatali na long sleeves na polo sa beywang, cow girl lang ba ang look.
Narinig kong pinatay ni Bert ang makina, "Salamat Mishi!" masaya niyang sinabi at lumabas na sa sasakyan at binato sa akin ang kawawang bimpo na noo'y kulay puti ay naging itim dahil sa grasa. Sinapo ko naman ito at nagpunas na din, "Meron pa sa mukha mo." nakangiti niyang sinabi habang papalapit sa akin.
"Talaga ba?" i sarcastically asked then wiped my face using my wrist, katanga naman kasi kapag yung bimpo pa ginamit ko.
"Wait lang, wala diyan sa mga pinupunas mo." ani niya at sabay hinawakan ang wrist ko at unti unti itong ibinaba. I was a bit shocked so i took a step back.
"W-wag na, diresto bahay na din naman ako." agad kong sinabi sabay tangal ng paghawak niya sa wrist ko. Lumayo naman ito kaya agad na lang akong dumeretso sa bag kong nakahiga lamang sa maalikabok na shelf.
Papaalis na sana ako sa garahe nila pero biglang lumabas ang papa ni Bert, "Alis ka na Mishi? kain ka na muna dito." nakangiting yaya nito sa akin nang makita akong paalis.
"Wag na po, nakakahiya tsaka gabi na, uuwi na lang po ako bago mawala pa araw." nakangiti kong sinabi.
Tumango na lang ito at umalis na nga ako, medyo madilim dahil papalubog na araw at nakasindi na din ang mga street lights, wala akong relo kaya di ko alam ang oras pero masasabi kong mga six na or six thirty, wala na ding mga bata sa labas dahil nasa loob na sila ng kani-kanilang bahay, gumagawa na siguro ng assignment, buti na lang no assignment policy sa school kaya ayos lang kahit ganitong oras ako makauwi, di ko na din siguro mahaharap kung meron man kasi madalas tinatawag ako upang tumulong, magaling kasi ako sa paggawa o pag-tinker ng mga bagay-bagay kaya heto ako, tumutulong kapag kailangan.
Habang mag-isang naglalakad sa tabi ng kalsada napansin ko ang isang pamilyar na lalake, naka black siyang jacket at jeans at nakaupo sa egde ng boardwalk ang astig nga kasi nasa tapat siya ng isang light post kaya mukhang may spot light pa.
Tumigil ako sa likod niya kaya medyo natatabingan ang spot light niya at tinignan ako.
Nginitian ko ang mukha niyang nakapokerface na tumingala, tumingin siya saglit at bumalik sa pagkayuko habang ako naman ay tumabi sa kanya sa pagkaupo.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang paupo sa tabi niya.
"Nakaupo." Maikli niyang sagot nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Pansin ko nga." I sarcastically answered, di ko alam kung paano pero ako lang nagtyatyaga sa ganitong pagtrato ng lalaking to.
"Fly," nakapout kong tanong habang pinaglalaruan ang sintas ng sapatos ko.
"Bakit?" Maikli niyang tanong.
Tinignan ko siya pero hanggang ngayon, tulala pa din siya sa kalsada, "anong iniisip mo?" Naglakas loob kong tanong.
"Kung bakit di pa ako namamatay." Maikli at straight forward niyang sagot habang patuloy na nakatitig sa kalsada na para bang nagbabasa ng imaginary script na nakaukit doon.
"Yun lang pala." nakapout kong sinabi tapos bumalik sa pagkutikot ng aking sintas.
Kung bakit di pa ako namamtay, biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya ng makalipas ang ilang sandali.
BINABASA MO ANG
Completely Opposite
Short StorySometimes we just need someone to be the light in our lives... Meet Mishi, ang makulit na babaeng magbibigay liwanag sa buhay ni Fly isang lalaking loner at walang gaanong kaibigan...