"Uy peram jacket!" yan ang bukang bibig ng mga kaklase ko sa side kung nasan ang aircon.
andito ko sa kabilang side sakto lng ang lamig kaya d na kinakailangan ng jacket.
"Hala ang gwapo talaga ni babe" sabay siko sakin ni Zia
sino ung gwapo? si Terrence. Ang ultimate crush ng bayan. Gwapo, tahimik, masungit, matalino kahit tulog ng tulog, pano naka tapat sya sa may aircon laging naka jacket at naka subsob sa desk. Crush na crush yan ng lahat ng babae dito sa classroom.
"excuse me nga!" sabi ng isang mean girl dito sa room. sya naman si Jessica. Obsessed yan kay Terrence papansin lng ang peg. Mukang naiirita nga si terrence twing nag papapansin sya.
Makalipas ang ilang minuto at break time na.
"Ash tara na!" yaya sakin ni Zia
"wait lang ung wallet ko nawawala. mauna ka sunod ako." sabi ko kay zia at lumabas na sya
langya ung wallet ko naman kasi lagi nalang nawawala ung bag ko kasi mukang basurahan e parang room namin mukang walang nag lilinis.
andito lang pala nakaipit sa note book ko. pag ka kuha ko ay dali dali akong lumabas
*boog*
shit. sumabit ung paa ko dun sa strap ng bag na nasa sahig
patayo na sana ko kaso may humawak bigla sa braso ko pag tingin ko shit si.. si Terrence. Naramdaman ko ung init ng pisngi ko. Nako nakakahiya. Sana d nya mapansin
"Mag ingat ka naman minsan" sabi nya
ngayon ko lang sya ulit narinig mag salita pano sobrang tahimik, mag sasalita lang kapag nag rerecite tapos puro tulog. Ang gwapo ng boses nya kasing gwapo nya. harot ko haha
matapos nya kong alalayan patayo ay lumabas na sya ng classroom. kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
tahimik si Terrence kasi wala syang ka vibes dito sa room lahat ng tropa nya ay napunta sa kabilang section. pero halos lahat naman dito kakilala nya hindi nga lang nya ganun ka close.
Dumeretso agad ako sa canteen at hinanap sila zia.
"Ashley! dito!" sigaw ni Liz. Isa sa tropa.
pumunta ko sakanila
"tagal mo girl" sabi ni zia
Nako kung alam lang nila. Nag aalangan akong sabhin kasi malalakas boses nitong mga to e. sasarilihin ko nlng to haha.
Pagkatapos naming kumain ay balik na kaagad kami sa classroom at nadatnan naming kausap ni Jessica si Terrence. Himala hindi namn kinakausap ni Terrence si Jessica. Anong meron? bat d sya tulog
"Good mood ata si babe ngayon bessy" sabi ni Zia
"Muka nga" sagot ko nmn saknya.
Nakatingin ako sakanilang dalawa at nagulat ako napatingin din sakin si Terrence dali dali ko namng nilihis ung tingin ko sa iba.
"Hoy!" nagulat namn ako dito! Si Kenneth Ka close nya dati si Terrence kaso nag ka tablahan ata sila. Lagi tong nangaasar sakin. Masungit din to, gwapo. isa din to sa pinagkakaguluhan dito , matalino pero mabilis mairita ito.dito namn sya napadpad sa side kung saan ako nakaupo.
"Anong problema mo?" sabi ko ng may pagtataray
"Ung ballpen na hiniram mo ibalik mo namn" sabi nya tapos nangaasar na ngiti
sinoli ko sakanya ung ballpen at bumalik ung tingin ko kay Terrence nagulat namn ako at nakakunot na ung noo nya. Siguro nainis na kay jessica.
"Kanina ka pa nakatingin kay Terrence ah" sabi ni Kenneth sa tabi ko
"Pano mo nmn nalamn na saknya ko nakatingin?!" sabi ko ng pagalit
"Kanino ka pala titingin? kapag dyann ka sa side na yan(turo sa lugar ni Terrence) tumingin ibig sabhin sya ung tinitignan mo. kapag dito ibig sabhin ako."
Langya ang kapal ng muka neto
"Ha ha nakakatawa. kapal ng muka mo!" sabi ko saknya
"Gwapo namn" sabi nya pabalik tapos d namin napansin na nakatingin nmn pala lahat ng classmate namin samin si Zia d manlng ako sinenyasan
"YIEEE LQ nanamn kayo!" pang aasar ng mga kaklase namin..
"Ikaw kasi e!" sabi ko kay kenneth sabay hampas sakanya
"Anong ako? Ikaw dyan anlakas ng boses eh" sabi nya tapos inirapan ko nlng sya tapos tumingin uli ako kay terrence na natutulog.
sila Jessica namn nag uusap rinig na rinig ko.
"sabi ko kanina nilalamig ako tas walang pakialam si terrence. napaka gentleman. " sabi ni jessica na may pag ka dismaya
Lumipas nanamn ang ilang oras at nag uwian na. sabay sabay kaming umuwi nila zia at Liz.
"Parang may gusto si Terrence kay Jessica no?" sabi ni Zia
"Wala yon gaga. Narinig ko nag paparinig si Jessica na nilalamig sya tapos sabi ni Terrence"Edi dun ka sa kabila" hahaha" sabi nmn ni Liz.
"Ikaw bessy? anong tingin mo?" tanong ni zia
"Hindi ko alm" sabi ko ng parang nanghihina
"if i know, nag seselos ka." sambit ni Liz
"Baliw ka hindi no."
at nag kwentuhan pa kami hanggang sa makauwi kami
*Kinabukasan
"Ang iingay nyo! " sabi ni ma'am sa harap
"Joy mag palit nga kayo ng upuan ni Ashley!" sabi ni ma'am eto namn kasing si joy lakas mag salita
Wait katabi un ni terrence ah! tapos ako lilipat OH NO!
tumayo na kami ni joy at nag palit. tumingin sakin sila liz at zia tapos nangaasar ung mga muka nila . Tama nga sila. malamig nga sa side na to. Si ma'am nmn ay lumabas at may kukunin daw sa faculty, ni rubb ko ung balikat ko kasi malamig talaga tapos napatingin sakin si kenneth sabi nya
"Jacket gusto mo?" tapos tumango ako nakita ko syang nag halukay sa bag nya tas tuminigin sya sakin at sumenyas na hindi nya daw dala. Nag kibit balikat ako dahil malamig talaga si Terrence nmn ay tulog jusko pano ba naging matalino to
Gulat ko nlng ng bigla syang tumayo kala ko tulog to at agaw pansin ang pag tayo nya tapos hinubad nya ung jacket nya at ipinatong sakin.
What the hell. Lahat sila nakatingin saming dalawa at hindi nya lng pinatong ung jacket nya kundi inakbayan nya din ako.
Napa facepalm nalng ako dahil namumula na talaga ung muka ko tas may biglang sumigaw
"Sa susunod mag dadala ka ng Jacket mo ha!" si Jessica, inis na inis nyang sabi biglang nag salita din si Terrence ng malakas na ikinagulat ko talga
"Hindi na kailngan, Pwede nya namng hiramin ung jacket ko kahit kelan nya gusto"
Hindi na ko mag dadala ng jacket kahit kailan.
A/N
Hope you like it :) Anlamig kasi sa room namin.