Madalas akong pumupunta dito sa Oxygin Park para mag-relax at makapagisip-isip. Sobrang ganda talaga dito lalo na at may wishing well. Bago ako umuwi, lagi muna akong pumupunta doon para makapagwish. Don't judge me.
Isa rin sa dahilan kung bakit lagi akong pumupunta dito ay dahil sa lalaking si Greig. Wala po siyang apelyido kaya huwag niyo nang tanungin. Katulad ko, madalas rin siya dito sa park. Kaya nga nung nakita ko siya, natameme ako. Hindi lang naman siya gwapo, syempre mabait din naman siya tsaka matulungin. Naalala ko nung may tinulungan siyang babae. Ang tagal- tagal na nun pero hindi ko talaga makalimutan. Siyempre dahil dun, mas nadagdagan pa yung admiration ko sa kanya. Pinag-tripan yung babae ng mga adik! Syempre to-the-rescue si Greiggy bebe ko. Nagsitakbuhan yung mga mokong. Swerte naman ni girl. Magpapa-trip nalang din ako sa mga adik kapag nagkataon. Joke.
BTW, ako po si Trix. Tulad po ni Greig, wala rin po akong apelyido kaya huwag niyo na rin tanungin.
Tumatanda na rin ako, 26 na ako pero NBSB pa rin.Hindi ko siya nakita ngayon. Sadlyf. Pero okay lang, dahil usually kapag wala siya dito sa park at nag-wish ako na sana dumating siya, Aba! Nagkakatotoo talaga. Hindi ko alam kung coincidence lang. Pero naniniwala ako na may angking magic yang wishing well.
Pumunta ako sa wishing well syempre para mag-wish na sana pumunta siya dito sa park.
Naghanap ako ng barya sa bulsa ko. Tada! Baynchingko. Okay na 'to.
Nagsimula na akong humiling.
Sana pumunta na si Greig dito sa park bukas, pero pwede din naman ngayon na as in! Tsaka sana mapansin niya ako...someday.
Hinulog ko na ang Baynchingko ko sa wishing well after kong mag-wish.
Uuwi na ako at matutulog dahil baka nasobrahan na ako sa kasisinghot ng hangin dito sa park.
Pero, totoo ba itong nakikita ko? Si Greig kararating lang. Umaygudness. Hindi nalang pala muna ako uuwi. Umupo ako sa bench malapit dito sa wishing well. Sabi na eh! May magic talaga yung well.
Hala! Papunta siya dito!
K-kaso may ka-holding hands siyang babae. At papunta sila dito. Tsaka siya yung babaeng pinag-tripan ng mga adik, na tinulungan din ni Greig. Tadhana nga naman oh! P-pero dapat huwag munang padalos-dalos diba?
Narining ko ang pag-uusap nila ng hindi sinasadya. Nagpanggap muna akong may ka-text sa cellphone.
"Alam mo ba babe, madalas ako dito sa park. Ang ganda kasi dito at maaliwalas." sabi ni Greig
"Babe, mag-wish tayo dun oh!" sabi nung girl.
Shete. Hinanda ko ang sarili ko sa kung ano pa man ang pwede kong marinig.
Babe? Ibig sabihin ba nun..
Naputol na ang iniisip ko nang magsalita si Greig.
"Babe, matagal na rin tayong may relasyon at gusto kong magkasama tayo habang-buhay...Chelsea, Will You Marry Me?"
Grabe, itinadhana ba talaga akong maging single forever? Nag-madre nalang ba dapat ako? Ang sakit naman nito.
Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak. Pinilit kong ngumiti at pumalakpak kasama ang mga taong natutuwa sa nasaksihan nila ngayon.
"Yes Babe, I will definitely marry a man like you."
Parang biglang nabasag ang eardrums ko, hindi dahil sa sobrang sakit, kundi dahil sa nakakabinging sigawan at palakpakan ng mga tao.
Ayoko namang magmukhang bitter kaya syempre I tried my best to hide my true feelings. Nakipalakpak nalang ako at umalis na dahil ayaw ko na talagang pahirapan pa ang sarili ko.
They kissed & they tightly hugged each other.
Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang lahat. Dun pa siya nag-propose sa favorite place ko. Tumakbo nalang ako sa isang sulok dito sa park para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Mamaya nalang talaga ako uuwi. Ti-next ko si mama na medyo late na ako uuwi dahil may tinatapos kaming group project sa bahay ng kaklase ko. Ayokong madatnan nila ako na ganito ang hitsura pagdating ko sa bahay.
Pagkatapos kong umiyak, bumalik ako sa wishing well. Wala na sila dun at nagsi-uwian na din halos lahat ng tao.
Naghanap ako ng barya sa bulsa ko, sa bag ko, pero wala akong nakita. Mas lalo pa tuloy akong napahagulhol.
"Oh, ito oh."
Nagulat ako dahil may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko at inaabutan ako ng piso.
"A-ano yan?"
"Siyempre, piso, Hindi mo ba nakikita?"
Aba pilosopo itong lalaking ito. Pero kalma Trix, kalma.
"Alam ko. Sino ka ba? Tsaka paano mo nalaman na may pinagdadaanan ako? Manghuhula ka ano!?"
"I'm Kyan." nakipag-kamay siya sa akin.
"Kayo kasing mga babae, ang dali dali ninyong basahin!"
"Ano!? Magwi-wish ka na ba o tutunganga ka lang dyan?" dagdag pa niya.
"S-salamat nga pala. Eto na magwi-wish na ako!"
"Ayusin mo ha! Wag mong sayangin yang piso ko."
"Oo na! Eto na!"
"Sana may lalaki pang tatanggap at magmamahal sa akin."
Pagkatapos kong sabihin ang wish ko, hinulog ko na yung barya.
"Wish granted." sabi niya.
"H-huh?" ano daw?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ako nalang ang tutupad ng wish mo."
BINABASA MO ANG
Once Upon a Wishing Well
Short Story"No matter how many coins you throw into a wishing well, or the numbers of fingers you cross, If it's not meant to be, It simply won't be." -GOOGLE.