4 - Glare.

675 18 1
                                    

Sa ngayon, ang ingay-ingay ng alarm clock. Pinatay ko nalang yung alarm tas tinignan yung oras.

  

Binaon ko muna ang mukha ko sa unan dahil gusto ko pang matulog. Pero dahil may pasok pa ako ngayon at ayaw kung malate, bumangon na ako na parang zombie dahil kulang na kulang pa talaga yung tulog ko at pumunta sa banyo para maligo.

Matapos kong maligo at magbihis, pumunta ako sa baba para kumain. Pag katapos nun, nag-toothbrush muna ako tas nag-ayos ng sarili at ready for school na.

 "Auntie, punta na po akong school. Bye!" pag-papaalam ko sakanya

Tumango siya at pumunta na ako sa labas at nag start ng maglakad, di naman kasi kalayoan yung school namin dito.

------

Pag-pasok na pag-pasok ko, sinalubong na agad ako ni Princess. "Hey, Krystal! Anong kinain mo kahapon na bigla mong natanong yung SNSD? Akala ko ba, you're not interested sa kpop?" tanong niya. Talagang inalala pa yun ah?

  

"Wala lang." sagot ko naman

"Wala lang? Sigurado ka? Hindi--" hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil ininterrupt ko.

  

"Wait. Pwede mo ba akong kwentohan about SNSD? Specifically kay Jessica?" sabi ko. Alam ko naman na hindi yan tatangi dahil ang daldal kaya niyan pagdating sa kpop.

"Ah okay. Sa lunch time." tumango nalang ako.

 See? sabi na e. Pag kpop yan, di talaga yan tatangi, e adik much lang.

  

------

Nag-ring na din yung bell for lunch time. Dumiretso naman kami ni Princess sa canteen dahil gutom na daw siya.

  

Andito na kami sa canteen ngayon. Hinihintay ko si Princess dito sa may table na malapit sa bintana, bumili pa kasi siya ng makakain niya.

"Hellooo~ Andito na meee!" sabi ni Princess habang nilalagay yung mga pagkain niya sa table

"Obvious na man e." sabi ko sakanya

  

"Obvious na man e." she muttered at ginagaya yung sinabi ko. Nung narinig ko yun, I gave her a glare. Ayaw ko kayang ginaganyan ako as much as ayaw ko sa pink. Huehue

Torn BetweenWhere stories live. Discover now