ANINO

347 9 2
                                    

Alas 5 ng umaga, maaga akong nagising. Niligpit ko ang aking higaan at kinuha ang aking tuwalya. Wala kaming banyo kaya sa poso kami naliligo. Naglalakad ako papunta sa poso ng may na aninag ako na anino ng tao sa di kalayuan, pinagwalang bahala ko na lamang ito. Habang naliligo ako napapansin ko na ang anino ay palapit ng palapit sa akin at habang palapit ito ay parang nag iiba ito ng anyo. Ang dating anino ng tao ay biglang naging anino ng aso at biglang naging malamig ang paligid. Umuungol ang mga aso na para ba walang bukas. Dahil sa takot ko ay nagmamadali akong naligo hanggang hindi ko namalayan na malapit na ito sa akin.  Nang tiningnan ko ulit ito ay nakita ko ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Halos hindi ako makagalaw.
Isang matangkad,maitim at puno ng buhok ang katawan. Meron itong bitbit na parang yosi. Nanlilisik rin ang mata nito. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas. Hanggang nawalan na ako ng malay. Pagkatapos ng pangyayarin iyon ay napag alaman ko na ang aninong yun ay ang KAPRE na nakatira malapit sa poso.

AninoWhere stories live. Discover now