Ang hirap, HIRAP. Parang di ko na kaya, parang hindi ko na matiis, lahat nalang wala, nawala, nawawala sakin :( Ako na, ako na talaga. Ako na ang iniwan, ako na ang pangit, ako na ang walang kwenta, ako na ang walang utang na loob at ako na MAG-ISA. Ang hirap lang tanggapin, ang hirap. Yung taong natitira nalang sayo para makasama, makayakap, madamayan mo kapag lumuluha at kasama mo sa kahit anong trip niyong gawin :( I miss her so much, sobra. Pero ano magagawa ko? Kinuha na siya, kinuha na siya sakin. Wala na wala na pinakamagandang babae sa buong buhay ko si MAMA :(
Simula nung nawala si mama nagkandaletse letse na buhay ko, simula nung tumira ako sa tita kong parang principal na kasing sungit ng guard sa may gate ng school, napalipat din ako ng school, at syempre nanghihinayang ako kase sayang yung honor :( Grade consious + Big rounded na salamin + Singkapal ng foundation ni titang libro at + Nag nagniningning kong mga braces = Certified Nerd. Naiinis lang ako sa mga taong ayaw na ayaw mapalapit, lapitan ng mga katulad ko na para bang may nakakahawang sakit na dala, at kapag answer na ang usapan, parang ahas kung maka-bessssssssss. Sabagay, wala din akong pake sa kanila, basta ako gusto ko maging doctor ako balang araw, umaman at magkapamilya. Kaya todo aral at pagsusunog ng kilay lang ang inaatupag.
"Hoy Zack, Napano ka? Di ka umiimik dyan?" Tanong niya sakin, sabay lapag ng gamit niya since magkatabi naman kame
Naging kaibigan ko siya, siya lang nung lumipat ako sa universidad na ito.
"Wala, wala. Natatae lang ako" pagdadahilan ko
"Kaya pala, amoy patay na daga nung pumasok ako e tsk tsk."
"Gagu, di ka na mabiro" sabi ko
At dumating na ang teacher namin na nanggaling pa ata sa train to busan kung pagpawisan.
--
Natapos ang klase at nagliligpit na ako na aking gamit ng nagpaalam si justin na mauuna na, at syempre bilang mabait at maunawain na kaibigan di ko siya pinayagan, di din naman siya tumanggi kase naman i say the magic word na L.I.B.R.E kaya naman kandaripas na bumalik sa gilid ko at sumabay pauwi sakin.
Habang naglalakad kami malapit sa gate ay may nakita kaming i.d, dali dali namang pinulot nitong ungas na ito at binasa
"Ches-ka ma-rie Gran-de" grade 1 niyang basa sa pangalan
"Tara bigay nalang natin kay kuya guard" yaya ko sa kanya
Habang naglalakad kame ay may nasilayan akong babae, babaeng makakasama ko sa altar at magiging ina ng dalawang dosena kong anak--ARAY!
"Bakit ka ba nambabatok?" Ani ko sa kanya, putspa ang sakit kaya gumanti ako
"Ah! Ito nmn tulaley ka kase, kaya baka sakaling maibalik ko realidad mo sa paraang pambabatok" ani pa niya
Sasagot pa sana ako ng marinig ko ung babaeng dyosa na parang may itinatanong kay kuya guard kaya lumapit kame
"Kuya naman, di ako makakapasok kung wala yun!" Sabi niya, *u* Ang cute ng kanya g boses hihihi
"Kuya ito ba yung hinahanap niya?" Aba! Loko to ha, nakuha ng di ko namamalayan?
Kinuha naman ni kuya guard "Ito ba miss yung i.d mo?" Tanong niya kay cheska hihi
"Hayszxc, Oo ito yun kuya. Salamat ha thank you na din" sabay alis niya ang cute niya talaga <3
Inalog alog ko tuloy si justin
"Pare, ang ganda niya! Sobra" kilig kong tono habang sinasabi sa kanya
"Okey lang, Pare baka nmn may boyfriend na yan" sabi niya, kumunot naman noo ko