FuBu#7

1.9K 21 5
                                    

-CHAPTER 7-

Naglalakad kami sa may pathway ng bahay nila well as I say MANSYON ang bahay nila kaya heto. Inikot ko nalang ang mata ko sa paligid. Sobrang ganda ng bahay nila from the gate thru here ay parang isang malaking forest at nasa gitna ang bahay nila na may malaking swimming pool na mukhang lake ang itsura. Damn he is sooo rich! Sobrang swerte ng mamahalin nya.. Na sana ako. Joke hahaha. Asa pako!

"Medyo makulimlim pala ngayon sayang gusto ko pa naman umikot dito mamaya sana wag umulan." Bulalas ko para naman may mapagusapan kami.

"Don't worry iikot kita dito mamaya" ngiti nya sabay pisil sa kamay ko.

Napatingin naman ako don. Our hands perfectly fits, pero ayaw naman nya sakin. Ayaw nga nya ng commitment diba? Sana fit din kami sa isa't-isa.

Bat ba ambilis kong ma-fall? Dahil ba baguhan ako sa pag ibig? Infatuation lang bato kase F Buddies kami o talagang gusto ko sya? I think I need a sign.

"Were here" agad akong bumalik sa wisyo at ang kaba'ng nawala na kanina ay sumibol nanaman sa dibdib ko.

"Don't worry my parents won't bite basta galingan mo lang ang pag-arte.." Arte? Baka ang totoo. Siguro gagawin ko lang natural. Kahit ngayon lang iisipin kong kami talaga.

Agad bumukas ang double doors ng bahay nila. Halos lumuwa ang mata ko sa bahay nila, our house is big but this? It's jaw dropping. Sobrang laki! Nagkikita pa kaya sila dito?

Hinila na nya ako sa loob. Halos lahat ata ng maids nila ay nag-aabang sa pinaka-sala nila, sobrang dami! Ni hindi mabilang. Ikaw ba naman gento kalaking bahay? Ni hindi kakayanin ng limang maids to eh.

"Welcome back Señorito Emman" sabay nilang sabi.

Ngumiti lang si Emman at dumiretso kami agad sa may dining hall nila. HALL kase sobrang laki. Kung sa sala ang gaganda na ng chandeliers magaganda din dito.

Dun ko nakita ang isang magandang babae na hindi mo mapapansin ang edad mukha syang bata! Damn sana ganon din ako kaganda. Biglang lumapit dun ang isang matipunong lalaki na carbon copy ni Emman. Super gwapo kaso nakakatense ang aura nya. Tingin palang sobrang kita mo na agad kung gaano sila kayaman.

"Emman hijo, nice to see you again" sabi ng nanay nya sabay beso sakanya.

"Me too Mom by the way this is CC, Mom. My girlfriend" agad naman akong natense.

I just smile a bit. Nahihiya ako feeling ko ang low class ko para dito kahit pa may kaya kami! Kayo na mga multi-billionaire!

"Finally a decent one! I like your standards talaga hijo. Hi! Im Emman's Mom, Im Elena and this is my Husband Manny, you are?" Tanong nya saakin na para bang sobrang saya nya.

"Mom let us sit first" saad ni Emman.

"Ay oo nga pala! Sorry I got so excited ahihi. Manny sa wakassss" umirit pa sya. Hahaha parang bata.

"Uhh Im Cecilia Apostol po, CC for short" nahihiya kong saad.

Kinakabahan ako sa Dad nya eh para bang terror teacher.

Fuck Buddy (EXO Kai's FF) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon