“Sagutin mo nga ako Bess, sino ba ang fiancé ko?” tanong ko Cielo pero di nya ako pinapansin, yun pala naka-headphone sya. Kainis naman, bakit kasi ayaw nyang mag-pakilala? Halos ata lahat ng kakilala ko ay kilala na kung sino sya. Anong gusto nya pasuspense? Pwes, di ako natutuwa. Pinag-mumukha nya akong tanga a?
Napasandal na lang ako sa upuan ko, hinaplos-haplos ko ang legs ko na napagod sa kakalakad sa mall. These past few days, nastress ako sa kakapilit sa mga kaibigan ko kung sino ang fiancé ko pero tikom talaga ang mga bibig nila na parang binayaran sila para hindi sabihin sa akin ang totoo.
Hinihintay namin sina Sofie dito sa Ayala pero nalibot na namin ang mall pero wala parin sila. Kaya tinanong ko si Cielo.
“Baka na-traffic.” Simple nyang sagot ng hindi inaalis ang tingin sa phone nya
“Traffic for an hour?! Seriously?! E ang lapit lang ng bahay nila sa ayala e.”
“Uh-huh.”
“Baka may gusto kang sabihin sakin Cielo.” Umiling sya, feeling ko talaga may tinatago sila. Hinayaan ko na lang sya, malalaman ko rin mamaya.
Makalipas ang ilang minute at dumating na sina Sofie, bibili ako ng mga pasalubong sa mga kaibigan ko sa France tulad ng mga dried mangos. Bibili rin ako ng mga damit para makamura naman kahit papano, mahal kasi sa France. Alam nyo na, mga signature brands.
Wala kaming ginawa kundi ang mag-shopping buong araw, nag-dinner kami sa isang Italian restaurant. Walang masayadong tao kaya malaya kaming mag-ingay.
“Dati nahihirapan tayong baguhin ‘tong kaibigan natin dahil ang nerd nerd!” sabi ni Sofie habagn kinakain ang dessert nya.
“Magandang nerd!” I correct, inirapan ko sila. Ako nanaman ang pinag-tripan nila.
“Yung reading glasses mo namimiss ko! Nasaan na kaya yun?” Hinahanap ko nga rin yung salamin na yun, tinapon na ata ng mga naglilinis o pinatapon ni Ate?
“Syempre tinapon na yun! Ang dami kayang pinag-daan ni Shayne dahil sa nerd style nya.” Sabi ni Qim, mag-rereact sana ako kaso di nila ako pinag-salita. Finlashback talaga nila lahat ng mga ginawa ko nung naka-salamin pa ako. Ang sama! Grrr.
“Ang sabihin nyo lang mamimiss nyo lang ako.” Pabiro kong sabi pero hindi sila natawa, bigla silang natahimik at sumimangot
“Oh? Anong nangyari? Bakit ang lulungkot nyo?” tanong ko sakanya pero nakatingin lang sila sa baba na para bang pinapagalitan ng principal.
“Mamimiss ka nanaman namin.” Malungkot na sabi ni Cielo at niyakap ako, nagsitayuan sila Sofie, Tracy at Qim at niyakap ako. Tumayo ako para igroup hug sila
“Eto nanaman tayo, sabing walang iiyak e!” natawa ako sa sinabi ni Tracy, kagabi kasi pinlano naming walang iiyak pero eto kami ngayon. Sadyang mamimiss namin ang isa’t-isa.
“Kelan ka ba kasi babalik dito?” tanong ni Sofie,grabe naman ‘to di pa ako nakakaalis tinatanong na kung kelan ang uwi ko.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Princess (Published under Pop Fiction)
Teen FictionPublished under Pop Fiction