Unang Kabanata

51 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay na gumambala sa aking pagtulog. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong narinig ngayong umaga. Paulit ulit at iisa lamang ang mga tunog na ito ngunit ngayon ay napagdesisyonan ko ng imulat ang aking mga mata.

Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa aking mga mata. Ipipikit ko na sana muli ang aking mga mata nang napansin ko na tumigil ang tunog na narinig ko kanina. Akala ko ay huling beses ko ng maririnig iyon ngunit laking gulat ko ng tumunog ulit iyon. Hinanap ko iyon at napagtanto na sa aking cellphone nagmumula ang tunog.

Damn. 8:00 am na.

8:30 am ang first class ko. Dali dali akong bumangon. Kinuha sa cabinet ang aking uniporme. Buti na lamang at naplantsa na ito ni Manang kagabi.

Dinaig ko pa si Flash sa bilis kong kumilos. Ang isa't kalahating pagligo ko noon ay naging limang minuto na lang. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko dahil di ako nakaligo ng maayos. Isinakripisyo ko na din ang paglalagay ng conditioner sa aking buhok kaya ang hirap suklayin ng buhok ko ngayon.

Naglagay lang ako ng polbo at lip tint, nagpabango at dali dali akong bumaba.

Crap! 8:15 am na.

Nakita ko si Mama sa baba at naghahanda ng pagkain. Si Papa naman ay wala na. Marahil ay nasa opisina na siya. Ibig sabihin ay driver namin ang maghahatid sa akin.

"Ma, bakit di mo ako ginising?" Umupo agad ako at isinubo ang bacon na nasa harap ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Sunod sunod ang pagsubo ko ng bacon. Kailangan kong magmadali.

"Dahan dahan anak. Ang akala ko ay afternoon pa ang first class mo."

"Ma naman eh. Nasabi ko na sa inyo kahapon eh." Ininom ko na lang ang juice at tumayo sabay halik sa pisngi ni Mama. "Bye, Ma!"

Di ko na inintay ang sasabihin ni Mama at tumakbo na ako palabas.

8:25 am na. Kaya pa ba?

Buti na lang at nasa labas si Manong. "Tara na po!" Sumakay agad ako sa kotse. "Manong pakibilisan. Malelate na ako."

"Sige po, Ma'am."

Ang 15 minutes na biyahe papuntang DLSU Manila ay naging 5 minuto na lamang. Tumakbo agad ako. Nakalimutan ko pang iswipe ang I.D. ko. Tinawag ako ni Kuya Guard. Sorry Kuya Guard! Malelate na talaga ako.

Natatanaw ko na ang Business Department Building.

Takbo pa, Baekhee! Takbo pa!

Nasa tapat na ako ng elevator. Nakita kong kakasara lang nito kaya gumamit na lang ako ng hagdan.

Second Floor.

Third Floor.

Fourth Floor.

Kumanan ako at ayan na. Nakikita ko na ang room namin.

Room 401.

Room 402.

Room 403.

Room 404.

Shit! 8:36 am na.

Nag-isip muna ako ng idadahilan sa teacher namin kung bakit ako nalate. Dali dali akong pumasok gamit ang back door ng room namin. Tumingin ako sa harapan at YES! WALA PA SI MA'AM!

Naghahanap ako ng upuan ng may tumawag sa akin.

"Baekhee! Bebs! Psst!"

Nilingon ko siya at itinuturo niya ang upuan sa likod ng upuan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If He Only Knew [ChanBaek FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon