Mainit. Mausok. Madaming tao. Hindi ininda ni Callie ang mga ito, kasama na ang sakit sa paa mula sa suot na sapatos. Mabigat ang kaniyang traje de boda. Bumagsak na ang kaniyang buhok dahil sa pagtakbo niya. Ramdam niya ang dumi sa kaniyang paligid na nadikit sa kaniyang balat, sa kaniyang suot, sa kaniyang mukha, ngunit hindi siya tumigil sa pag takbo. Patuloy siya sa pagtalikod sa bukas na sana ay sa kaniya.
Tequila. Vodka. Brandi. Hindi na niya mabilang kung nakailang baso na siya. Alam niyang makakasama sa kaniyang kalusugan ang pag inom ng alak. Masama para sa kaniyang anak. Ang mga mata ay puno ng luha, ilang baso na ang kaniyang itinumba. Malalim na ang gabi. Dumadami na ang tao sa kaniyang paligid. Dumadami na ang mga matang natingin sa kaniya, ang mga bulungan na tila siya ang sentro ng usapan, ngunit lahat ito ay hindi niya ininda. Nilagok niya ulit ang laman ng baso malapit sa kaniya sabay pahid ng luha.
"Miss, kanina pa ako nandito, pero mas madami pa yung nainom mo kesa sa nainom ko." Sabi sa kaniya ng isang lalakeng hindi niya naman kilala.
"Walang basagan ng trip, kung inggit ka edi uminom ka rin ng madami!" Asik niya dito.
"Nagbibiro lang naman."
"Wala akong panahon sa mga biro mo, pwede bang doon ka na lang sa malayo? Iwan mo ako dito."
"May problema nga ito." Bulong ng estranghero.
"Go away." Sabi niya dito, ngunit ayaw umalis ng binata.
"Alam mo, miss, kung may problema ka, 'wag mo masyadong idaan sa alak. Pwede mo namang idaan yan sa pakain. Akala ko ba kayong mga babae, pagkain ang takbuhan kapag may problema?"
"Shut up. Hindi ko hinihingi opinyon mo."
"Aba! Ang swerte mo nga at libre pa yung advice ko sa'yo e, kung sa iba, may bayad pa yun."
"Wala akong pake, please lang, umalis ka na, ayoko ng may kasama."
Hindi na muling kinausap ni Callie ang lalake. Ang lalake naman ay patuloy lamang ang pagmamasid sa dalaga, tila sinusubukan nitong tuklasin ang mga sikreto sa mata nitong puno ng galit at pighati.
Makalipas ang halos dalawang oras, hindi na halos maibukas ni Callie ang kaniyang mga mata. Masakit na rin ang kaniyang lalamunan. Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng alak na walang sawa niyang ininom simula ng dumating siya sa loob ng bar na pinuntahan niya.
Alam niya kung anong magiging epekto sa kaniya ng mga alak na ininom ngunit hindi niya magawang sisihin ang sarili. Katwiran niya ay ito na ang huli, para lang malunod ang mga emosyon na patuloy siyang pinapatay. Kailangan niya lang tumakas.
Sa dalawang oras na wala siyang sawang umiinom ay nakamasid lang sa kaniya ang estranghero, hindi niya ito iniwan dahil alam niya na mapapahamak ito kung walang titingin habang ito ay nagpapakalunod sa alak. Halata niyang hindi na kaya ng babae, ito ay nakapikit na at nakasandal na sa sofa na kanilang inuupuan. Alam niyang dapat niyang tanungin ito kung saan ito nakatira upang ihatid ito, ngunit alam niyang walang isasagot sa kaniya ang dalaga.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ng tuluyan si Callie. Napabuntong hininga na lamang ang lalake. Alam niyang magagalit ang ate niya kapag dinala niya ito sa bahay nila kaya sa condo na lamang niya ito patutuluyin.
Nahirapan pa siyang pasakayin ito sa kaniyang sasakyan dahil sige ang galaw nito. Masyadong malikot ang dalaga, mabuti na lamang at hindi ito nagsusuka kahit na lasing na ito. Alam ng lalake na hindi magiging maganda ang umaga ng dalaga sa kaniyang pag gising. Inihanda na niya ang sarili para sa galit at pagbibintang sa kaniya ng babae.
Tila umiikot ang mundo ni Callie mula ng imulat niya ang kaniyang mga mata. Pilit niyang inaabot ang cellphone niya sa lamesa ng wala siyang makapa kahit na mismong lamesya, doon nagising ang diwa niya. Bigla siyang napaupo, isang bagay na ikinasisi niya dahil sa pag sakit ng ulo niya dulot nito, at napatingin sa kaniyang paligid. Doon niya napagtanto na hindi niya bahay ang kaniyang tinuluyan.
Mas lalo siyang nagimbal ng pumasok ang isang estranghero sa kwartong tinutuluyan niya.
"O, gising ka na pala." Wika nito habang patuloy na naglalakad papunta sa kaniya.
"A-anong nangyari?"
"Kung ano man ang iniisip mo, mali ka."
"Ito ang orange juice at bacon, makakatulong sa'yo yan." Mungkahi nito, matapos ilagay sa pinaka malapit na lamesa ang mga dala.
"Anong oras na? Asan ang mga gamit ko?"
"2PM na po, at nasa drawer ang mga gamit mo. Lowbatt na rin ang phone mo at unfortunately, wala akong charger ng android phones. Papano ko nalaman? Well, may isang number diyan na nakailang missed calls din sa'yo, siya ang rason kaya namatay phone mo."
Pinilit alalahanin ni Callie ang mga nangyari sa loob ng 24 na oras. Lalo lamang siyang nahilo kaya siya ay napatakbo sa banyo upang sumuka. Agad namang sumugod sa tabi niya ang lalake at hinagod ang kaniyang likod. Napapunas na laman siya ng labi ng maalala niya ang mga nangyari nang nakaraang araw. Bigla na lamang nagtubig ang kaniyang mga mata ng maalala ang ginawa niya sa dating kasintahan.
"T-teka, miss, bakit ka naiyak? S-sorry kung dinala kita dito ng walang pahintulot, hindi ko alam kung saan ka nakatira at dahil doon sa caller kaya hindi ko man lang natignan ang phone book mo para matanong ang--"
"Gusto ko ng umalis."
"Ha?"
"Gusto ko ng lumayo mula dito."

YOU ARE READING
Ang dulo ng Walang Hanggan
Short StoryIto ang kwento matapos iwan ni Callie si Daimon sa altar, ito ang umpisa ng kanilang hangganan. Started: September 15, 2016 Status: Currently on hiatus