Araw-araw akong binabangungot sa away at bangayan ng aking mga magulang. Walang isang araw na hindi sila nag away patungkol sa pera at sa akin. Maski ang mga kapatid ko ay naririndi narin sa walang kwenta nilang diskusiyon.
Palagi akong naiiiwang mag-isa sa bahay magmula noong nakapag-asawa ang aming panganay na kapatid na siyang palaging nagtatanggol sa akin tuwing binibiro ako ng isang nakatatanda kong kapatid, palagi niya akong isisinasama sa kaniyang trabaho ngunit nang magkaroon na ng sariling pamilya ay hindi na ako nakalabas ng bahay.
Ang pangalawang kapatid ko naman ay napakatalino dahilan para dalhin siya sa ibang dako ng daigdig para doon nalamang mag aral sa paaralan ng mga henyo. Samantalang ako na palaging pinagbubuntunan ng galit ng tatay ko ay naiiwan lang mag-isa sa bahay.
Palagi akong napapalo ng hindi ko alam ang dahilan sabi niya dahil bobo raw ako, hindi ko alam kung bakit sa aming tatlo ako ang palagi niyang napag-iinitan ng ulo. Mayroon pa ngang isang gabi na lasing na siya kung umuwi at nang makita niya ako na naglalaro ng rubix cube ay agad niyang kinuha iyon at pinag hiwahiwalay. Humiyaw ang aking ina nang makitang paluin niya ako dahil sa ako ay napahagulgol sa pagsira niya sa aking kaisa-isang laruan na regalo pa mula sa aking panganay na ate.
Kung hindi ang sarili ang aking nakakausap ay ang salamin na nakasabit sa aking silid. Aba wala akong sira sa ulo pero isang araw may nagsalita mula sa likod ng salamin. Wala akong laruan o kahit unan na makausap dahil ipinagkait iyon ng aking ama. Kaya tanging ang salamin at repleksiyon ko lamang ang kausap ko. Ngunit nagulat nalamang ako isang araw dahil may boses na nanggagaling sa likod nito.Kinakausap ako ng boses na iyon tuwing wala nang mga tao at ako nalamang ang naiiwang mag isa sa aming bahay.
Hindi ko maintindihan ang sinasambit ng nasa likod ng salamin kaya tinanggal ko ito at idinikit ang aking tainga sa pader. Sa una ay kumakaluskos lang ito hanggang sa narinig kong may tunog siyang pinipilit iparating sa akin. Mukha akong tanga na nakadikit sa pader at hinihintay ang bawat ingay ng tunog na ginagawa niya.
Akala ko noon ay titigil na siya pagkatapos ng tatlong araw na hindi ko kinakausap ang salamin at nanahimik nalang ako dahil puro tunog at kaluskos lang ang naririnig ko.
Hanggang isang araw ay kumatok siya sa mismong likuran ng aking salamin. Narinig ko iyon kaya lumapit ako at kinatok din ito tanda ng aking pagsagot.Sa wakas ay may sinambit narin siyang tunog. Pero dahil makapal ang pader na nakapagitan sa amin ay nahirapan akong intindihin iyon. Dumaan pa ang mga araw at narinig kong kumakanta siya. Ang tangi kong nauunawaan sa musika ng awit niya ay ang malungkot na tinig at ang himig ng awit niya na parang puno ng pait. Pagkatapos niyang kumanta ay pumapalakpak ako gamit ang aking kanang palad na hinahampas sa pader na nakapagitan sa amin.
Nang makatagpo ako ng kakampi at kausap na nanggagaling sa kabilang dingding ay sinikap kong butasin ito gamit ang dulong bahagi ng kutsara dahil gusto ko nang makita ang mukha ng boses na nakatago sa likod ng sementong pader na nakapagitan sa amin. Matapos ang dalawang matagumpay na taon na paunti-unti akong naglililok ay nakabuo rin ako ng maliit na butas, tama lang para mas marinig pa namin ng klaro ang boses ng isat-isa at makita ang mata ng bawat isa.
Sa wakas ay nakita ko narin ang mata ng nagmamay ari ng boses babaeng laging malungkot ang awit. Ang babaeng nakikinig sa mga kwento at pagmamaktol ko. Kagaya ko rin ay naiiwan siyang mag isa sa bahay. May katulong sila pero pag wala na raw ang mga magulang niya ay iniiwanan din siya nito at saka nalang babalik pag alam niyang malapit na ang uwian ng mga magulang niya.
Kagaya ko rin siyang uhaw sa atensiyon at pag aaruga, kapos sa pagmamahal at kalinga. Siya, at siya lamang ang taong nakakaunawa sa butas at sakit na bumabalot sa aking pagkatao. Siya lang ang babaeng nagbibigay liwanag sa aking mundo, siya lang ang nagbibigay pakahulugan sa walang kulay at impiyerno kong buhay kaya masisisi pa ba nila ako tuwing ako ay gigising na siya ang hinahanap?
Tuwing umaga pagkaalis ng aking mga magulang ay balik na agad ako sa dati naming tagpuan ni Auria, tatanggalin ko ang nakaharang na salamin at sa kabila niya rin ay ang shelves ng libro na tumatakip sa buta na gawa ko, nakagawian na namin iyon hanggag sa umabot ang taon at lahat ng itinuturo ng pribadong guro niya at ibinabahagi din niya sa akin. Walang sawa kong sinasabayan ang paulit ulit na malungkot na awitin niya na hindi ko naman maintindihan ang pakahulugan.
Mayroon pang isang araw na binigyan niya ako ng lapis at papel. Inutusan niya akong bumuo ng tula para sa kaniya. Hindi ko pa alam gumawa ng tula noon kaya idinaan ko nalamang sa pag drawing. Nang matapos iyon ay saka ko ibinigay sa kaniya at sa sobrang tuwa niya ay nasabi niyang gusto raw niya akong yakapin.
Halos araw araw ay pinag da-drawing niya ako dahil kakayahan ko na daw iyon kaya sa galak ay sinubukan kong i drawing ang mukha niya base sa akin imahinasiyon.Hanggang isang araw nang hindi na namin mapigilan ang aming nararandaman ay nagplano kami. Isang linggo kaming nagplano at napagkasunduan namin na linggo ng gabi pagsapit ng alas dose kung kailan tulog na ang mga tao sa paligid namin ay pareho kaming magkita sa ilalim ng nag iisang lumang puno na nasa likuran ng sementeryo.
BINABASA MO ANG
Under The Cherry Tree
Mystery / ThrillerA short story of love,friendship and hatred.