Nang masilip kong asiwa na si Auria sa pagbabalot ng gamit ay sinimulan ko namang gumawa ng paraan kung papa-ano makalabas sa silid ko. Hindi ko magawan ng paraan para mabuksan ang labas ng pinto kahit ilang beses ko nang sinubukang sirain ito dahil sa kadena sa labas na nakabalot dito. Kung ituring ako ay parang aso ng aking ama hindi ko alam kung bakit sobra nalang ang pag aalala niyang makalabas ako kaya't tiniyak niyang hindi ako makakalabas ni kailanman sa silid na ito.
Nagsimula lang naman akong ikulong at nilagyan ng rehas ang kandado ng aking silid noong isang araw na maabutan niya akong nakikpag usap sa tatay ni Auria, hinahanap ko kasi siya ng mga oras na iyon at naglakas loob akong lumabas para ibigay ng personal ang tulang nagawa ko ngunit ang tatay niya ang lumabas sa pinto at ito ang nakausap ko. Nagulat na lamang ako ng maramdaman kong may humila sa akin at laking gulat ko nang pagtingala ko ang aking ama na pala ang nasa likuran ko, hinila nito ako papasok ng bahay at pinagpapalo at saka ikinulong at pinalibutan ng rehas ang kandado ng aking silid nang walang paliwanang. Naiinis ako sa nanay ko dahil wala manlang siyang ginawa kundi sumang ayon sa lahat ng gawin ng tatay ko. Umiiyak lang siya at sinisigawan siya ng aking ama ng mga oras na iyon, wala manlang siyang ginawa para maramdaman kong anak niya rin ako.
Nang mapakamot ako ay napatingala ako at mapatitig sa kisame. Hindi pasadya ay nakita kong may hugis parisukat na naka awang na maaari kong daraanan. Napatingin ako sa mga damit na sana ay dadalhin ko at nagpasiya na lang akong iwan ito kaysa maging dahilan pa para mabuko ako at maudlot ang planong matagal na naming binalak ni Auria. Pinag isipan ko kung papaano makaakyat at inikot ang tingin sa paligid. Tanging ang aking katre lang ang paaraan para maka akyat ako sa itaas.
Sinimulan kong tanggalin ang kumot at dahan dahan ko itong hinila at itinayo saka ko ipinosisyon para tutok sa tapat ng nakabukas na parisukat na daraanan ng mga kawad ng kuryente.
Dahan-dahan akong umakyat para hindi mag iwan ng ingay at para hindi narin matumba ang kamang nagsilbing kasangkapan para makarating ako sa itaas.
Hindi naging madali ang pag usad ko dahil maraming kawad kaya pinagpawisan pa ako sa init at kaba, kinakabahan akong magkamali dahil pag nagkataon ay mapapatay na ako ng aking ama sa pagkakataong ito.