one shot

12 1 0
                                    

3 years ago, i met a guy sa alma mater ko. Studyante ko siya, student teacher ako that time. (Boys and girls week nung highschool) Sa lahat ng naging students ko siya nangibabaw, ang papansin niya kasi and that time madali akong mairita sa mga ganung tao. Weeks pass, nakilala ko siya at yung iba niyang kaibigan, masaya sila kasama pero mas maging close kami nung student ko yung, rather schoolmate ko. May girlfriend siya nun ang going strong sila, ako that time finally nakapag move-on na sa taong nanloko sakin. Hindi ako nagmove-on dahil iniwan niya ako, nagmomove-on ako sa sakit nang lokohin. Hindi ko gaanong minahal yun kasi iwas really study hard that time, so di gaano kasakit maliban sa naloko ka nga. Wala namang masaya kapag naloloko diba? Well, back to the guy na schoolmate ko. Nakakatxt na kami, nagkukwentuhan ng kung ano ano lalo na kay astroboy, then nag-oopen up nadin siya about sa problema nila ng gf niya. April 5 the same year naging mas close kami dahil sa hiwalay na sila, (according sa kanya yun daw yung date nung naging close talaga kami) lagi ko siyang inaadvisan about sa problem niya.. Tinutulungan ko siyang wag mag-give up, and hindi nagtatapos buhay niya sa ganun lang. It sound oldish but ganun talaga yung naiisip kong paraan para makaget over siya kahit mahirap. Naging magbestfriend kami, pero natakot akong maging bestfriend siya kasi baka mafall ako sa kanya at di mabalik yun. Hindi ko kasi siya naging crush or nagustuhan bago ko siya maging bestfriend so meron talagang possiblity na mahulog ako. Lahat kasi ng crush ko or nagugustuhan ko kapag naging close ko, nawawala yung feelings. Boring na kasi kapag naging close mo yung taong gusto mo. Always mo na kasing nakakausap, wala nang stalk moments. Haha.. Lumalayo na ako, so yun na nga.. Nagka gf siya and suportado ko parin. As long nakikita kong masaya mga kaibigan ko masaya narin ako. Nakailang girlfriend din siya. Base sa mga kwento ng mga bestfriend niya, sobra daw siya magmahal, seryoso talaga, And he will do anything maipakita niya lang yung pagmamahal na yun sa babaeng gusto niya. And totoo naman kasi ganun niya iniyakan yung babaeng yun. Kaso dahil sa isang babae mukhang nagbago siya, parang naging playboy but still friend ko pa din siya. Continuous communication, and hindi ko nanamalayan unti unti, nahuhulog na pala ako. Akala ko crush lang kasi ang kalog niya and parang yung bestfriend kong lalaki (8 yearsbestfriend to be exact). May respeto sa babae. Nung unti unti kong nakoconfirmed na nafafall na ako, unti unti lumalayo na din ako sa kanya. Nagpapakabusy para lang madivert attention sa iba, baka sakali mawala yung feelings ko. Then one day, nagconfess ako, pero unlike the others nung nagconfess ako sa kanya kasabay nun yung tuluyan kong paglayo. Sabi ko one month lang pero di pala kaya ang one month so naging 3 months yun. Sa loob ng 3 months may nameet akong dalawang lalaki na akala ko isa dun puedeng maging dahilan para mawala feelings ko sa kanya. Oo inaamin ko, naging rebound ko sila para sa lalaking yun pero hindi rin effective kasi akala ko wala nang feelings but because of the Paris chain messaged, (yung pupunta daw sa ibang bansa kemerut tapos pasa mo sa ibang tao para mabiktima mo din) kinontak ko siya. Umiyak and nagconfess nanaman. Kaso joke lang pala yun, pero di naman nakakapagsisi eh kasi dahil dun may totoong confession na naganap. And hindi ko alam may pagbabago na palang magaganap. Naging close uli kami, balik sa dati. Yung feelings ko, nandun parin at lalong nahuhulog sa kanya. Pero hindi ako umaasang puedeng maging kami kasi kuntento na ko sa kung anung meron kami. Okay na saking bestfriend kami. Iniisip ko nalang that time, makakahanap din ako ng gaya niya. Di pa lang siguro dumarating. Handa na kong talikuran lahat ng feelings ko eh but January 6,2016 came, nagkaroon kami ng bonding ng konti then he pm me. Best pm i could ever have. Akala ko walang eh, kasi siguro namiss lang ako kaso nagtutuloy ang pagpapakilig niya. January 9, nagstart na sinusundo niya ako ng hindi ko alam kung bakit. Nakakapagtaka para sa isang kaibigan na magsunduan pero dahil ayaw kong umasa hinayaan ko na.Pero tuloy tuloy eh.. Naging concern ng todo sakin kaya tinanong ko na kung anung ganap samin. January 12, lahat ng tanong ko nasagot, hindi niya pinaalam na nanliligaw na daw siya, nakakagulat, nakakaspeachless, mixed emotion. Pero dahil the feelings is mutual pinayagan ko na.. Yup, sinacrifice ko yung friendship namin para isang love na hindi ko alam kung magtatagal. Natatakot pero need to take risk para malaman lahat at matuto. Pinakilala ko rin siya sa parents ko nung naliligaw palang siya, promise ko sa sarili ko yun eh and one sign ko rin yun na kapag kinaya kong ipaalam sa kanila means he can be my one true love (madami po kong signs eh) ang galing niya manligaw, sweet words, house visitation, simple dates, back hugging, and kahit di pa kayo laging hawak kamay mo. And you always feel na sobrang mahal ka niya. Kaso may problema, di pa pala totally break sila ng ex niya and worst naging close ko pa yun. Ang labas parang nang-aagaw ako, and nakakatakot baka maiwan ako kapag bumalik yung taong yun. Alam kong mahal niya yun eh. Nagdalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba o hindi. Hindi sa ako takot masaktan, takot lang maiwan and takot mahusgahan ng iba. Pero di ko magawang itigil eh, nakikita ko kasi na seryoso siya sakin and naibigay ko kasi first kiss ko sa kanya (accidentally) so ayun, itinuloy ko. Feb. 8 sinagot ko siya dahil gusto ko talagang matapat sa 8 ang relationship ko, naniniwala kasi ako sa magic ng infinity and nakita ko yung pagiging God fearing niya, plus dinala pa ko sa lugar na gusto ko puntahan, ang Quiapo church. Parang wala namang nagbago, nagpapakilig parin at pinaparamdam yung love, nagkaroon lang ng monthsarry at pagbabago ng status . Sa una puro saya saya, konting tampuhan but later on napapadalas yung away pero ang maganda dun, Parehas walang sumusuko, parehas mahigpit ang hawak sa kamay. Kaya siguro tumagal kami ng 7 months sa kabila nang maraming di pag kakaunawaan. Maybe hindi pa ganun kahaba pero in this genration bihira nalang ang nagtatagal eh. Kung bibigyan nga ko ng pagkakataon ni lord sana siya na until the end.. Ansarap niya kasi magmahal pero kung hindi okay lang atleast naranasan ko mafeel yung love na walang katulad. Kapag nakilala mo siya, masasabi mong ang swerte ko kasi tinuturing akong prinsesa ng isang prince charming. Walang palya love nun sakin kahit madalas inaaway ko. Lagi niyang pinoprove not just words but in his own effort na mahal na mahal niya ko. Maraming nagsasabi ang swerte daw niya kasi isang babaeng maeefort ang napunta sa kanya, pero di nila alam na ako ang mas maswerte kasi simpleng lalaki gusto ko, Mahal ako at mahal si lord pero sobra yung naibigay sakin
Mahal na mahal ako at mas mahal na mahal si lord. Siya nga ang naging dahilan para magkaroon uli ako ng faith in God, kapag takot ako lagi siyang nandyan hanggang mawala tajot ko kahit minsan natatakot parin ako. He was may bestfriend in all times. Sinasabihan niya ko lagi na taba pero pinapakain niya naman ako ng maramin. Kapag tiningnan mo siya parang sweetness sa katawan pero kapag nakilala mo siya, tinalo niya tamis ng asukal sa sobrang sweet at lambing. Masyado na kong masaya at maswerte sa kanya kaya mahirap na siyang iwan. Mahirap nang humanap ng tulad niya eh. Once in a blue moon kung baga. Kaya nga ayoko ng pakawalan eh, kasi ayokong makitang hawak siya nang iba. Ganun ko kasi siya kamahal at patuloy na minamahal. Ang corny ko no? Ganun talaga eh, sobra yung saya at lungkot na bigay niya. All his effort are highly appreciated. Di man niya alam yun but ganun ko naapreciate lahat ng galing sa kanya. Kaya nga sobra din effort ko eh, para masuklian ko naman lahat ng bigay niya. Kasi dapat hindi laging siya, ako rin para walang sawaan na magaganap. Kung prinsesa ang turing niya, higit pa sa prinsipe ang gusto kong maramdaman niya mula sakin. Sana nararamdaman niya. Tama na nga, baka maasar ka na sa kwento ko.. Gusto ko lang ipaalam kung gaano ko siya kamahal eh. Oo nga pala di mo pa alam pangalan niya, siya si Cristian Justine O. Palisoc. Yung lalakeng laging pinaparamdam sakin na mahal na mahal na mahal niya ko. Maraming salamat sa pagbabasa 😊

When I Fell Inlove With A Prince CharmingWhere stories live. Discover now