“Sometimes you think you've gotten over a person, but when you see him smile, you suddenly realize you're just pretending you're over him to ease the pain of knowing he will never be yours.”
Ang hirap ng feeling na ganun, right? Yung ikaw mismo, akala mo wala ka nang nararamdaman para sa kanya pero nang dahil lang sa isang simpleng ngiti, lahat ng mga pinaghirapan mo sa loob ng isang taon ay nasayang. Nakakainis na nakakaloka na nakakabaliw ang feeling! Halos isang taon mo siyang hindi pinansin, hindi kinausap, ni hindi man lang tingnan tapos wala lang nangyari. Kung hindi ka nga naman si tanga. Ipapaniwala sa sarili mo at sa ibang tao na nakamove on ka na pero nang dahil lang sa isang ngiti ni crush, tunaw ka na? Duh? Nasan ang utak?
O kung hindi man ngiti, pag nakitang may kasamang iba si crush, grabe makareact? Akala ko ba moved on na? Todo pa rin makapanlait kahit moved on raw kuno. Aminin na natin na marami talaga ang ganyan sa atin. I must admit na isa ako sa mga taong yan. Isa ako dun sa mga taong nagpakahirap magmove on pero sa huli, hindi pa rin pala ako naging successful. Siya pa rin pala. Hindi pa rin pala nagbago yung nararamdaman ko para sa kanya. Natulog lang pala ito nang sandali at naghihintay ng tamang timing ng pagbabalik nito. Isa ako sa mga taong nagpakadesperada...nagpakatanga.
Pero paano mo nga ba malalaman na nakamove on ka na sa isang tao? Paano ka makakasiguradong wala ka ng nararamdaman para sa kanya? Paano mo ma-aassure na kahit anong gawin niyang ngiti o pagpapacute sa harapan mo ay hindi na babalik yang nararamdaman mo sa kanya?
7 signs...7 ideal signs na nakamove on ka na kay crush.
1. No tug-dug of the heart. Cliche man pero aminin natin kapag nakikita o nakakausap natin si crush ay medyo nawawala tayo sa ating composure. Lalong-lalo na kung gustong-gusto natin siya. Malalaman mo lang na nakamove on ka na talaga kapag parang normal lang ang pakikitungo mo kay crush. Kung paano ka makipagkausap sa ibang tao, ganun na rin kay crush. Kahit anong lapit pa ni crush sa mukha mo, no reaction. It's not that pinipigilan mong maglabas ng kahit anong reaction. That would be invalid. As in dapat wala lang talaga. Like OK. Ang lapit niya sa akin. Period. End of story. Hindi ka na magtutumbling-tumbling at i-announce sa buong mundo na kinausap ka ni crush at 1 inch na lang ang pagitan ninyo.
2. No pa-cute effect. Kapag nakakasalubong mo si crush, wala ng pahawak-hawak pa kunwari sa buhok at pakikiramdaman kung mukha ka ng bruha sa hairstyle mo. Hindi ka na rin magpapakademure kunwari sa harapan niya kung hindi ka naman talaga ganun. Kapag nagagawa mo ng ipakita sa kanya ang normal na ikaw (na hindi mo nagagawa nung may crush ka pa sa kanya), then I must say na nakamove on ka na. Hindi ka na nagpapaimpress sa kanya dahil tapos ka ng umasa sa “kayo”. You're over him so why would you bother, right?
3. Look straight into his eyes. Kinausap ka ni crush, nagawa mo siyang titigan sa mata nang hindi nagsspace out o umiiwas ng tingin. Hindi na bumabalik ang mga alaalala mo sa kanya. Hindi mo na nararamdaman yung parang pagpiga sa puso mo nang tumingin ka sa mga mata niya. Kahit tunaw ka na sa mga tingin niya, hangga't hindi pa tapos ang pag-uusap ninyo ay hindi nagiging awkward ang pagtingin mo sa kanya. Yan ang pinakaunang assurance na as in sure na sure na you've already move on. Ang hirap kaya gawin noon! Lalo na kapag super ganda ng mata ni crush, at yung tingin niya ay nakakatunaw. (relate!!!!) Nakakalurkey!
4. Smile ka rin. One of the main misconceptions na kapag nakamove on ka na rin daw, hindi mo na raw papansinin si crush. Poker face ka lang kapag nagkasalubong kayo. Hindi mo nga pinansin pero deep insde naman, gustong-gusto mo na siyang hilahin at halikan! Wala rin! Kapag ngumiti siya sa'yo, ngumiti ka rin. It wouldn't matter naman kasi nakamove on ka na. It wouldn't feel awkward naman kasi diba nga, you've already moved on? Kapag nagawa mong ngitian siya, a sincere and not an awkward one, then siguro, malapit na. Konting push na lang! Super moved on ka na talaga.
5. No dreaming, no assuming. Hindi ba't dito naman talaga nagsimula ang lahat? Sa pag-aassume na may gusto rin siya sa'yo. Masyado kang umasa kaya nga nauwi kang sawi. At ayan tuloy, kinakailangan mong magmove on. Kapag nagawa mong matulog nang hindi man lang siya naiisip o kung naiisip mo man siya, hindi na masakit...napapangiti ka na lang, hindi dahil sa mga masasayang alaalala kundi sa mga katangahang ginawa mo para maging sawi gaya ng ngayon. Ito'y isa lamang pagpapatunay na nakamove on ka na at nagawa mo ng tanggapin nang bukal sa iyong loob ang katotohanan. Namulat ka na rin mula sa isang kasuningalang ikinabuhay mo sa mahabang panahon.
6. No emo love quotes, no emo love songs. Sa mga babae, lalong-lalo na. Kapag broken hearted tayo, lagi tayong naghahanap ng quotes o love songs that will best express our feelings. Hindi man natin napapansin kung minsan pero kapag nababasa o naririnig natin ang mga ito, unconsciously, bumabalik yung iba't ibang mga alaalala. Kapag napansin mo na unti-unting hindi mo na naging hiig ang pakikinig sa mga emo love songs na yan. Kapag hindi ka na nagpopost o nagji-gm ng mga emo love quotes (lalo na kapag hindi ka naman talaga ganun) then malamang, you've already moved on. Hindi mo na kailangang ilabas ang mga kabitteran mo dahil tapos ka na sa stage na yun. Nakamove on ka na. Tanggap mo na sa sarili mo na kahit anong gawin mo, wala ng mangyayari. Tapos na ang break mo.
7. Tawa lang. Sa lahat, ito ang pinakamahirap gawin. Ang pagtawanan ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa mo. Yung masasabi mo sa sarili mo, “Seriously, ginawa ko yun?” Yung pagkukuwentuhan niyong magkakaibigan tapos tawa lang kayo ng tawa nang dahil sa mga nangyari. Mas maganda kung si crush mismo ang kausap mo. Pareho niyong pagtatawanan ang mga nangyari. Mag-uusap kayo na parang hindi ka nagkacrush sa kanya. Everything's normal. As if nothing happened. Kapag nagawa mo itong i-open sa kanya then hanga na ako sa'yo! Ikaw na talaga ang nakamove on na talaga kay crush! Kapag nagawa mo yan nang walang hinanakit...kahit yung tago...100% sure, nakamove on ka na talaga. Congratulations!
Remember, these are ideal scenarios of persons who've moved on. However, no matter how we make ourselves believe that we've gotten over him, the memories will still be there. Maliban na lamang kung magka-amnesia ka, ang mga alaala niya ay anjan pa rin nakatatak sa isipan mo. You don't have to deny. Hindi mo kailangang ipilit sa sarili mong ipakita ang mga nasabing sign sa itaas para lang masabi na nakamove on ka na talaga. Tandaan na iba't iba ang mga tao. Maaarig para sayo applicable ang mga yan pero para naman sa iba ay hindi. Ang importante, natanggap mo na ang katotohanan. Hindi mo na kailangang paniwalain ang sarili mo na nakamove on ka na pero alam mo naman sa sarili mo na hindi pa naman talaga. Bottomline, you'll know you've gotten over him when you learn to accept the truth.
-The End-
![](https://img.wattpad.com/cover/10244294-288-k590121.jpg)
BINABASA MO ANG
7 Ideal Signs na Nakamove on ka na kay CRUSH
Non-Fiction7 signs..These are 7 ideal signs that will prove that you've already gotten over him..that your feelings for him were long gone. This is a sequel of "5 Ways Para Magmove on kay CRUSH"