Episode 17

514 28 0
                                    

Jamie's POV

Pinapasok na ni andrea yung mga students. Wow ang daming gustong sumali ^_^ . Bale 17 sila which is 7 girls at 10 boys na halo halong year, Tig limang students sa 1st year to 3year tapos dalawa lang sa 4th year tapos babae pa wala akong pangboard 1 sa boys division nito. -_- Sadlyp!


" Tanggap na kayo. We will inform later or early tomorrow para sa spot competition niyo. Dito natin malalaman kung sino ang ilalaban natin sa Board 1 , 2 and 3 sa boy at girls division. " sabi ko.

" Sige po. " sabi nila.


Pagkalabas nila sa room ay nakita kong Lagpas 11am na pala. Agad kong tinawagan si nay ising agad naman niya itong sinagot.


" O jam anak napatawag ka ? " ani ni nay ising sa kabilang telepono.


" Ahm nay luto na ba yung pinapaluto ko ? " tanong ko sa kanya.

" Anong pinapaluto mo anak ? " nagtataka niyang tanong sakin.  Whaaaatt! nakalimutan ata ni nanay.

" Yung kaldereta po nay yung sinabi ko po kagabi. " nag aalalang sabi ko sa kanya.

" Wala naman akong natatandaan anak. " sabi niya . Luuh ? ako ata nakalimot.

" Ay sige po nay bibili na lang po siguro kami ng pizza. " nanlulumo kong sabi tapos bigla itong humalagapak sa pagtawa. Ehhh seriously ?


" Papunta na jan si kuya eric mo dala yung ulam. Binibiro lang kita anak haha. " tumatawang sabi ni nanay ising.

" Nanay naman pinakaba mo ako dun ah. " naiiyak kong sabi pero nakangiti

" Oh siya sige na pasensya namiss kitang biruin e. " paglalambing niya

" Salamat nay. " sabi ko


" Oh ibaba ko  na ito sigurado akong andyan na sa school niyo ang kuya eric mo. Maglilinis din ako sa hardin. " sabi nya


" Ok po nay wag masyadong magpapagod ah. labyu " sabi ko


" Sige. "  sabi niya. Nagfacebook na lang ako ulit habang hinihintay si kuya eric.


Matapos 15 minutes dumating si kuya eric tapos si mang nestor na helper sa bahay at papa ni kuya eric.

" Hi kuya. " sabay naming sabi ni bakla.

" O eto na yung pagkain niyo. " nakangiting sabi ni kuya

" Salamat kuya. Tara samahan niyo na kaming kumain kuya, mang nestor. " pag aaya ko sa kanila. 

" Naku hija wag na. sabay na kami ni ising sya nga pala naglagay din siya dyan ng niluto nyang gulay. " sabi niya

" Talaga po ? pasabi kay nay ising salamat ng marami " nangiting sabi ko.

" O siya aalis na kami jam. " sabi ni kuya eric

" Ok kuya salamat ulit. " sabi ko 

" O tara na! Kain na hoy bakla yung mga plato kunin mo na dun para maka kain na tayo dito . " sabi ko

" K " sabi niya. Aba! kume K K tong bakla na to.




Arth's POV


Matapos kong kumain ng tanghalian ay dumiretso na ako sa school. Late na ako natulog kagabi kasi gumala pa ako baka kasi lumabas yung 72crown na yun pero nabigo lang ako.


Si papa naman sa monday pa daw uuwi, pinapasunod nga ako eh sabi ko baka bukas pa ako makasunod kasi may gagawin pa ako.


Pagkapark ko sa dating pinagparkan ko kung san nakilala ko yung apat. Andun sila nagtatawanan na nag uusap.


" Yo! " bati ni vince tapos tumango lang yung tatlo


" Brad may nalaman kami tungkol dun sa 72crown. " biglang saad ni craig. sinang ayunan naman nung tatlo


" Ano yun ? " tanong ko naman


" Nalaman namin ang plate number nito. " masayang sabi ni kris


" Oo. JL 15 ang plate number nito. " dugtong ni darwin


" Nice. Anong club sinalihan niyo ? " tanong ko sa kanila


" Dati na akong kasali sa basketball club. " sabi ni vince


" Ako sumali ako sa taekwondo " si craig


" Ako wala. Hindi kasi ako interesado sa mga club na yan tsaka 4th year na tayo di mo na masusulit kung ngayon ka lang sasama. " sabi ni darwin


" Pero pinasali ko to si kris sa archery club. Dati na rin tong naglalaro pero nahumaling din sa kotse tulad ko. Pinasali ko siya dun para mas mapalapit siya dun sa nerd na yun haha " dagdag pa ni darwin


Di man ako sang ayon sa plano nila pero wala ako magagawa. Labas ako dyan baka kasi ako pa ang mapag initan di ko pa naman alam kung ano ang kaya nilang gawin.


" Sige alis muna ako. May sasalihan din ako eh. " sabi ko at nagpaalam.


Ay oo nga pala di ko alam kung san yung room nila. Shunga! magtatanong na lang siguro ako. Habang nasa hallway ako ay pinagtitinginan ako, ewan ko ba may nagawa ba ako. Pero may narinig akong bulungan.


" Ang gwapo niya talaga no ? ang hot pa. "


" Dude yan yung pinagpapatansyaan ng girlfriend mo diba? "


" Sarap niyan sigurado. "


Argghhh damn pagkain ba ako? ang laswa naman nila masyado babae pa ba sila ? Magtanong na lang ako sa office. Pagkarating ko sa office isang babae lang andun.


" Ahm miss san dito yung D-12 room ? sorry bago lang kasi ako dito. " pag tatanong ko


" D-11 tong office. Dyan sa kabila yung room nila miss Ja- aimee " medyo nautal na sabi niya.


" Thanks po. " pasasalamat ko tumango naman ito sakin.


lumabas na na ako at pumunta sa kabilang room tulad nung sabi miss. Pagdating ko sa tapat ng room ay nakita kong nasa labas lang yung mga application form tapos may hangging board dun parang pagsusulatan ata.


Nag fill up na ako tapos kumatok. Pag pasok ko may tatlong babae at isang bakla at isa dun si nerd sa mga babae.




_____________________


SALAMAT PO SA MGA SUMUSUPORTA NA STORY PAVOTE NARIN AT COMMENT.

THE FAKE NERD'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon