Floating Sickness

991 64 37
                                    

Ang weird ng first time ko.

Naalala ko pa first time ko; Last year, Pebrero bente-sais noon. Holiday gawa ng EDSA. Naglalakad lang ako papuntang tricyclelan noong bigla kong namalayan na hindi na pala ako tumatapak sa lupa. Parang bawat hakbang ko ere lang natatamaan. Noong bigla kong napansin 'yon, napatigil ako. As in, tumigil ako. Gumagalaw ako; naglalakad paa ko pero hindi ako umuusog. Lumulutang lang ako sa ere, parang lobo. Siguro mga six inches rin akong lumutang noon. Parang tumalon lang. Mga tatlong minuto rin ako sigurong nakalutang bago ako bumagsak sa lupa.

Pagkatapos noon pasumpong sumpong nalang siyang nagyayari. Bigla nalang akong lulutang at tataas na parang ewan ko ba. Noong una nakakabahala talaga. May ginagawa ako tapos bigla akong lulutang. Nanonood ako ng sine ng bigla nalang akong tataas, tapos sisigawan ako ng nasa likod ko na agaw eksena raw ako. Isang beses noong exam namin buong period lang akong tumatama sa kisame. Pero ok na rin 'yon, kasi andali mangopya.

Eventually natuto rin ako kung paano ang galawan kapag ganoon. Dumating ang panahon na parang hindi ko na nga napapansin e. Malalaman ko nalang pag sinabihan ako ng tropa ko. "Kenneth, lumulutang ka a," sasabihin nila sakin. "Ay, oo nga no," sasabihin ko. Pero wala lang. Tanggap na e.

Dati, tina-try kong gawan ng solusyon ang paglutang ko. Nakakainis e. Nasuggest sa'kin ng isa kong tropa na magsuot ako ng weights sa paa. Parang angkla ba. Bumili ako ng weights na ginagamit ng mga runner pang training nila. Mahal rin pala noon. Sinuot ko tapos kasi hindi ko naman alam kung kailan siya susumpong, lagi ko nalang siyang suot. Siguro mga isang linggo rin 'yon bago ako lumutang. Hindi effective. Parang wala nga lang e. Kung tutuusin nga, mas masakit pag may weights sa paa e, gawa ng pag pababa na ako, mas malakas yung bagsak. Muntik ko nang kutusan 'yung tropa ko. Dati nagpapahawak rin ako sa mga tropa ko pag lumulutang ako. 

Pero dati 'yon. Ngayon ok lang talaga sa'kin na lumulutang. Nakita ko na kasi 'yung benefits. Nag-research ako ng todo sa internet ng tungkol sa nangyayari sa'kin, pero wala akong makitang related literature. Weird talaga. Pero astig rin at the same time. Kapag lumulutang kasi ako, pakiramdam ko ang free ko. Hindi na ako hawak ng Earth at pwede na kong gumalaw ng kahit akong gusto ko. Ang mga ibang tao kasi, atras-abante lang ang kaya. Liko sa kaliwa, liko sa kanan. X at Y axes lang ang kaya nila. Ako, may taas at baba na rin. Ang saya saya. Pakiramdam ko ako si Peter Pan. O kaya si Superman pero walang ibang powers, tapos yung kaisa-isa kong power minsan lang nangyayari.

Sumikat rin ako samin simula nang lumutang ako. Lahat ng chicks gusto magpapicture sa taong lumulutang. Bonus na rin siguro yung hindi ako masyadong pangit, pero andami talagang gustong magpapicture sa'kin. O kaya nagpapa-selfie kasama ako. Ever since natanggap ko ang karamdaman ko mas marami na followers ko kesa sa following ko sa Twitter. At hindi lang ako sa amin sumikat. Isang beses, pinuntahan pa nga ako ni Jessica Soho sa amin. Jessica Soho! Gagawan sana ako ng docu, pero umayaw kasi hindi sumusumpong sakit ko noon. Ayaw nila sabihin sa'kin ng harapan pero alam kong hindi sila naniniwala na lumulutang talaga ako noon. Sinabi nalang sakin, "Babalik nalang po kami kapag may time." At least nakapagpa-picture ako. Wala naman sigurong conspiracy para hindi malaman ng taong-bayan ang kwento ko, no? Ganoon lang talaga ang media, masyadong sensationalist minsan.

Umabot nga rin sa punto na parang nararamdaman ko kapag malapit na kong sumpungin. Parang premonition. Parang sa babae, pag feel nila malapit na sila magkaron. May mararamdaman ako na tingle sa paa ko, na parang gusto niyang tumalon pero hindi niya magawa. Kapag nararamdaman ko 'yon nagagawa ko nang maghanda, kasi ibigsabihin noon malapit na kong lumipad. Pag naramdaman ko yung tingle sa paa ko, ibigsabihin noon pagkatapos ng ilang oras lulutang na ako. Kino-compute ko kung ilang oras bago ako sumpungin. Average of six to eight hours na-compute ko. Kapag natulog ako nae-extend 'yung oras. Hindi ako lumulutang kapag tulog ako. Buti nalang.

Floating SicknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon