epilogue

2.3K 116 96
                                    


"kuya pakitabi nalang diyan" sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan ko.

agad agad kong binigay sakanya ang bayad at agad na pumasok sa isang bahay, bukas ang pintuan nito kaya tuloy tuloy na lamang ako.

agad akong tumakbo paakyat sa hagdan "aray" tangi kong nasabi ng madapa ako habang paakyat ng hagdan.

binalewala ko na lamang ang sakit at sugat sa aking tuhod at tumuloy sa isang kwarto.

panay basag na gamit ang tangi mong makikita sa loob nito, napakagulo.

nilibot ko ang paningin ko upang makita ang lalaking hinahanap ko.

hindi. hindi pwedeng mangyari to. "chase! chase!" tawag ko sa pangalan niya

napatingin ako sa pintuan ng banyo niya na nakabukas at may iyak akong naririnig, agad akong lumapit don at doon ko nakita ang hinahanap ko.

lahat ng luhang inipon ko kanina pa ay isa isa ng bumagsak ng makita ko ang isang lalaking walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo.

kahit na nanghihina ang aking tuhod ay tumakbo ako palapit sakanya at agad siyang niyakap "c-chase! bat naman ganito? bat mo kami iniwan? joke lang to diba? gigising kapa. hindi mo naman kami iniwan diba? hindi mo ako iiwan chase!"

"ikaw!" napatingin ako sa nagsalita, galit na galit ang mga tingin niya saakin. sinabunutan niya ako patayo at hinigit palayo kay chase, bigla niya akong sinampal "i-ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si kuya! kung dumating ka sana gaya ng sinabi mo naabutan pa natin siyang buhay. kasalanan mong lahat to" naiyak niyang sabi saakin.

tama siya, kasalanan ko ngang lahat to. kung hindi sana ako umarte at nagalit sakanya, kung siya sana ang pinili ko, makikita ko pa sana siya.

may buhay na chase pa sana akong maabutan.

"umalis kana iha" napatingin naman ako kay tita na nakaupo lamang sa isang gilid ng cr at naiyak "umalis kana dahil ayokong makita ka" dagdag niya

muli naman akong tumingin sa walang buhay na katawan ni chase, hindi ko pinansin ang sinabi ni tita at ni charmaine at muling lumapit sa walang buhay na lalaking mahal na mahal ko.

"c-hase... g-gumising ka na naman oh? hindi naman magandang biro to. w-wag mo naman kaming iwan please"

"umalis kana ate fall. hindi na gigising pa si kuya at dahil yon sayo! kasalanan mong lahat to."

niyakap ko naman ang katawan ni chase "hindi. hindi pa siya patay. gigising pa siya. diba chase gigising ka pa? h-hindi mo naman ako iiwan diba? gising na, nandito na ako." matapos kong sabihin yon ay hinalikan ko ang kanyang noo.

"umalis kana." pagtataboy nilang muli saakin "wag kang lumapit sa anak ko." dagdag nila at hinigit ako palayo kay chase ngunit hinigpitan ko ang yakap sa katawan ni chase upang mabigo sila sa paghihiwalay saakin.

"please. hayaan niyo muna ako ngayon. hayaan niyo muna akong kausapin siya" pakiusap ko sa kanila

"wala kang karapatan." sabi ni charmiane

hinigit nila ako hanggang sa bumitaw na ako ng kusa. napahagulgol nalang ako habang pinagmamasdan sa malayo ang lalaking mahal na mahal ko. bat mo ako iniwan chase? "umalis kana iha. ayoko ng makita kapa. ayokog makita ang taong dahilan ng pagkamatay ng anak ko"

lumuhod naman ako sa harap nila "pwede ko bang lapitan siya sa huling beses." nakaluhod kong pakiusap sa kanila.

"matapos mong lumapit sa anak ko, umalis kana. wag na wag ka ng magpapakita pa saamin" matigas at galit na sabi saakin ni tita.

tumango tango ako sakanya at lumapit kay chase, hinalikan ko siya sa kanyang labi "mahal na mahal kita. hinatayin mo ako chase. i love you"

lumabas na ako at sinara nila ang pinto ng banyo. pinagmasdan kong muli ang kwarto ni chase at napadpad ang aking mga mata sa basag na mga frame.

lumapit ako dito at napangiti ng mapait ng makita ito ng malapitan,picture namin ni chase noong mga bata pa lamang kami, noong birthday niya at may bahid pa ng ice cream yung mukha namin. noong nakaraang pasko na nakasimangot pa siya dahil sa kakulitan ko.

sana pinatawad nalang kita. sana hindi nalang ako sumuko. sana buhay kapa ngayon chase.

pinunasan ko ang luha sa aking mukha at kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinext si kuya.

kuya kong gwapo :) patawarin niyo sana ako sa gagawin ko. mahal na mahal ko kayo nila mama at papa. alagaan mo sila huh? patawad ulit kuya. i love you :* bye ;(

matapos kong masend ay kinuha ko ang basag na salamin at ginaya ang ginawa ni chase. sinaksak ko ang aking sarili. "mahal na mahal kita chase"

END.

a/n: ang boring nito para saakin :( ang pangit ng epilogue niya :( hays. ito lang talaga kinaya ng aking utak.

ps. ISANG MALAKING THANK YOU SA LAHAT NG BUMASA NG STORYA NILA CHASE AT FALL. SALAMAT SA PAGTYATYAGA SA STORYANG TO. HIHIHI. THANK YOU GUYS :*

[090216-091616]

dedicated kay winsthetic thank you sa cover :*

Chase [Hyungwon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon