BABALA:
Ang nagsulat nito ay isang babaing maganda at gutom na.. Wala akong ‘Wattpad family’ maliban sa mga blockmates ko.. Ahmm.. Wala pa ata sila sa sampu?! Hahahaha.. Therefore, wala akong kinakalaban at gustong kalabanin.. At lahat ng mga nakasaad dito ay base sa tunay na opinion ng nagsulat nito at nanggaling sa puso.. <3 Sheett.. Ang bakla ko! Hahahahhahahah..
At habang nagbabasa kayo nito.. Buksan niyo ang isip niyo.. In English.. Be open-minded.. ^_^
So here it goes.. Enjoy!
Shett.. Nag-enjoy ako sa Wattpad Chenes Monarchy System na yan!!! Lalo na sa mga comments ng mga readers.. Nakakabuhay ng dugo sa pagsusulat!!! But sad to say, busy talaga ako ngayon dahil malapit na ang midterm week.. ^_^ Parang gusto ko pa naman paglaruan ang mga characters ko.. LOLs..
Anyway, Tama si Ateng Colorful Black sa lahat ng mga sinabi jan.. But I just want to commend on some points na nakaagaw ng atensiyon ko.. ^_^
First is the cliché issue..
In my opinion kasi, hindi magiging cliché ang isang bagay kung hindi ito naging effective.. Therefore, may mga scene talaga na kahit paulit-ulit na lang sa kung saan-saan, in-include pa rin ng writers dahil feeling niya ay kinikilig siya or nakakaloka yung scene or whatever feelings na nararamdaman ng isang writer na gusto din niyang i-impart sa mga readers niya..
Ang magandang tanong kasi jan ay: “Anong naiba? Anong binago niya?”
Eeew naming kasi kung lagi na lang ganoon ng ganoon na lang ‘di ba? Kaya mas maganda kung mag i-innovate na ang ka-cliché-han nating mga writers.
Pero siyempre, mas maganda din naman kung bagung-bago ‘yung story ‘di ba? ‘Yung tipong mapapa-Wow ka.. ^___^
BUT let us admit it, sa sobrang dami ng mga story na nagsulputan sa kung saan-saan, ONE IN A MILLION na ‘yung mga rare.. Kaya nga rare eh no? ^_^
PERO hindi sapat na dahilan ‘yun para hiramin na lang ‘yung mga nakakasawang scene na nagpapakilig pa rin sa mga readers na walang sawang tumatangkilik sa mga Wattpad writers natin.. Ang sabi nga ng isa sa favorite reader ko sa isang novel niya..
“As to the human brain, well, of all the things on earth, none is more outstanding than the human brain. Scientists have made tremendous strides in studies of the brain. And even so, what they have learned is nothing compared to what remains unknown. Our human brains remain essentially mysterious. A human miracle..”
Kung tatanungin niyo po ako kung sa anong klaseng novel ko hinugot ‘yan.. Sa mga nakabasa na nito.. Isa pong romance novelist ang nagsabi nito.. Nagreresearch kasi talaga siya everytime na nagsusulat siya.. In fact, nag-interview pa siya ng mga MDs and lawyers just to make her stories credible.. ^_^
Anyway ulet, nalayo na tayo.. What I’m trying to say kasi is that despite the fact na million-million na ang mga stories na nasulat sa Watty at na-tackle na halos lahat ng twists and turns ng magulong buhay pag-ibig, there is still.. a HUGE SPACE for SOMETHING NEW.. Let us aim for that.
Tandaan mo tong sinasabi ko: Don’t just be copywriter.. Be a writer.
And for the last point nakaagaw din ng atensiyon ko.. You know I’ve been thinking of this ever since I started writing.. Kung sino ba ang isasaalang-alang ko sa pagsusulat.. Ako o ang mga readers ko? (As if ang dami kong readers no?) Kung sarili ko lang kasi.. Like duh?! Ano bang pakels ko sa opinion ng mga makakabasa ng mga sinusulat ko? Eh ‘di sila na rin lang ang magsulat kung sila rin lang ang magdidikta sa akin..
We are the captain of our own ship, alam niyo ‘yan! ^_^
PERO tingnan niyo rin ha? What is the essence of writing stories kung ayaw ng mga readers natin? Kung iba-value natin ang sarili nating opinion more than the readers, aba’y bakit ka pa nagsulat at pinost ito sa Wattpad? Kung gusto mo lang magsulat para mailabas nag feelings mo at wala kang pakialam sa mga makakabasa nito, dapat nagsulat ka na lang sa papel at tinago ito sa baul!
Remember this, ang isang akda na walang gustong magbasa ay walang halaga. Yeah. Walang ibang magpapahalaga niyan maliban sa taong nagsulat. Hmmm.
Hence, kung magsusulat na rin lang tayo, lubus-lubusin na natin at dapat balance lang! Isipin mo kung ano talaga ‘yung gusto mong i-impart sa mga readers mo at consider mo rin ‘yung gusting matutunan sa’yo ng mga readers. It’s a give and take situation. Saka ‘di ba, masarap din ang feeling kapag na-appreciate ng mga readers mo ‘yung mga binabasa mo? J
P.S. <3
Hindi po ako nakikipag-away.. <3 <3 <3
Sadyang nabuhay lang ang katawang lupa ko sa mga sinabi ni Ateng Colorful Black.. Mukhang magkakasundo kami eeh.. LOLs…
To Ateng ColorfulBlack:
Hi! I’m Pem! Nice knowing you.. <3
