Libro - One Shot :D

1.3K 29 24
                                    

Ako si Rajen, 16 yearsold 4th year High School ng XYZ school.

Lalake ako kahit mukhang pambabae ang pangalan ko.

Nerd ako.

Wala akong kaibigan.

Kumbaga, "outcast" ako.

O kaya naman, "untouchable"

Ang turing nila sa akin, hindi tao. Kundi hayop na hindi nila kauri.

Pero isang gabi, nagbago ang lahat, dahil sa aking Libro.

Kaya nga pinakaiingatan ko itong librong ito, dahil para sa akin, ito ang nagpabago ng aking buhay. 

Paano?

Naglalakad ako noon, mga 4 pm na, uwian na ng mga estudyante...

Nasa labas na ako ng gate, ng makita ko ang mga kaklase ko at narinig ko silang nag-uusap tungkol sa research proposal nila, bigla na lang akong di mapakali...

At ang agad agad kong ginawa...

Binulatlat ko ang bag ko ng di oras at ayun, wala ang libro ko dun.

Kinakailangan ko na talaga yung libro, kasi dapat bukas maipasa ko na yung Review of the Related Literature ko...

Bawal naman na kumuha sa Wiki dahil isa yon sa requirement.

Nakakainis naman o.

Naiwan ko yung libro ko sa desk ko.

Nakakabakla naman...

Siguro naman naaalala ko yung mga nakasulat doon kahit paraphrase ko na lang...

Hayz.

"Trojan, Trojan!"

May sumisigaw, tinatawag si Trojan.

Haays kababaeng tao, nakakahiya kaya yun.

Tapos may kumalabit na lang sa akin.

"Huy Trojan."

Ha? Trojan? Hindi ako Virus.

"Sinong Trojan? Ako si Rajen."

"Ah, ok wala akong pakialam kung anong pangalan mo, eto nga pala libro mo."

"Teka, ikaw ba yung transferree?"

"Oo, Shannen nga pala, nice meeting you."

Maganda siya, mukhang matalino, ewan, maganda ang hubog ng katawan, at mabait. Hindi niya ako itinuring na outcast o kung ano pa man, hindi niya ako pinandidirihan, pero baka dahil transferree palang siya at di niya pa alam yun?

"Shannen, sinusundan mo ba ako?"

"Uy, hindi no! Galing kaming Bulacan eh, lumipat kami dito, siyempre lipat bahay din. Alangan namang umuwi pa ako ng Bulacan?"

"Ah sorry."

"HAHA, balita ko wala kang kaibigan?"

"Ha?"

"Sige friends na tayo ha!, ayan na bahay namin o babye papasok na ako."

And to my amazement, yung bahay nila ay yung apartment na pinapaupa namin.

At ayon, kahit wala na siya kumaway na lang din ako...

Naging magkaibigan kami, hanggang sa ang pakikipagkaibigan ko sa kanya, ay nagkakaroon na ako ng ibang pagkakahulugan sa pakikipagkaibigan na ito.

Marami kaming mga pagsubok na kinaharap, dahil babae siya lalake ako, at hindi lang iyon, isa akong outcast.

Pero dahil sanay naman na ako, na palaging tinutukso, hindi nalang ako sumasagot. 

Noong minsan nga, napagtripan kami ng mga lalake.

"Shannen, anong gayuma ba ang pinainom sa iyo ng lalakeng yan? At kung makalapit ka diyan magkamukha na kayo."

at ayon, nagsitawanan ang mga kasama pag lalaki.

"HAHAHA, Gayuma? Wala, baka kayo kailangan niyo pa akong gayumahin? Hindi naman ako tumitingin sa pang labas na kaanyuan, kundi sa loob."

At ayon, umalis na kami sa eksenang iyon...

"Hoy Trojan."

Oo trojan na ang tawag niya sa akin, para daw kakaiba.

"O?"

"Bakit hindi ka lumaban? Napagkakamalan kang bakla niyan eh."

"Ewan?"

"Ano ba yan, tao ba kausap ko, iisang salita lang nakakabugnot ka naman"

Palaging ganyan ang usapan namin, dahil nga may gusto na ako sa kanya, pipilitin kong magbago, December palang naman... Eto nalang siguro ang magiging new year resolutions ko.

Araw ng Christmas party.

Walang bunutan na naganap, basta kung sino ang gusto mong regaluhan, regaluhan mo.

Karaniwan wala akong regalong natatanggap, pero ngayon meron, once in a lifetime kumbaga at galing pa ito kay Shannen.

Ang natanggap kong libro sa kanya ay, yung katulad na katulad na libro na nalaglag ko dati. Sinabi ko kasi sa teacher ko na, naiwala ko kaya magbabayad ako ng 1k niyan, pero di ko naman talaga naiwala eh, gusto ko lang itago, kaya siguro eto ang niregalo ni Shannen sa akin.

Kaso ano kayang itatago ko dito? Yung binigay niya? O yung librong naging dahilan ng aming pagkikita?

---

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, binabasa ko ngayon etong libro, ang weirdo ko nga, nabasa ko na pero binabasa ko pa din.

At nung pagkabasa ko sa page, 273 may letter na nakasulat. Actually, link yung nakasulat.

Tapos binuksan ko yung link, "How to change yourself?"

Yan yung title, siguro nga gusto niya talaga akong magbago...

Magbabago ako, oo magbabago talaga ako.

Lumipas ang taon, parang kahapon lang, nakapagbago na ako.

Hindi na ako ang nerd na Rajen dati...

Andami na ngang bumabati sa akin...

Nagklase na kami, at hinahanap ko si Shannen.

Noong break tinanong ko sa teacher namin kung nasan siya.

at ang sabi ng teacher ko.

"She dropped last year, her last day was the christmas party she attended."

At muntik ng madurog ang puso ko.

-----

273 - I'm Leaving You

Eto ang mga nakahighlight na letra sa librong may pahina na 273.

At siguro, dito na nagtatapos ang kabanata ng aking libro.

-END-

Libro - One Shot :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon