My Story of Chanyeol's Birthday (Late Update)

175 11 4
                                    

First of all, naeexcite talaga ako sa birthday ni Yeollie. Kasi syempre, BIRTHDAY NA NG ASAWA KO! November 26, nag-decide kaming magbebestfriend na magbake ng cupcake para kay Yeol. Um-oo naman ako, syempre. Buti na lang at may ingredients kami dito sa bahay. Noong awas, nagsimula na agad kami. 3:20 kasi ang awas namin at kaya namin dinadalian ay para hindi gabihin ang bestfriends ko. 

Fast forward~~ Tapos na ang cupcakes namin! Tuwang tuwa kami kasi naging successful ang pagbake namin. 21 cupcakes ang nagawa namin.

"HAPPY B-DAY CHANYEOL . . . SB, JM, KL" << Mga nakalagay sa cupcakes. Naghati kami ng besty ko sa cupcakes kasi hindi kasya ang mga ito sa ref namin. Ang dami kaya. XD

[SB = SoongBe, JM = JaMin, KL = Kate Lior]

The next day, b-day na ni Yeol! Ganadong ganado ako sa paggising at chineck ko agad ang cupcakes. Okay naman siya. Pagpunta ko sa school, dala na rin ni besty ang other half.

English time, nagpalit kami ng rooms, and iniwan muna namin ang cupcakes sa classroom namin.  Pagkatapos ng English time, dali-dali kaming bumalik sa rooms namin para icheck yung cupcakes. Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako. 

Pano kung nasira yung cupcakes? Pano kung panis na yung icing? Pano kung-- Ganun ang mga iniisip ko. Pero sabi ng besties ko na 'wag daw mag-isip ng mga ganung bagay. And so I did. Relax lang ako.

Umalis na ang mga tao sa room namin, kaya kami naman ang pumasok sa loob. Dumiretso kami sa cupcakes namin. Okay naman ang tayo at pagkakalagay ng cupcakes (box) pero nung binuksan namin yung loob, OMG lang. Nagsitumbling ang cupcakes namin! Walang anu-ano, sabay-sabay kaming umiyak. Yung ibang kaklase kong EXOtics, kinocomfort kami kasi alam nila ang ginawa naming effort para sa cupcakes. Alam kong cupcakes lang siya, pero EFFORT nga diba? Ayun ang iniisip ko, pati ang birthday ni Yeol.

Pumunta muna kaming CR para mag-ayos ng sarili. Paga na ang mga mata namin. Sabi nina besty na SMILE. Naghilamos muna kami at saka kami bumalik sa room namin. 

Pagkabalik namin, naka-smile lang kami like nothing happened. Sabi nga ng iba, "Naka-move on na kayo agad?" tumawa lang kami dun.

Pero sinabi ng ibang EXOtic na may BASHERS daw kami. Na ang OA daw namin kasi parang cupcake lang tapos iniiyakan na namin. Nag-smirk lang kami dun kasi pake ba nila? Effort namin yun. Hindi nila alam ang nangyari kaya hindi namin sila pinansin. 

Pero sa kabila ng lahat ng yun, hindi naman nasayang yung cupcakes. Yung icing lang naman ang nasira, to tell you the truth. Oh, OA noh? Back-off! Loljk. E kasi naman, hindi pa namin-- ko napipicturan yung cupcakes, iuupload ko pa naman sana. Kaso ayun nga, walang nangyari. :3

Pinakain ko na sa mga kaklase ko yung cupcakes and sinabi naman nila na masarap kaya kahit papaano, gumaan naman ang loob ko. Masaya na rin ako kahit papaano. :)

Pagdating ko sa bahay, nag-edit nalang ako ng picture ni Yeol tutal yun naman lagi ang ginagawa ko. Ay hindi, actually naedit ko na siya noon, bago pa ako magrounded. Yes, I'm still grounded. Nagpaalam lang ako kay umma kung pedeng iupload yung pic sa Facebook. Buti't pumayag siya.

(See picture on the side >> Simple lang siya, minadali ko lang kasi.)

--

And that's our-- my story about Chanyeol's Birthday. What an experience! Super FAIL. -_- Next year, I don't want that to happen again. :3

Random Yeollies ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon