Identical Twins

141 3 0
                                    

Chapter 1

POV-Axel

Tanghaling tapat, Chemistry kagad ang first subject namin. Eto na si Mrs. Mendoza na mahilig magcheck ng attendance na wala naman talagang kinalaman sa subject niya.

"Good Afternoon class." sabi nung teacher namin.

"Good Afternoon Mrs. Mendozaaaaa." bati ng lahat.

"Ayan nanaman si Ilong Ranger. Haiys." sabi nung katabi kong si Aries.

Malaki kasi ang butas ng ilong ng teacher nato. Isama mo pa ang maikli niyang buhok. Matanda na siya at marami ang may ayaw sakanya dahil sa pagiging terror.

"Magccheck na ako ng attendance, ilabas niyo na cards niyo" sabi ulit ng teacher namin.

Naglabasan na nga ng cards at nagcheck na siya, as usual pinagalitan nanaman niya yung classmate ko na hindi updated ang attendance. Dahil daw dito ibabagsak niyo ito. Ang weird no? Pero malay ko ba kung bat ganun siya. O.o

Inaantok nako -.- Kanina pa salita ng salita tong Chemistry teacher namin.

 "Oh class. You have to memorize 15 elements with their symbols. Okay?"

"Ano ba naman yan!"

"Magmemorize ka magisa mo. ><"

"Tae! 15 kagad? Epal talaga to eh!"

Kanya kanyang comment na sila. Pano lahat sila tamad magmemorize kahit matatalino. Pero basta ako, magmememorize ako. Bahala na.

At ayun nga natapos na ang klase niya. Sumunod na ang dalawang subjects, iritang irita ko sa kaklase kong babae. Panay ang kindat niya sakin, hindi naman sa nagyayabang pero ayoko hinahabol ako ng babae. Gusto ko ako ang humahabol sakanila. Yung kambal ko naman na si Alex, ayun tulog. Pumapasok lang yata to para matulog e.

Sa wakas! Break time na. Makakapunta narin sa Cafeteria. Kasabay kong naglakad si Alex. Katulad ng dati palagi kaming pinagtitinginang dalawa.

POV- Irish

Hayy, sa wakas. Tapos na ang 3 subjects. Makakachibog nadin! Kanina ko pa gusto kumain ><

"Shocks! Andyan na si Alex tyaka Axel! Ang gwapo talaga nilaaaaaa."  sabi ni Andrea.

Naabnormal nanaman. Pano pumasok na kasi sa Cafeteria si Axel tyaka Alex. Yung kambal na abot hanggang Mars ang kagwapuhan. Magkamukang magkamuka sila. Na halos lahat ng kababaihan sa campus namin ay nawiwindang! Isama mo pa ang kabaklaan. ;) Grabe, sila na sikat. Para silang artista, akala mo kung sino.

Ayan na sila. Paupo sa katabing table namin. Kaya halos mahimatay na sa kilig itong si Andrea. Grabe ang haharot nila. Nagtutulukan sila ng classmate ko ng biglang.

*Bump!* Nabangga ni Andrea si Axel at natapunan ito ng hawak niyang iced tea.

"Ano ba? Tanga kaba?!"

"So-sorry." 

"Ugh! Tignan mong ginawa mo!"

Nagtinginan na ang lahat na para bang may eksena sa telenovela. Sobrang hangin ng lalaking to! Naasar nako!! Di ko hahayaang pahiyain niya ang bestfriend ko! ><

"Ano ba! Nagsorry na diba?!"

Napatingin si Alex. Nakakahiya tong ginagawa ko, pero bahala na. Epal kasi tong kambal niya!

"Tss. Nakakairita pagmumuka niyo!"

"Wow ah! Ang pogi mo ah!" 

Waaaaah! Bat ko sinabi yun? Eh pogi naman talaga siya >< 

Lumapit siya sa muka ko sabay sabi ng 

"Talaga."

Natulala ako bigla. Ang init ng mukha ko. Hindi ko namalayan nagblush napala ako. Ang ganda kasi ng mata niya :"> 

Tekaaaaaaa? Kaaway ko to diba? Bat ako kinikilig?! Erase erase!

"Ang baho ng hininga mo!"

Nagtawanan ang lahat ng nanunuod kasama narin ang kakambal niyang si Alex na sobrang crush ko. Ibang iba to sakanya, dahil si Alex tahimik at mabait. Syempre Im so proud of myself! Panis si Axel. Hahaha! XD

"Uh ganon? Baka ikiss kita diyan para malaman mo kung gano kabaho hininga ko?"

"Wag na uy! Sarilihin mo nalang yang germs mo! Gusto mo pa mandamay ng iba? Kaderder." sabi ko ng may pang asar na mukha.

"Tara na nga Andrea! Ang baho talaga dito e. Nawawalan nako ng gana kumain e! Sa classroom na tayo kumain!"

"Abaaaa, ang yabang mo talagang babae ka uh" Sabi ni Axel na halatang naaasar na.

Habang palabas ng Cafeteria, isa isa ng nangangantiyaw ang mga tao sa loob.

"Whooo! Idol"

"Uy! Tabi kayo diyan! Dadaan si Idol!"

"Ate ang galing mo!"

Wow! Sikat nako! Astig pala banggain tong lalakeng to e.

Nung nasa labas na kami.

Ngayon ko  lang naabsorb na ang tapang ko pala. Na lahat yun nagawa ko sa mayaman at mayabang na si Axel. Shit! Patay ako neto!

"Ang tapang mo Irish!! Akalain mo yun? Sinabihan mo ng mabaho ng hininga si Axel? Hahaha! Sobra kaya yung titig sayo ng kambal niyaaaaa!" sabi ni Andrea

Binatukan ko siya ng malakas.

"Adik ka! Dahil sayo nagawa ko yun! Patay na tayo niyan! Alam mo naman kung pano mantrip yung lalaking yun diba?"

"Kasalanan ko ba bigla kang umepal?!"

"Uh ganon?! Dapat pala pinabayaan na kita dyan!"

"Wussshuuu! Joke lang e. Alam ko namang di mo ako matitis no! Pero ang gwapo ni Axel magalit! Siyeeeeet!"

"Bangag kaba? Pinahiya kana nga kinikilig kapa din diyan!"

"Minsan lang ako mapansin nun no!"

Habang naguusap kami ni Irish, nagulat ako dahil may biglang humawak sa braso ko. Paglingon ko.. Si Axel. Oo si Axel nga! Kinabahan ako ng sobra. Ano kaya binabalak ng lalaking to. O.o Grabe, mukang asar padin siya sakin kasi first time niyang mapahiya sa madaming tao.

Ano kaya ang binabalak niya? O.O

"Ayos kang babae ka ah, ang tapang mo din no?"

"B-bakit? Kasalanan mo din naman ah? Wala kang respe-"

Tinapunan niya ako ng ketchup sa ulo. Natulala ako at narinig ko nalang na nagtatawanan ang mga nakakita samin.

Papatalikod na si Axel at papaalis. Ng bigla ko siyang hinampas ng cartolina sa ulo na hawak ng isa ko pang kaklase.

"Ibang klase ka rin eh no?!!" Pasigaw kong sabi.

"Pasalamat ka babae ka at yan lang ginawa ko sayo." Patuloy siya sa paglalakad.

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang kahihiyan. Grabe sobrang hangin niya talaga.

"T-tara. Maglinis ka dun sa C.R." sabi ni Andrea

Pumunta kami ng C.R. at dun nga nagtanggal ng ketchup sa ulo. Nakakainis! Hindi ako nakaganti ng maayos! Naasar ako sa sarili ko.

Habang naglalakad na kami sa corridor papuntang classroom, nakasalubong namin si Alex. Nginitian niya ako. Syempre, ngumiti siya sakin kaya napangiti nadin ako. Waaaaah! Nakakakilig yung ngiti niya :"> Pero bakit kaya?

"Tama ba yung nakita ko?! Nginitian ka ni Alex?!!"

"Oo nga eh. Bakit kaya?"

"Yaaaaiy! Baka natuwa sayo kanina??"

"Natuwa? Eh inaway ko na nga yung kapatid niya!"

"Malay mo naman diba?"

Nagkaklase kami ng hindi ako masyado naka focus sa sinasabi ng teacher ko. Pano di matanggal sa isip ko yung ngiting yun. Bakit kayaaaa? Ayyyy.

Identical TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon