"Alam mo, kung 'di kita nakilala, forever speechless na talaga ako." sabi ko sa microphone, at napa-yiee yung mga guests namin.
"Ikaw yung pinakamasarap magluto saating dalawa, kahit na ang worst dish ever mo is hotdog na sunog." dagdag ko, sinusundan ng sigh.
"I promise na kapag ako nagluto, hindi na puro longganisa't sopas. At kapag may sakit ka, hindi lagi lugaw. I will make every dish special. Just for you." sabi ko, pinapangiti siya.
"Kahit na parehas tayo awkward, hinding-hindi ko makakalimutan ang pagpapaalala ko sa'yo na lagi kitang mahal. At kung hindi dahil sa'yo, nakapagsalita ako at nasabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa'yo." deklara ko.
"Kaya ngayon, sa araw ng ating kasal, sasabihin ko na ang lahat ng gusto kong sinabi nung una kitang nakita." sabi ko, at biglang namula yung mga pisngi niya.
"Naalala mo pa ba yung araw ng una nating pagkikita?" tanong ko, ngumingiti.
"Sa sobrang attachable mo, I can't get enough of you." dagdag ko.
"Wow. Insult ba 'yan?" tanong mo saakin ng pabiro.
"Adjective kasi." ang sabi ko, tumatawa, dahil 'yun ang sinabi nating dalawa sa isa't-isa sa una nating pag-uusap.
"Naalala ko pa yung unang pagtatagpo natin..." sabi ko, pakwento.
YOU ARE READING
adjective ☺ a short love story
Romance(the third book of the Parts Of Speech Series) "You're attachable." "Wow. Insult ba 'yan?" "It's an adjective."