{15} Missing You.

7.8K 346 151
                                    

{A/N} SOBRANG SORRY PO SA SOBRANG TAGAL NA UPDATE. SORRY TALAGA :(((((((((

EPILOGUE NA PALA SUNOD 'NO? :)

__________________

{15} Missing You.

Tamlay na tamlay ka habang sinisilid sa maleta mo 'yung mga damit mo. Habang kinukuha mo 'yung mga nalalabing damit sa aparador ng hotel eh halos mangiyak-ngiyak ka pa. 

Sino ba namang hindi maiiyak eh ito na ang last day mo sa SoKor? At isama mo pa ang katotohanang hindi mo pa nasasako si Lu oppa--este si Sehuna. Pfft, syempre hindi ka pa rin bumibigay. Pinagpipilitan mo pa rin sa sarili mong Sehun-biased ka. 

Ano bang mahirap sa pag-amin na si Luhan talaga bias mo? :3

"Ate, bukas na tayo uuwi sa Pinas 'di ba?" Tanong ko sa'yo.

Bigla mo 'kong tinignan ng matalim na parang pang-halloween. 

"Paulit-ulit?! Kailangang ipaalala?!" Naiinis mong bulyaw sa'kin tyaka mo marahas na ipinasok 'yung mga gamit mo sa maleta.

Inis na inis ka kasi hindi mo matanggap na babalik ka na ulit sa 'realidad'. Inis na inis ka kasi kahit sino man lang sa EXO wala kang na-iskoran.

Asa.

Nakailan ka nga kay Baekhyun at Luhan oppa. 

Bigla kang napatigil sa pagaayos ng gamit mo at napaupo sa kama. Sobrang lungkot ng mukha mo. Bigla kang may dinampot sa bulsa ng maleta mo.

Jusmiyo. SAKO?!

"NAKA-READY NA O! READY NA 'YUNG SAKO! KULANG NA LANG 'YUNG ILALAGAY KO RITO! BAKIT KASI ANG AGA-AGA NG ENROLLMENT NA'YAN PUNYETANG SCHOOL 'YAN!

Laking gulat ko kasi akala ko joke mo lang 'yung isasako mo pauwi si Sehuna sa Pilipinas pero totoo pala 'yung balak mo. Putspa ka Ate, para kang sasaeng! Brrr! Nakaka-goosebumps ka! 

"ANG SAKLAP-SAKLAP NG LIFEU SA AKIN HINDI KO NA KAYA GUSTO KO NG MAGPATIWAKAL! HUEHUEHUE~" Tyaka ka naiyak ulit.

Nilapitan kita para i-comfort. Pero hindi ka pa rin natigil sa kakaiyak. 

Ewan ko pero naiiyak din ako kasi matatapos na 'yung barko ko. Babalik ka na ulit sa pagiging fan. Nakakaiyak mang isipin, 'yun 'yung reality. Wala kang takas dun.

Anti-HunHanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon