Chapter 1

12 2 0
                                    

"Nakakainis! Nakakainis!!" napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko naman kasi masisi tong bestfriend ko kung bakit badtrip na badtrip siya. Kahit ako naiinis din. Pero ano pa nga bang magagawa? Eto na e.

"Bat kasi ngayon pa?! Kung keilan nakasundo at naging close na natin yung mga classmates natin, saka magkakahiwahiwalay ng sections! Lycheee naman talaga! ahmp" tahimik lang akong nakikinig sa pagrereklamo niya. Tss, pero sa totoo lang simula pa nung enrollan ako naririndi. haha Kasi naman hanggang ngayong magpasukan di pa rin niya matanggap, kundi ko lang talaga to bestfriend nako!

"Hoy ikaw! Yung totoo Clarisse, okay lang sayo na malipat tayo???" nagulat ako sa tanong niya sakin and take note tinawag niya ko sa pangalan ko, it means seryoso siya  "reklamo ko ng reklamo dito, tapos ikaw poker face lang jan! tss."

"ah. Buti naman napansin mong kanina ka pa talak ng talak jan" nakangisi kong sabi sakanya, akmang babatukan niya pero pinigilan ko siya, "hep! joke lang okay? Hahaha!" napasimangot naman siya "alam mo jackie, kung sasabayan pa kita sa pagrereklamo. May mangyayari ba? It doesn't change the fact na, wala na. Na nahiwalay tayo ng sections. Loko din kasi tong school natin.." 

Ano nga ikinaiinis namin? Sa college walang permanent section, mswerte ka kung kasundo mo mga magiging kaklse mo, mswerte ka kung magandang schedule ang nakuha mo.. Last sem lang kasi kami natuwa at naging komportable sa mga kaklase namin. As in mababit sila at masayng kasama. Walang laglagan.. In short maganda yung samahan. kaya npagusapan na sabay sabay nalang magpasection ngayong 2nd sem. Okay na sana. Kaso nung turn na namin ni jackie sa pila, biglang sinabing Full na sa section B, 30 lang daw kukunin nila at yung remaining na 10 pa para naman daw sa irregulars. Yung iba rin na hindi nakaabot ay nagsilipat nalang sa ibang section, in short nagkahiwahiwalay din.

"Nako bes, yaan mo na kasi. Tanggapin nalang natin. saka makikita pa din naman natin sila." 

"pero mas ok kung sila padin classmate natin."

"oo nga. Pero di ba nga, 'God is more interested in our motives than in our method.' Siguro gusto natin yung mga dating classmates padin natin, pero I know, God's plan is better than ours. Dito sa section A Niya tayo dinala..  Everything has a reason." nakangiti kong sabi sakanya at nakita kong napangiti din siya.

"kaya sayo ko bes e! hahaha" tignan mo to bilis magbago ng mood. -_-

"dagdag ko pa pala, malay mo maging kaklase natin yung magiging prince charming mo! Hahaha" biro ko sakanya at lumapad naman ang ngiti ng loka.

"oo nga noh?! tapos malay mo madami tayong kaklaseng gwapo!! shet! waaaah naeexcite na ko bes. hihih" *facepalm* parang kanina lang ayaw niyang pumasok di ba! tss.

"oo nga! kaya dahil jan, libre mo ko! whahaha! Pero hoy, may boyfriend ka na te at pinsan ko yun. Umayos ka. Hahaha" nagpout siya at hinila ko nalang papuntang canteen hindi ko na siya hinayaang makapagsalita baka magreklamo pa. hahah

"ay! oo nga pala may boyfriend na ko" malungkot niyang sabi. Batukan ko nga! "ouch naman! Joke lang yung bes. syempre loyal ako sa pinsan mo. Hihihi" umakto pa siyang kinikilig. ew

"makaloyal ka, kanina parang gusto mo ng magboy hunting" asar ko sakanya

"ikaw naman kasi, mahanap ko kamo yung prince charming ko? E nahanap ko na nga pala. hihih................ kaya!! Prince charming mo nalang hahanapin natin! Wahahah!"

"srsly?!!"

"Yup! malay mo diba isa sa mga magiging kaklase natin ngayon ang prince charming mo?" nakangisi niyang sabi. Parang ibinalik lang naman niya sakin yung sinabi ko kanina -_-

"Tss! tara na nga sa canteen. maaga pa naman, saka okay lang siguro malate. Unang araw palang naman." pag-iiwas ko sa topic. Hindi naman ako bitter, hindi rin naman man hater. Sakto lang. Hehe! Pero kasi naniniwala ako Love will find way, hindi keilangan hanapin. Dadating at dadating yan. I guess, hopeless romantic ang matatawag sakin. Well, aminado na ko dun! Hay san na kaya yung future husband ko? Kung san san pa ata naligaw. Tss.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo rin kami agad sa room namin.

"Sana mababait sila." sabi ko habang binubuksan ang pinto

"sana nga" sagot ni jackie.

Naghanap muna kami ng mauupuan, napili namin yung sa gitna lang. Wala pang ganong tao. Pero masasabi ko lang ay, hindi ko sila kilala. May ilan akong kilala dahil nakaklase na namin, pero karamihan di ko kilala.

"huy bes, mukang close silang lahat noh?" binalik ko ang tingin sa mga bago nmaing kaklase.

"yeah. Mukang tayo lang ang bago dito. Mukang matagal na silang magkaklase." malungkot kong sabi

"hay! keribels natin yan. Aja! tayo pa! we're the meanest way back highschool." ha?

"oh tapos? anokonek bes?" sabi ko

"ang slow mo talaga! syempre pag inaway nila tayo, magagmit natin yun." nakangisi niyang sabi.

'ah--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating na yung prof namin, nagsitahimik na din ang lahat..

"ang arte ni ma'am noh?" bulong ni jackie.

"oo nga e!" at tumawa ko ng mahina, mahirap na baka mahuli pa kami..

"Malaki ang expectations ko sa mga engineering students. Wag niyo sana kong madisappoint" sabi ni ma'am samin -_- "K." sabay naming sabi ni jackie. What can i say, mean here! 

Habang may inaayos si ma'am na kung ano man yun, napatingin ako sa pintuang biglang bumukas at dahan dahang pumasok ang isang lalaki? seriously anong oras na? malapit ng matapos yung subject na to. Pero sa hindi ko malang dahilan hindi maalis ang tingin ko sakanya.. Okay sige, gwapo siya.. Pero may mali talaga sakanya at sakin dahil hanggang sa makaupo siya sa upuang bakante sa harap ko ay di naalis yung tingin ko sakanya.

 Patuloy lang ang pag inspection ko sakanya. Ang lamya niyang gumalaw, ang lambot. teka?

"bakla ba siya?" tanong ko sa isip.

"huy! huy bes, malusaw ha! hihi" bulong saking ni jackie.

"sira! di ko lang malaman kung lalaki ba siya?"

"lalaki yan! gwapo kaya, type mo noh? yeee" pero patuloy lang ako sa paginspect sakanya. Looks can be deceiving. And don't get me wrong mahilig talaga kong magidentify kung lalaki ba talaga o bakla.. Wala naman mali kung bakla. Nanghihinayang lang talaga ko kasi karamihan ngayon ang ggwapo ng nagiging bakla. eheee. Ngayon, pumangalumbaba siya tulad ng katabi niyang gwapo sana pero confirm na gay e.. So sa case nato, "He's gay." bulong ko.. sa pagkilos niya kasi, ang lambot. gwapo sana. tss.

"Sayang! gwapo pa naman."

Pero bakla nga ba talaga siya?! Hays ang gulo ko. Di ko na siguro problem yun.

--------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Deal and A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon