~1

25 1 0
                                    

Kate's POV

"Kat-kat pumunta ka na dito sa sala kakain na tayo." Nanay

"Opo nay tatapusin ko lang po itong mga nilalabhan ko."

Nakatira kami sa skwater area, maliit lang at kahoy ito.

"Osige nak nandito lang sa lamesa ang pagkain kumain ka nalang pag gutom ka na."  Hinde na ako pinilit pa ni nanay belen

Habang nagkukuskos ako ng mga damit magpapakilala muna ako. Kate Ramos ang pangalan ko. 20 years old. May tatlong anak si nanay belen at ako ang matanda sa kanila. Nakwento rin saakin ni nanay na ampon nya lang ako.

*flashback*
  -2 years ago

Pauwi na ako galing school, birthday ko ngayon pero wala akong dalang pasalubong sa bahay tuwing birthday ko kase may pasalubong akong pancit or murang cake sa kanto, Bubuksan ko na ang pinto ng magulat ako dahil may handa kami kahit kaunti at may nakasulat na "Happy 18th birthday kat-kat" At nandoon pa ang iba naming kapit bahay, Naiiyak ako ng mga oras na iyon dahil sa saya kahit wala ng pera si nanay na kapag handa sya kahit papaano at buo kaming pamilya sa birthday ko. Nag thank you ako sa kanila at linapitan ko ang nanay ko.

"Nay thank you po." Yinakap ko sya at kumiss sa pisngi.

"Walang anuman, pwede ba kitang makausap?"

Pumunta kami sa kwarto at doon nagusap habang ang mga bisita ay nasa sala.

"Anak may gusto kasi akong sabihin sayo"

"Ano po iyon nay? Makikinig po ako."

"Hinde kita tunay na anak."

Ang ganda ng birthday gift ko </3
Namumuo na ang mga luha ko.

"Huh?"

"Magpapaliwanag ako anak."

Hinde ako nagsalita at pinabayaan syang magpaliwanag.

"Naghahanap ako ng trabaho dati, papunta ako sa mansion na pag aaplyan ko pero nakita ko itong nasusunog malaki ang bahay na iyon at may nakapagsabi sakin marami daw negosyo sa ibang bansa at dito ang pamilyang iyon. Nakita kong may lumabas medyo katandaan na katulong na may dalang bata at nagulat ako ng ibigay iyon saakin hinde ko alam ang gagawin ko ng mga araw na iyon. Pero ang sabi nya "Iha alagan mo ang alaga ko iligtas mo sya sa sunog ikaw na ang bahala sa kanya iligtas mo sya." At tumakbo na sya, Kaya kinuha kita at inalagaan at tinuring na tunay anak."

Naiyak na ako at yinakap ko sya.

"Salamat nay dahil tinaggap nyo ako bilang tunay na anak."

-End of flashback

Natapos na ako mag laba at pumunta na sa kusina para kumain sila nanay naman ay tulog na.

Maaga pa akong magigising bukas dahil mag eenroll ako sa mamahaling paaralan. Scholar ako kaya nung nalaman ko na scholar ako tuwang tuwa ang nanay ko at naiyak pa aklain mo ba ang isang babae na sa skwater area nakatira at maliit na bahay papasok sa mamahaling eskwela at puro tagapagmana ng kompanya ang mag nagaaral.

Umakyat na ako sa taas at humiga na sa sahig.

-

-

-

-

"Anak gumising kana at pupunta ka pa sa school mo."

"Opo maliligo na po ako"

Pumunta na ako sa banyo at naligo, After 20 min natapos na din ako at nagbihis.

-

Nandito na ako sa school at papunta na akong office ng biglang may bunggo sa akin kaya tumalsik ako at napayuko mapayat lang kase ako kaya mabilis ako tumalsik.

Pagtaas ko ng ulo nakita ko ang lalaking bumunggo sakin na naka kunot ang noo. Putcha mga bes ang gwapo nya ang tangkad yung pabango nya na ang lakas ng amoy pero sobrang bago shet! Nakatitig lang ako sa kanya pero sya naka kunot noo lang nang bigla syang magsalita.

"Alam kong gwapo ako kaya wag mo akong titigan."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nga grabe ang hangin pala neto hinde man lang nag pa humble!

"Oo nga pala kung maglalakad ka tignan mo ang dadaan mo hinde yung nakayuko ka lang tignan mo tumalsik ka tuloy haha" bigla lakad nya papaalis.

Leche to! Kung hinde ka lang gwapo kanina pa kita sinabunutan leche!!

"Yabang! Sayang" bulong ko habang tumatayo.

"What? What did you said?" Ay putcha talas naman ng pandinig nito narinig nya pa yun kahit malayo sya ng kaunti sabagay mayaman pala sya at maraming cotton buds sa bahay nila.

"Ohh i said i'm pretty!" Sabi ko sabay ngiti ng may pagka plastik sa kanya makulit talaga ako pero sa bahay dalagang pilipina ako haha.

Tinignan nya lang ako ng masama at umalis na! Sayang crush ko na sana sya kaso masungit at hinde gentelman.

Pumunta na ako sa office at inayos na ang mga requirments ko, bukas papasok na ako sa school.

Pag alis ko sa school pumunta ako sa pinagtratrabahuhan kong bakery para kumuha ng sweldo.

Kinuha ko na ang sweldo ko at pumunta na sa murang store para bumili ng school supplies.

-----------

Natapos na akong bumili ng mga kailangan ko at umuwi na.

Nanay's belen POV

2 years ago kwinento ko kay kate ang totoo. Pero hinde ko sinabe ang tunay nyang pangalan dahil baka hanapin sya ng totoo nyang ina at malayo saakin napamahal na din ako kay kate at hinde ko kayang mawala ang anak ko.

Kaya ko nalaman ang totoo nyang pangalan dahil nang ibigay sakin ito ng matandang katulong ay may nakalagay na pin sa damit ni kate at ang nakalagay KATHRYN CHANDRIA MANUEL BERNARDO. Pero pinalitan ko ito hinde ko kilala ang mga magulang ni kate kaya hinde ko na hinanap pa.



----------------------------------------------

Please support this story! 💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost QueenWhere stories live. Discover now