Lahat tayo may kanya-kanyang istorya ng lovelife.
Merong mga sweet,
Merong nag aaway,
Minsan nga may 3rd party pa.
May mga taong inlove,
Meron namang heartbroken,
May inspirado,
May nagpapakatorpe.
May iba ngang nababaliw na sa kakirihan, yun bang lahat na lang ng lalaki nagustuhan.
Pero SIYA lang ang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Pano kung wala na SIYA?
Pano kung iniwanan nya ako?
Pano kung umaasa lang ako?
Ang masaklap nyan, ay yung malaman mo ang katotohanan.
Katotohanang magbabago sa kung ano ka ngayon,
Katotohanang magbabago sa kung anong meron ka ngayon,
At ang katotohanang pilit mong tatanggapin ngunit hindi mo kaya.