Darylle's POV:
Hays. So iniwan ako ng 3 dito? GRABE. Pero sige. pagbibigyan ko sila tutal may sakit naman talaga si Ira eh. At bibigyan ko ng time si Matt maka-chansing kay Karylle. BWAHAHA. eh. diba story ni Ira to? Bakit parang pag-ibig pa nila Karylle at Matt ang namumuo? Makabalik na nga sa room.
Science time na! Di na boring. Yayy! Oops. Yan si Ma'am Principal. Behave behave muna.
Principal pala naman ay nangangalang, Mrs. Clarise A. Ong. YES. Chinese siya. Astig lang. HAHAHA. Yun lang. Di ko alam background niya sa buhay eh. Di naman ako nakikinig tuwing may orientation. Uy. walang sumbungan ah?
"Good Morning Section A. I am pleased to announce na meron kayong bagong transferee na classmate."
Oh! Cool. Sana ugali niya di tulad nung mga kuto. Pero kahit pangmayaman tong school na toh, mababait naman mga estudyante dito. Except lang talaga kanila Vien.
"I hope you all treat her well. Yun lang. You may now resume to your bussiness."
Narinig kong tumatawa ang mga mokong sa likod ko. Ano nanaman kaya problema ng mga yun? Lilingon na sana ako ng bigla magsalita Science Teacher namin.
"Okay Class. Magpapakilala na ang new classmate niyo. Please show respect. Section A panaman kayo."
"Good Morning classmates. My name is Deserie Clain Yumino. But you can call me Riese. I'm 15 years old. My birthday is on July 12. Nice to meet you all."
Infairness! Charming siya. Ang cute niya. Medyo matangkad tapos may ang anda ng mata niya. Sana maging friends kami.
"Thank You Miss Yumino. Now, you may take your seat."
At dahil wala naman sila Ira, inaya ko na siyang tumabi sakin. Para makilala ko na rin siya. Free Time naman namin kaya pwede kang makipagdaldalan. End of the first grading na kasi kaya nagcocompute nalang ng grades mga subject teachers namin.
Deserie's POV:
Wow. Di ko expect sa ganitong school ang mga warm-hearted students. Sa dati ko kasing school, ibang iba ang ugali nila.
"Matanong lang, bakit ka lumipat? I mean, ba't di mo natapos ang school year sa dati mong school? Na-kick out ka ba??" ang daming tanong neto. HAHA.
"Uy. Grabe. Hindi ah. Hahaha. Sa dati ko kasing school, naging biktima ako ng bullying." ngumiti ako ng mapait sa kanya. "First time ko nga lang magkaroon ng kaibigan eh. Dati talaga, walang may gustong lumapit sakin dahil di naman ako mahal ng sarili kong mga magulang. Pinalaki lang kasi ako ng isang mayaman na pamilya dahil pinamigay lang ako ng mga magulang ko. Di ko na matanggap ang pananakit ng mga naging kaklase ko." Di ko namalayan, umiiyak na pala ako. Di ko alam na nakaya ko palang alahanin ang lahat at ikwento yon kay Darylle. Para bang, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban. First time ko ring maranasan na tanggapin ka ng iba. Ang gaan sa pakiramdam.
"Grabe naman pala. Sige. Iiyak mo lang. Wag kang mag-alala, nandito naman ako pati ng iba ko pang mga kaibigan eh." sagot ni Darylle.
Nakakatuwa talaga siya.
Ayun. nagkwentuhan kami ni Darylle. Di namin na malayan na tapos na ang Science.
"Hoy! Bawal ang pinamigay dito!"
Huh?!!? Sino yun? As if namang close kami.
"Hoy! Tantanan mo nga kami, Vien! Di ka naman namin inaano ah!" depensa ni Darylle.
"Sino siya?" bulong ko kay Darylle.
"Huh?? Sino ako? Ha. Papasok pasok ka dito, di mo naman pala ako kilala."
"Bakit? Kailangan ba kitang kilalanin?"
"Aba. Hinahamon mo 'ko! Sige, let the games begin." nag smirk pa siya.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
Teen Fiction"I was once lost, and been found. I was found yet, still I am lost. I don't know what to do. Help me."