One-shot Story

41 0 0
                                    


Nakabuntis ako.

May girlfriend ako at minahal ko ito ng mahigit apat na taon pero ng dahil sa isang pagkakamali, ang apat na taon na yun ay nawala na parang bula.

Pumunta ako sa isang birthday party ng araw na iyon. Inom dito, inom doon sa sobrang kalasingan hindi ko na alam ang ginagawa ko at hindi ko na din namalayan na ibang babae na pala ang kasama't kasiping ko ng gabing yon.

Sabi nga nila walang lihim ang na di nabubunyag, noong nalaman nya ang pangyayari ng gabing iyon, agad akong iniwan ng taong mahal at bumuo ng buhay ko.

. . . . . . . .

(James's POV)

Andito ako ngayon sa isang ospital na lihim na gumagawa ng abortion. Sa di kalayuan nakahiga ang isang babae na nakasuot ng hospital gown at tahimik na umiiyak.

"I cant do this... Please!... James.." Nagmamakaawang pakiuusap nya sa akin.

Hindi ko sya kinibo at nanatiling blanko ang tingin sa kanya. Di na niya napigilan ang hagulgol nang umiwas ito ng tingin.

"You're so evil...", rinig kong sabi niya sa pagitan ng kanyang hikbi.

Pumasok na ang doctor na kanina ko pa hinihintay. Lumapit ito kay Sandy at chineck ang isang folder bago niya isinuot ang stethoscope na kanina ay nakasabit sa kanyang leeg at nilagay yun sa tyan nito. Tahimik na nakatingin ito kay Sandy habang may kung anong pinapakinggan.

Tinanggal nito ang stethoscope at sinabit ulit sa leeg, bumuntong hininga pa ito ng tanggalin ang mask niya.

"Sir, Sigurado po ba kayo sa abortion?"

"Why would I wait for you If I'm not.", blunt na sagot ko dito.

"Both parties agreed to this?", pagtatanong ulit nito at napatingin ulit kay Sandy na tahimik na umiiyak.

"Yes."

Bumuntong hininga nanaman ito at tumingin saken.

"Alright. If it's okay with you Sir, may gusto akong iparinig sainyo.", malumanay na sabi nito at miniwestra akong lumapit sa tabi niya.

Tumayo ako at lumapit dito. Isinuot niya ang stethoscope sa tenga ko at nilagay na sa tyan ni Sandy ang kabila.

Natigilan ako sa naririnig ko. Isang mabilis na tibok ng puso. Nagulat pa ko ng hawakan ng doctor ang kamay ko at ipatong sa maliit pang tyan ni Sandy. Hindi katulad kanina ay medyo kumalma na ang tibok nito. Tinanggal na ng doctor ang stethoscope at nakatingin saken.

"That's your baby's heartbeat. A 3 weeks old baby's heartbeat to be specific."

3weeks old baby's heartbeat? That's impossible.

"I'll ask you again, sir, Are you sure about this? Itutuloy pa ba natin ang abortion?"

---*

(Sandy's POV)

Ikinasal ako sa kanya.

I got married on my 18th birthday. Kakaibang debut ito para sa mga kaibigan at sa pamilya ko na halos itakwil ako ng malaman na buntid ako.

Wala naman ako magawa kung di tanggapin ang katotohanan na may nangyare nung gabing yun sa birthday ng pinsan ko at buntis na talaga ako. Nagpasalamat ako sa taas ng di ituloy ni James ang abortion sa baby namin.

Thankful din ako at tanggap ako ng pamilya ni James kaya panatag akong nasa mabuting pamilya ako napunta.

Alam kong mali dahil bata pa ko pero inisip ko na lang na blessing ang batang nasa sinapupunan ko.

Never Again (One Shot Story)Where stories live. Discover now