The Heiress

9 0 0
                                    

*Chapter one*

"Ugh?!" bulyaw ko saka kinapa-kapa ang alarm clock sa side table.

Panibagong araw na naman. Sisimulan sa pag gising, papasok sa school, magtatrabaho, uuwi ng pagod, at matutulog. Daily routine ko na yun. Sanayan na lang rin.

Tahimik akong naglakad mag isa sa corridor, papunta sa room ng first subject ko.

Nothing new about this, nagpapa-late talaga ako. Ayaw ko kasing makakita o makisabay sa maraming tao ng ganito kaaga.
Nakakasira ng mood, lalo na yung mga maarte at pa-sossy na mga estudyante dito sa Crimson University.

"Ms. Alexandria! You're late again!" bungad sakin ng professor namin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang sa upuan ko.

Nang matapos ang klase ko.

Naglakad na ko papuntang café kung saan ako nagtatrabaho.
Walking distance lang naman siya from university.

And yes working student ako, ako na lang nag susuport sa sarili ko. Since my parents died, about two years ago.

I was bumped into something... no i mean to someone.

"So-sorry! Pasensya na." Sabi ng lalaking nakabangga ko habang pinupulot ang mga paper works(i think) na nalaglag.

"It's okay. Let me help you." pag vo-volunteer ko. Agad naman naming nakuha ang lahat ng papel.

"Sorry again and Thank you very much. I need to go! bye" at parang bula na nawala sa paningin ko.
Tsk. People now a days.

"Ow! You're here! I have a good news for you Hayley!" tuwang tuwa at tatalon talon na bungad sakin ng bestfriend ko na may ari ng café na pinagtatrabahu'an ko.

"What is it Faye?" sabi ko habang nagpapalit ng uniform ng café.

"Someone called me up :) and! you are qualified to be their secretary." sagot ni Faye.

"Faye. Ako? Magiging secretary? Ni hindi nga ako nagpasa ng mga requirements kung saan man yang tinutukoy mo. And Faye, alam mo naman na ayaw ko sa masyadong classy na trabaho :3 Okay na ko dito sa café mo." sagot ko.

"I am the one who passed you're requirements^___^" Muling sagot nya na ikinagulat ko ng bahagya.

Iniligpit ko yung mga tasa at plato sa bakante ng lamesa.
"What? Bat mo ginawa yun?"

"Beacause i want to?" patanong nyang sagot.
"Hays. Faye alam mo naman na ayaw ko nyan." sagot ko habang pinupusan ang table.

"Mamaya na tayo mag usap, Hayley! I really have to go!" sabi nya at nilingon ko sya "Mag iingat ka Faye" ngiti lang ang sinagot nya.

Pagtapos ng trabaho ko. Umuwi na ko agad, hindi ko na inantay pa si Faye.

Apartment lang ang tinutuluyan ko. Minsan natutulog si Faye dito pag trip nya.

I was about to sleep when someone knocked the door. Si Faye.

"Ayaw ko magtrabaho dun Faye. Isa pa, nag aaral pa lang ako. Malay ko sa pagiging secretary?"

Pumasok sya at umupo. "Chill hahaha. Hayley, 30k per month yun, plus condo, scholarship pa dahil sa Crimson university ka nag aaral. And, after class ang sched mo dun sa office. So if ever na magbago isip mo, just call me okay?:) Bye"

The HeiressWhere stories live. Discover now