Kwento ni Mia

3 0 0
                                    

Mia's POV

Eksena: Andito ako sa gitna ng grand ballroom ng isang four star hotel, all decked out in my navy blue gown at strappy heels. Masaya naman sana: may drinks, may food (which, if you ask me, is the most important part of any party), naglipana ang mga gwapong athletes ng university namin, pero hindi talaga, eh. Di naman kasi dapat ganito. A few months ago, nung unang beses akong tumapak sa entrance hall ng aking bagong paaralan, isa sa mga pinakamalaki at prestihiyosong universities sa Pilipinas, sabi ko sa sarili ko na pagbubutihan ko na talaga this time. College na ako, di na 'to laru-laro lang like high school. Sabi ko, susuotin ko na yung big girl panties ko, sesryosohin ko na lahat. Wooh, I can do this, ganun.

Kaya di ko maintintindihan kung ano ang ginagawa ko dito sa... ano nga ba ito? Ah, oo, sa first grand athletes' night ng university. Sabi sa formal invitation, it is an event 'dedicated to all one hundred twenty-six athletes of various sports disciplines before the formal commencement of the 82nd Universities and Colleges Athletics Association Games.' Ako, si Mariella Amanda Cruz, 18 years old, freshman, kumukuha ng kursong AB Creative Writing in English, ay very confused right now: bakit nga ba ako andito? Hindi naman ako athlete, never din naman ako naging sports-inclined in my whole life kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa unang assignment ko as a field reporter for the school paper (ginusto ko daw talaga to, kasi nga diba, broaden your horizons... hindi lang dapat puro plays at fiction ang sinusulat ko) ay ito pa ang inassign sakin. Given, siguro, na I ticked the sports box nung pinapili ako ni Chen, yung editor-in-chief, ng mga gusto kong icover pero di ko naman inexpect na bibigyan ako ng ganitong kalaking assignment on my first week sa trabaho ko.

Okay, pros and cons time, pros: excused ako, just like any other athlete, sa mga classes ko tomorrow kasi legend has it, sobrang wild ng mga athletes' nights na ito. Isa pang pro: I can stare at all the handsome voleyball players and not even feel bad about it. Hmm, pwede na. Con, though: mag-isa lang akong field reporter sa buong event na to. According to my calculations, in five minutes, I should start going around and actually do my job: which is to interview the coaches and the top athletes, yung mga number one seeds and all. Not that I'd recognize any one of them. Good luck talaga, Yam.

'Oh,' sabi ng katabi ko sabay abot ng platong puno ng various desserts. Lumingon ako sa buffet table para tignan kung open nab a yun pero di pa nga nagsstart yung event kaya di ko alam kung pano siya nakakuha ng desserts, wala pa namang pagkaing nakalagay sa table.

'Kainin mo na lang, daming arte.' Napansin niya ata na nagtataka ako kung san niya nakuha yung pagkain. Aba, syempre, malay ko ba if may lason to. Not that my brother would ever intentionally try to kill me. I think.

Miguel Antonio Cruz. Meeyo. Kuya Meeyo dapat, pero Dor lang talaga tawag ko sa kanya. Kuya Dor? Whatever. Third year, youngest at newest captain ng men's swim team at youngest to ever join the senior men's national swim team din two years ago. Di lang siya magaling, mayabang pa. Konti. Minsan. Pero kahit ganyan yan, nakakaproud pa rin. Proud ako jan kahit di ko sinasabi sa kanya. Ever.

Tinignan ko si Dor na pinapapak na ang moist chocolate cake na kinuha niya, ayan siya, perpetually gutom. Gwapo naman tong kapatid ko. Matangkad, moreno, defined ang muscles, nakakalaglag panty ang abs, at oh, don't get me started on those dimples at megawatt Rico Yan-esque smile. Hahaha, yuck. Natawa naman ako. Actually, hindi ko naman description yun. Si Mia nagsabi niyang mga yan ha.

Mia Andres, best friend ko since grade 2 na ngayon ay nakaupo din sa kabilang side ko, nagbi-busy busyhan habang kinakalikot ang kanyang cell phone na alam ko naman ay nakikinig lang siya sa amin ni Dor. Or, most likely, nakikinig lang siya sa boses ni Dor. Itong si Mia, iba din to eh. Takot 'to sa tubig nung mga bata pa kami. Kung hindi pa nagcaptain si Dor nung grade six siya, grade four kami, di pa naisipan nitong ni Miang magswimming. Kaya ayun, na-inspire magswimming, narealize na magaling pala siyang magswimming, nagging swim team, at ngayon, touted as one of the up and coming best junior swimmers in the country. AKA, qualified na siya for national team next year. Bongga din talaga si best friend.

'Dun muna ako ha.' Paalam ni Kuya sabay tayo para puntahan yung ibang swimmers sa kabilang table.

'Sige. Dito lang ako, magmumukmok, ganun.'

'Balikan kita mamaya.'

At ayun na nga, iniwan na ako ng only sibling ko. Tumingin ako to my left para i-check kung anong ginagawa ni Mia pero nakafocus pa rin siya sa phone niya. Ang ganda din naman ni Mia. Kakababad niya sa tubig, naging golden din yung skin niya, mahaba ang buhok, sexy, kaya ang daming nagtataka kung bakit wala pa siyang nagiging boyfriend ever. Tulad ko, first year din siya, pero iba ang course niya kasi iba yung workload ng mga athletes. Simula nung high school, marami nang nagkakagusto sa kanya pero sorry boys. Dead na dead talaga si Mia kay Dor. Ew.

'Yam, I think kailangan ko na rin umalis.' Ito talagang si Mia. Magpapaalam pa eh alam ko naman na kailangan din niyang maki-mingle sa mga teammates niya, lalo na't freshman siya.

'Go, go. Dito lang ako, willing away the time, review my reporter's notes, things...'

Umalis na rin si Mia at naiwan na ulit akong nag-iisa ditto sa table farthest from the stage. Ilalabas ko na lang siguro yung recorder ko at maglalakad-lakad. Kung swertehin, I might get to interview yung coach ng very celebrated basketball team namin, kung malasin naman, baka pwede na akong magikot-ikot lang at ibluff yung report ko. For an event na laging may so-called juicy gossip sa school the following Monday, I can say na boring siya. Maingay, magulo, maraming tao, pero very boring. At least for me.

'Ouch. Look where you're going, will you?'

Uh-oh. Kakakalikot ko sa recorder ko, di ko namalayan na may tao pala sa likod ng chair ko kaya mejo natamaan ko siya nung pagkatayo ko from the chair. At beh, if I ever had a have I died and gone to heaven moment, parang ito na ata yun. Isang matangkad at maputing lalaki. Ang bango niya at ang katawan, oh my larrrrd, ang katawan. At don't get me started sa stage presence ni kuya. Oozing with confidence and, right now, galit. Galit na aimed towards me. Kasi naman may hawak pala siyang soda na ngayon ay natapon na all over his suit. Sorry po.

'Di ka ba marunong tumayo? Tatanga-tanga ka ah.'

Eh jerk naman pala 'to. Eh kung sipain ko kaya 'to? Binabawi ko na yung sorry na namumuo sa lalamunan ko.

'Oy, sobra ka ha. Kung tumingin tingin ka sa dinadaanan mo, edi sana nakita mong papatayo ako.' Excuse me, if there's something na natutunan ko from Dor, yun na yung never back down from a challenge.

'Kung tinignan mo yung likod mo at kung hindi ka naman sana absent minded edi sana narealize mo na may tao. Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo ha?'

'Alam mo naman palang papatayo ako. Sana umiwas ka na lang.'

'Nagmamadali ako, okay. At di ka pa nagsosorry, kung wala kang social manners wag ka nang pumunta sa mga ganito, pwede?'

'Eh kung hindi ka naman pala nagpapaka-jerk jan edi sana kanina pa ko nakapag-sorry sa iyo. Sorry! Ayan, kainin mo yang sorry ko. Masaya ka na? Jan ka na nga, douchehole.'

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad para malayuan yung baliw nay un. Sayang naman kagwapuhan niya kung saksakan siya ng yabang. Hangin grabe, woooh, muntik na kong matangay dun. Bahala na siya sa buhay niya. Sana mabulunan siya sa sorry niya. May pa sorry sorry pa siyang nalalaman. Sana mabusog siya sa sorry niya. Leche.

Pero ang gwapo ha, in all fairness. Sino kaya yun?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

And Then I Met YouWhere stories live. Discover now