Prologue

104 6 0
                                    


Prologue


"Tahimik mga bata. May ipapakilala akong bago n'yong classmate." Sabi ng teacher ko sa maiingay kong ka-klase. Sila lang dahil hindi naman ako maingay.

Wala naman kasing kumakausap sa akin.

Sa senyas ni Ma'm Fe, isang babaeng sobrang puti ang pumasok sa room. Natatangay ng hangin ang hanggang likod at itim n'yang buhok. Natatakpan naman ng pantay-pantay niyang bangs ang kanyang mata.

Para s'yang isang living doll.

"Magpakilala ka na. 'Wag kang mahiya, maiingay sila pero mababait naman," nakangiting sabi ni Ma'm sa transfer student.

Mababait? Seryoso? Mababait pala ang tingin n'ya sa amin?

Tumingin sa buong klase 'yung babae. Inangat n'ya 'yung ulo niya dahil nakayuko siya kanina. Ilang beses muna s'yang nag-alangan bago nagsalita.

"A-ako si J-joy Mercado. E-eleven years old," 'yun lang ang sinabi n'ya at huminto na.

Tss. Para naman kaming mangangain kapag nagsalita s'ya!

"Eh, 'yun lang? Sabihin mo naman kung saan ka nakatira. Atsaka sino magulang mo. Kaming lahat sinabi 'yun eh." Nag-umpisa nang magsigayahan ang iba kong ka-klase. Ito namang transfer student, nakayuko lang.

Ano bang tinitignan n'ya sa sahig? 'Yung alikabok na gawa ng mga sapatos namin?

"Okay, tama na. Kung ayaw na magsalita ni Joy, 'wag nang pilitin." Sumingit na si Ma'm.

Ngunit ayaw paawat ng mga ka-klase ko lalo na si Totoy. S'ya ang pinakamakulit at bully dito sa klase. Mataba s'ya kaya takot ang iba sa kanya. Tignan ka lang kasi nito, para ka nang kakainin.
"Siguro, wala kang magulang!" Sigaw ni Totoy na nakatayo na at nakaturo kay Joy. Tila naman ito naging estatwa. Mas lalo s'yang yumuko at hinarang ang mahaba at itim na buhok sa muka.

"Oo nga! Ah, walang nanay, walang tatay." Nakigaya na din ang iba kong ka-klase. Paulit-ulit nila itong sinasabi na may kasama pang pagkalampog sa lamesa.

Ako naman ay nagtitimpi lang dahil sa ingay. Hindi na sila magawang awatin ni Ma'm. Hindi na tumatalab ang paghiyaw at pagbabanta nito.

Lagi naman eh.

Dahil hindi na ako makatiis sa ginagawa nilang ingay. Marahas kong sinipa ang lamesa ko at saka tumayo ng padabog. Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kulay brown kong pants.
"Ano naman kung walang magulang? Anong paki n'yo? Ka-iingay n'yo eh hindi rin naman buo pamilya ng iba dito." Tinignan ko si Totoy ng makahulugan.

"Hmp! Nagmamagaling na naman!" Bulong n'ya pero rinig ko naman.

Hindi ko na lang pinansin ang tabachoy na 'yun at bumalik na sa pag-upo. Nagtigil naman na ang mga ka-klase ko sa pag-ingay.

Ha! Takot lang nila sa akin.

Si Joy naman ay pinaupo ni Ma'm sa may bakanteng upuan sa likuran ko. Diretso lang ang tingin ko ng dumaan s'ya sa gilid ko. Pero, ewan ko ba kung bakit pilit s'yang nililingon ng mga mata ko. Bago s'ya makalagpas sa aking gilid ay nahagip ng aking mga mata ang kanyang matipid na pagngiti.

Ngingiti-ngiti nu'n? Hindi ko alam na sa simpleng pag-epal ko nu'n at sa simpleng ngiti n'ya, magiging kasangga namin ang isa't-isa.

Pero, nasaan ka na Joy? Bakit mo ako iniwan na mag-isa?

Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Sana... Sana.... Nailigtas kita. Sana... Buhay ka pa.


End of prologue

Iniba ko po ang prologue, chapters 1, 2, and 3 ng istoryang ito because someone accused me of plagiarism which is not true. Hindi ba pwedeng mainspire sa ibang story? Kailangan pa talagang sirain ang username ko at ikalat na plagiarised ang her last wish?

Well, Godbless na lang sa'yo. Sana hindi ko mabalitaan na may kamuka ang mga story mo dahil baka ibalik ko sa'yo lahat ng sinabi mo sa akin.

Sana magustuhan n'yo ang bagong her last wish.

LoveTechnician

Her Last Wish(#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon