☆A goodbye is not painful–unless, you're never going to say hello again.☆First Wish
"Oy, Ruru. Nakatulala ka na naman." Untag sa akin ni Totoy. May dala s'yang first aid kit na talagang inutos kong kunin n'ya mula sa bahay nila.
"Wala kang pake," sabi ko na lang sabay hablot sa first aid kit. Sinimulan ko nang lagyan ng betadine ang kapiraso ng bulak saka pinahid sa sugatan kong labi. Napansin ko naman na umupo si Totoy malaking bato na nasa harapan ko.
"Ru, malapit na ang death anniversary ni–" bago pa n'ya ituloy ang sasabihin ay marahas kong binato sa muka niya ang bulak na may betadine.
"Alam ko tabachoy. Umuwi ka na nga!" Singhal ko sa kanya.
"Eh, paano 'yan? Sa ate ko 'yan eh." Tinuro niya 'yung first aid kit.
"Sasauli ko na lang sa bahay niyo. Alis na dali!" Kinumpas ko pa ang kamay ko para paalisin siya. Dahan-dahan naman s'yang tumayo at tumalikod. Pero bigla rin siyang lumingon sa akin.
"Sana, pumunta ka na sa pagkakataong ito. Hinihintay ka naming lahat. Lalo na ni Joy." Pagkasabi nu'n ay dumiretso na si Totoy sa paglalakad.
Muli namang nanumbalik ang mga ala-ala na pilit kong binubura ng marinig ko ang pangalan niya. Mga ala-alang pumipigil sa akin para magpatuloy sa buhay.
Nailagay ko ang aking palad sa aking muka para pigilan ang nagbabadyang pagluha. Pero, bigo ako. Umagos ang mga luhang dulot ng aking pangungulila. Nais kong humiyaw. Magwala. Maghamon ng away sa kung sinong tambay diyan sa tabi. Gusto ko ng mamatay!
"Ahhh!" Sinubukan kong humiyaw para maalis ang bigat sa aking dibdib. Ngunit nandito pa rin ito. Kahit ilang beses akong makipagsuntukan. Kahit ilang beses akong manghamon ng away at maglasing. Nandito pa rin ang sakit, hindi ako nililisan.
"Joy!" Sigaw ko sa hangin. Hinihiling na sana ay madinig n'ya at sagutin ako.
Sagutin at sabihing nandito siya sa mundong ito. Buhay at humihinga.
Joy... Sabihin mo, sabihin mo sa akin! Ganito rin ba ang pakiramdam mo noong panahon na nalulungkot ka?
Xx
Ilang araw na rin ang nagdaan ng magtransfer sa school namin si Joy. At ilang araw na rin siyang tumpulan ng pambu-buly. Syempre, sa pamumuno ni Totoy. Oras na tinapak ko ang aking paa sa pintuan ng aming classroom, nawala ang ingay na naririnig ko sa labas pa lang. Nagsibalikan sila sa mga upuan nila.
Nang papunta na ako sa upuan ko, napansin ko ang mga nakakalat na lukot na papel. Mukang binato nila ng papel ang transfer student. Tinignan ko siya, hindi man lang s'ya natinag sa kinauupuan niya. Hindi man lang umiyak o lumaban.
Parang tanga, naisip ko.
Sinipa ko ang mga lukot na papel na napunta sa upuan ko. Humarap ako sa mga ka-klase ko.
"Linisin niyo 'to." Walang gatol kong sabi. Halata sa mga muka nila ang gulat. Si Totoy naman ay iritang tumayo.
"Bakit kami maglilinis n'yan? Kung gusto mo ikaw na lang!" Aba, tapang-tapangan si tabachoy.
Binaba ko 'yung dala kong bag na wala namang laman kun'di isang notebook. Panglahatang subject na'yun. Namulot ako ng ilang papel na nakakalat sa sahig. Tinignan ko si Totoy saka umismid. Lumapit ako sa pwesto niya at siya naman ay napaatras.
Hinagis-hagis ko sa ere ang isang papel at saka ito binato kay Totoy.
"Ano ba?!" Singhal nito sa akin. Hindi ako natinag at binato ulit siya.
"Ano? Bakit ka nagagalit? 'Diba Gawain mo rin 'to?" Sabi ko saka sunod-sunod na siyang binato ng mga lukot na papel.
"T-tama na! Tama na! Bakit ka ba kasi nangingialam?! Hindi naman ikaw ang binato ah! S-siguro, may gusto ka kay Joy?" Nakita ko ang pagismid n'ya sa huling sinabi. "G-guys, may gusto si Russel kay Joy! Haha!" Sigaw pa nito na tila hinihimok ang iba para manukso.
"Baka naman ikaw ang may gusto? Umamin ka na, Hindi ka naman namin pagtatawanan." Tudyo ko. Tumingin si Totoy sa gawi ni Joy at namumulang iniwas din ang tingin.
Tila hindi na nito natiis ang pagkapahiya kaya lumapit siya sa akin at tinulak ako. Hinawakan niya ang kuwelyo ng uniform ko at galit na galit akong tinitigan.
"Masyado ka ng mayabang ah! Ang liit mo lang naman kung makaasta ka akala mo kaya mo'ko?!" Galit na bulyaw nito. Napapikit pa ako dahil nabubugahan ako ng mala-electricfan nitong hininga.
Nagulat na lang kaming lahat ng isang kamay ang pumigil kay Totoy.
"Ano, t-tama na... M-malapit n-ng dumating s-si Ma'm." Sabi nito sa maliit na boses habang nakayuko.
Wala namang nagawa si Totoy kun'di ang bumitaw. Dinuro pa muna ako nito bago bumalik sa upuan. Hinahamon ata ako ng tabachoy na'to sa labas. Ha! Hindi ko siya uurungan ah.
Tinitigan ko ang mga ka-klase ko. "Ano? Tatanga lang kayo diyan? Pulutin niyo na 'yung kinalat niyo bago dunating si Ma'm." Natataranta naman silang tumayo at mabilis na pinagpupulot ang mga papel.
"Ano... S-salamat." Napatingin ako sa transfer student.
"Salamat? 'Wag ka ngang assuming. Hindi ko 'yun ginawa para sa'yo noh." Saad ko saka siya nilampasan at umupo na sa upuan ko.
Salamat daw? Ang bait ko naman 'ata para pasalamatan niya. Anong tingin niya sa akin? Santo?
Sinilip ko siya na kasalukuyang tumutulong sa pagtapon sa basurahan ng mga papel.
Siya nga itong mabait eh.
Xx
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang tumakbo. Nu'ng una ay mabagal lang ang pagtakbo ko, hanggang sa binilasan ko ito. Sinasabayan ko ang aking pagtakbo ng malakas na hiyaw. Kahit nagmumukha na akong baliw sa paningin ng mga taong nakakasalubong ko.
Ayos lang. Ayos lang.
Bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na busina. Pagkalingon ko ay isang van na pagewang-gewang ang papalapit sa akin. Nakakarinig ako ng mga hiyaw ng tao ngunit unti-unti rin itong nawawala habang papalapit ang van.
Alam ko na kung tatakbo pa ako ay makakaya kong umiwas. Pero hindi ko maikilos ang aking mga paa. Ayaw nilang humakbang.
Bago ko ipikit ang aking mga mata, tila nakita ko si Joy na papalapit sa akin at may isinisigaw.
"Ruru! Umiwas ka!"
Nagawa ko pang marinig ang boses niya bago ako mawalan ng malay.
End of First Wish
Yow pipz! Oo nga pala! Flashback ang ibig sabihin nito →Xx Tinatamad kasi akong magtype haha! Sorna! 😂✌Pero kung ayaw niyo babaguhin ko. Loves na loves ko kayo eh. ❤ Para sa mga nakaka-appreciate lang ang puso na iyan. 😝
→LoveTechnician
BINABASA MO ANG
Her Last Wish(#Wattys2016)
FantasyBata palang ng maudlot ang kanilang pagmamahalan dahil sa isang trahedya. Nagsimula ulit ito ng sila ay nasa college na. Ngunit, hindi na ito katulad ng dati. Iba na ang kalagayan nila ngayon. Paano mo pa mamahalin ang babaeng alam mong sa huli ay i...