Sabi nila mas okay na daw yung sobra kesa kulang.
Tama ba?
Mas okay na dalawa yung lapis mong dala kapag nageexam
Para pag naputol yung tasa nung isa,
Hindi ka na magtatasa pa.
Baka kakatasa mo,
Maputol ng maputol hanggang sa maubos.
Mas okay na yung sobra kesa sa kulang.
Mas okay na may dala kang extrang pera kahit san ka magpunta para pag nahulugan ka ng piso, makakauwi ka pa.
Mas okay na yung sobra kesa sa kulang.
Sino nga naman ang tatanggi sa buy one take one dba?
Karamihan satin ganyan yung pananaw.
Siya nga ganyan yung pananaw e.
Pinili mong magkaroon ng kaming dalawa para hindi mo mararamdaman ang pagiisa.
Tama ba?
Para kaming mga lapis mo sa tuwing nageexam ka.
Na kapag kaaway mo yung isa, dun ka muna uuwi sa pangalawa
Na hindi mo pagaaksayahan ng panahong ayusin yung at aregluhin yung away nyo.
Mas okay na yung bago kesa magtasa ka pa.
Kami pera mong bitbit mo palagi kahit san ka magpunta.
Na mistulang pang emergency purposes yung pangalawa.
Para kaming nabili mo lang sa tindahan na buy 1 take 1
Siguro nga, kasalanan ko din yung maging pangalawa.
Kasalanan kong naniwala ako sa mga matatamis mong salita
Sa mga effort mong sinasabi mo na sakin mo lang ginagawa.
Yung mga labi mong hindi ko alam na may humahalik pala sa umaga.
Kasalanan ko nga siguro na kahit alam kong merong sya,
Nanatili pa din akong tanga.
Pumayag akong maging extrang Lapis mo
Na nagiging option mo sa tuwing gusto mong takbuhan yung masasakit na pangyayare sa inyo.
Pumayag akong maging extrang pera mo na kapag nagkukulang sya sayo,
Ako ang pinampupuno mo
Pumayag akong maging take one mo sa buy 1 take 1 promo mo
Na sa tuwing hindi ka nabubusog sa pagmamahal nya, ako ang bumubusog sayo.
Nakakapanghinayang yung mga bagay na nasayang
Yung mga panahong
Mas pinili kong saktan ang sarili ko
At pumayag akong maging pangalawa mo,
Yun yung mga panahong maaaring naibigay ko sa mga taong nagpapahalaga saken
Sayang yung mga kudang pagpapagalit saken ng nanay ko
Sa tuwing sakikita nya kong lumuluha ng dahil sayo.
Sobrang sayang.
Pero kahit gano katibay ang helmet,Magkakalamat ito at unti unting mababasag.
Kahit gano pa kalalim ang pagmamahal ko sayo
Dumating na sa puntong susuko ako.
Dumating na sa puntong bumitaw ako
Ngunit hindi ka pumapayag sa tuwing aalis ako
Sinasabing aayusin mo ang lahat
Pero ano?
Hanggang kelan aayusin to?
Hanggang kelan mo tatanggalin ang respeto ko sa sarili?
Hanggang kelan moko paghihintayin?
Ayoko na.
Nakakapagod ka nang mahalin.
Nakakapagod manatili sa relasyon
Na natakpan na ang pagmamahal ng duda at kuda
Nakakapagod paniwalain ang sarili kong pipiliin mo ko kahit base sa nakikita ko, sya naman talaga.
Hindi sa lahat ng exam,
Magagamit mo yung pangalawang lapis.
Hindi sa lahat ng byahe mo, magagamit mo lahat ng pera sa wallet mo.
May matitira at maiiwan pa din jan.
Hindi lahat ng take one sa mga buy 1 take 1 mo eh magagamit mo.
Minsan, pababayaan mo nalang yung isa.
Isasantabi Daw pansamantala
Hanggang sa mabulok na
Pero bago pa masayang yung mga baga na meron ako,
Bibitaw na ko.
Pipiglasan ko na yung bawat tali na meron ka saken.
Ayoko na.
Tama na.
Lalayo na ako.
At ito ang magiging huling mensahe ko para sayo.
Hindi basehan ng pagkalalake ang pagiipon ng babae.
-------
Tula po yan. :D Ako nag gawa.