Namamasko po.

103 0 0
                                    

"Jingle bells, jingle bells, Jingle all the way, Oh, what fun it is to ride In a one horse open sleigh" Malapit na ang Pasko at napagpasyahan naming magkakaibigan na mangaroling sa bawat bahay sa aming lugar. Nag-iipon kami para may pambili kami ng regalo sa mga mahal namin sa buhay. Ako nga pala si Kristina at ito ang kwento ng pinaka-Da best na Pasko ng buhay ko.

Alas sais pa lamang ng gabi ay naghahanda na kami para sa pangangaroling namin. Alas sais imedya ay magpupunta kami sa chapel ng simbahan para humingi ng tulong sa Panginoon at manalangin na gabayan kami sa daan. Pagkatapos sa chapel ay magsisimula na kaming mangaroling.

Pagkatapos ng mga dalawang oras na pamamasko ay binibilang namin ang mga naipon at maghahanda naman para sa Misa de Gallo. May usapan kasi kaming magkakaibigan na dapat ay matapos namin ang siyam na gabi at sabay-sabay kaming hihiling sa ika-24 ng Disyembre na sakto naman ay kaarawan ko.

Nakagawian na din namin na pagkatapos ng misa ay kakain kami ng malinamnam na puto bumbong at bibingka sa labas ng simbahan. Magkukuwentuhan, magkukulitan, mag-aasaran - mga bagay na nagbibigay saya sa amin tuwing gabi. Akalain mo, sa pagkukuwentuhan namin ay nagkaroon pa ng trivia. Nagtanungan kami kung ano ba talaga ang tunay na diwa ng Pasko. Siyempre, taas noo ako. Tumayo at nagsalita ng "Siyempre, pagmamahalan." Nalaman ko na kulang pala ang sagot ko. Dapat pala ay may pagbibigayan din. O, di ba? Sa simpleng kulitan ay nalaman pa namin ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Sa kabila ng kasiyahan ay isang nakakalungkot na balita naman ang narinig namin mula sa TV. Nagkaroon pala ng malaking pagbaha sa Visayas at madaming tao ang apektado. Nagtipon kaming magkakaibigan. "Bakit hindi tayo tumulong?" tanong ko sa kanila. Mabilis naman silang sumang-ayon sa akin ngunit nakita ko sa kanilang mga mukha ang tanong na "Ngunit, paano?" Napatigil kami. "Alam ko na!" Nakuha ko ang atensyon nila. "Di ba may naipon naman tayo mula sa pangangaroling? Pwede nating gamitin yun." Pag sang-ayon ang nakuha kong sagot mula sa kanila.

Kinabukasan ay inihanda na namin ang lahat ng kailangan at ipinadala na lamang namin sa isang istasyon sa TV. Dahil sa bata pa kami at wala pa kaming gaanong pera para makapunta sa Visayas.

Ilang oras ang lumipas at may natanggap kaming tawag. Nakarating na daw sa kanila ang mga ipinadala namin at malaki daw ang natulong namin. Ang sarap pala sa pakiramdam. Nakakataba ng puso. Ngiti ang makikita mo sa labi namin. Muli naming naalala ang kwentuhan namin kung ano ang diwa ng Pasko at napangiti kaming muli. Nag-apir at nagkasabay-sabay sa pagsabi ng "SUCCESS!"

Kung walang pagmamahal at pagbibigayan, Pasko bang maituturing ang panahon na ito? Hindi, di ba? Alam naman natin na tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal at mapagbigay. Dapat ay pagmamahalan at pagbibigayan ang maghari sa mga puso natin ngayon. Dahil ang mga ito ang tunay na diwa at kahulugan ng Pasko. Namamasko po!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Namamasko po.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon