KpopAnget

4 0 0
                                    

Jowil's POV

Nakatambay ako dito sa bench. Kainis talaga sila kuya, buti umalis na sila. Pinagkaguluhan kasi sila ng mga babae kanina. Edi sila na gwapo -.-

Nakikinig lang ako ng kpop musics.
Np: Starlight
By:Taeyeon

Ang ganda talaga ng boses nya. Maganda rin naman boses ko kasi kumakanta rin ako. Sinabayan ko nalang yung kanta nya ng---
"Pft HAHAHAHA. Maka Kpop ka pala" napatingin ako sa lalaking ang lakas tumawa. Ito yung lalaki na may ari raw nung puno, yung mayabang kahapon.

"Paki mo?"

"Kaya naman pala. KpopAnget ka hahahaha" ang kapal nya. Nilait nya ba ang kpop? Sinuksok nya ang kamay nya sa bulsa nya at tumalikod. Pero dahil sa inis ko,binato ko sa kanya yung sandals ko. Wala namang heels yun. Kaso nailagan nya at tumama kay---Jameson. Waaaahhhh nakakahiya. Tumingin silang dalawa saken.

"A-ah eh s-sorry Jameson" sabay yuko ko. Inabot nya yung sandal ko kaya napaangat ako ng ulo. Nakangit sya. Shet kinikilig ako.

"Naku okay lang" ginulo nya rin yung buhok ko at umalis na.

Ng masiguro kong nakaalis na talaga sya nilapitan ko yung mokong tsaka hinampas ng kamay ko. Ouch sakit T^T

"ikaw. Wala kang karapatang laiitin ang kpop" ngumisi lang sya.

"kpopanget" sabay takbo. Arrghhhhh humanda ka saken panget ka.

**

"Okay class dismiss"

"Yuhoo"
"yes uwian na"
"Shopping tayo?"

Puro ganyan naririnig ko. Ganun ba talaga kaboring ang History? Uhh! Bat naman kasi kahit college na eh may history pa :3

Pauwi na'ko. Wala naman na akong ibang pupuntahan eh. Hindi ko na naman nakita si Shey, yung bruhang yun talaga.

Palabas na'ko ng gate ng makita ko si Jameson kasama ang mga tropa nya. Mukhang inaasar pa sya. Palapit sila saken. Key, ang assuming ko pero kasi totoo naman. Malay naman kung dito din sila dadaan diba? Ay ewan. Maglalakad na sana ulit ako ng tinawag nya ko. "uhm hi Jade" pinigilan kong mapangiti.
"A-ah hello" waaahhh bat ako nautal? Nakakahiya. Narinig ko namang nagtawanan mga kasama nya pero tumigil din. Siguro kasi simple lang ako at di kapansin pansin.

"Una na ko J-jameson" sabay takbo ko palayo. Anu bang trip nya? Bat nya ko kinausap? Hindi naman kami bagay. Pero diba dapat masaya ako? Ang gulo ko.

Kakatakbo ko napadpad ako sa maliit na park na malapit sa school. Umupo nalang ako sa swing. Alas kwatro palang naman.

Teka nga? Bat ba ako tumakbo? Eh kinausap lang naman nya ko. Ang weird ko talaga. Pinokpok ko ng kamay ko yung ulo ko ng may tumawa at nagsalita sa harap ko.

"kpopanget na nga baliw pa" arghhh, sya na naman.

"Anu bang problema mo? Mukhang unggoy tsk" sabay irap ko. Nagsmirk lang sya.

"Problema ko, maliban sa kagwapuhan ko wala na"

"HA-HA-HA. Ayan tatlong tawa para sayo" tumayo na ako at binangga sya. Ouch huhu. Ang tigas ng braso nya.

**

Dumeretsyo nalang ako sa bahay at dali daling umakyat sa kwarto. Umuwi na siguro sila kuya , hays! Huminga ako sa kama ko ata nakinig ng kanta sa ipod ko.

"Baby Jade gising na" naalimpungatan ako dahil may tumapik ng pisngi ko.

"5 minutes pa ma" sabay takip ko ng unan sa mukha ko.

"Gabi na nak, kakain na tayo tsaka andito yung nga kuya mo. Ayos mo bag sumabay sa'min?" parang malungkot yung boses ni mama kaya kahit na antok pa talaga ako eh bumangon na'ko. 8pm na pala? Parang 5 minutes palang tulog ko eh. Napakamot nalang ako sa ulo at bumaba na.

Pagpunta ko sa may kusina , hinila naman agad ako ni kuya jake at pinaupo. Ay taray! Prinsesa lang ang peg. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan at ang sabi nila kuya sa school na namin sila magaaral. Matutuwa ba ako ? Kasi naman ang gwapo nila kumpara saken eh.

"Nga pala Jade may boyfriend kana ba?" tanung ni kuya Jarren saken out of nowhere. Napatigil kaming tatlo nila kuya Jake at mama sa pagsubo.

"Kuya nangiinsulto kaba?" natawa naman sila mama sa sinabi ko. Tiningnan ko lang ng masama si kuya Jarren tsaka pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Ikaw naman kasi Bro, halata naman sa itsura ni Jade nagtatanung kapa" at nagapir pa ang dalawa. Dinuro ko ng tinidor si kuya Jake.

"Hoy kuya, baka nakakalimutan mo na magkapatid tayo, kaya kung panget ako panget ka rin hmp." nagtawanan na naman sila. Tumingin ako kay mama pero nakikitawa rin sya. Kahit naiinis ako di ko mapigil mangiti kasi minsan lang to. Ay mali! Kasi dito na nga pala sila titira at bihira na silang uuwi sa condo nila kasi nga sa school na namin sila magaaral.

-----

Dedicated tong Chap. Na to sa sarili ko haha.. Pangarap na kuya ko sila kaya ayan na. Kahit sa story lang ni Jowil magkatotoo.

Enjoy :)

Secret Love SongWhere stories live. Discover now