"Uy, Lee Ann!", narinig ko nalang habang naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan namin. Lumingon ako, sila Rose pala yun. Sumabay na ko sakanila papanhik ng room namin sa second floor.
Mapapansin na maraming napapatingin samin na mga estudyante at teacher, ayun nga. Sa kapal ng lipstick namin sa labi na mas putok na putok pa kaysa sa female teachers namin, mga daliri namin na nagkikintaban sa kulay, at iba pang mga kolorete namin sa mukha na dinaig pa ang may beki'ng sasali ng beauty contest.
I'm a member of our oh-so called sorority, and I'm actually proud of it.
Dahil doon, dumami ang mga kaibigan ko, dahil doon, marami nang gusto ako na palaging kasama, kase astig daw. Takot samin ang ibang mga babaeng estudyante sa school at yung mas mabababa yung rango samin.
Wala namang astig doon e, what's good about it is that pumupunta kami sa iba't-ibang club every Friday night. Just hanging out and meeting new lads.
"Ayan na naman si Bakla o!"
Bumungad samin yung isa ko'ng kaklase, inaapi na naman siya. Sa tuwing gusto ko siyang tulungan, pinipigilan ako ng mga co-member ko katulad nila Rose at Celine.
Kahit na ayoko sa kanya, siyempre may awa parin ako sa kanya, I'm not that heartless. Nagi-guilty rin ako.
Yung baklang binu-bully at inaapi, he was my childhood crush and best friend. Basta at ewan ko ba!
Simula nung konti-konti lumalabas yung totoong siya, unti-unti rin akong nadiri. Yes, "nadiri" may sound over, pero totoo. Since then, I started discriminating the people from LGBT.
"Lee Ann, let's have a sit now.", si Celine, mas mataas yung rango niya sakin. Tumango nalang ako at umupo sa tabi ni Rose.
Maya-maya'y dumating na yung teacher at tumahimik yung lahat.
Yun yung time na hindi ko talaga mapigilan at pailalim akong lumingon kay Jayson, yung baklang binu-bully kanina. Hindi ko alam kung bakit, pero nung nakita ko yung gusut-gusot niya nang polo shirt, yung gulu-gulo niyang buhok at yung pawis dun sa buong katawan niya at mukha siyang basang-sisiw dulot ng pambu-bully sakanya kanina lang..parang gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at i-comfort siya, sabihin sakanya na ako na ang bahala sa kanya at aawayin ko lahat ng gagawan siya ng masama.
"Lee Ann.", bulong ni Rose. "Nakatingin sayo si Celine, alam mo naman'g bawal makipag-kaibigan sa mga binu-bully dito sa campus, diba?"
And again, tumango nalang ako na parang tuta'ng napaka-amo.
'Di ko alam kung paano ko nahanap ang samahan'g miyembro ako ngayon. Ang alam ko lang ay nung simulang bully-hin si Jayson, ayoko nang madamay kaya iniwan ko siya sa ere. Napaka-selfish ko. Alam ko'ng mali pero ginawa ko pa rin kahit na ang dami na ng pinagsamahan namin.
"ANO KA BA NAMAN, ANN! Pagod na nga ako sa trabaho, yang bunganga mo pa itatambad mo sakin?", yung boses agad ni Papa yung narinig ko. Tsk, palagi nalang silang ganyan. Kaya ayoko'ng umuwi ng bahay e.
Alam ko'ng madadatnan ko na naman silang nag-aaway, buti nalang at Biyernes ngayon. Tatakas ulit ako para makasama sa mga kaibigan ko.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay na damit. Ilang oras rin ako'ng nagkulong sa kwarto, nang mapansin ko'ng hindi na sila nag-aaway, tumayo ako para lumabas at makakain na ng hapunan pero naramdaman ko na naman yung pagkahilo ko. Parang biglang mabilis na umikot yung buong paligid.
I blinked my eyes several times, at by the time na feeling ko, kaya ko na, minulat ko yung mata ko at nagsimulang maglakad papalapit ng pintuan.
Pagkalabas ko, nakita ko si Mama, naghahanda na siya ng pagkain para samin. Nagtaka nalang ako kung bakit dalawa lang yung pinggan. Umupo ako sa upuan at tinitigan lang si Mama. Umiiyak siya, pero sinusubukan niyang itago sakin.