II.

11 3 0
                                    

"Bottoms up! Buttoms up!"

Nahihilo na ako nu'n dahil sa alak na nainom ko na. Tsk, napakakulit talaga ng mga kasama ko.

Ininom ko yung isang baso na puno ng beer.

"Okay na!", sigaw ko nang tapos ko nang malaklak yung alak. Nagsigawan rin sila na parang bilib na bilib sila sa'kin. I have to admit, I love the feeling of having people so amazed at me. Napatawa nalang ako sa kanila.

Maya-maya, napahawak ako sa noo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at feeling ko bigla ako'ng inantok.

"Hey, Lee Ann, are you okay?", tanong ni Mark. Nung lalaki'ng ka-date ko ngayon'g gabi. Tumango lang ako at nginitian siya.

Hanggang sa hindi ko na makaya at napasandal na ako kay Mark, gusto ko na'ng matulog. Bago pa ako tuluyan'g makatulog, nag-blurd muna ang paningin ko at may narinig si Mark, "Guys, she needs to rest. We should take her home now bago pa siya mapahamak rito.", sabi niya yata dun sa mga kasama namin. Partikular na sa sorority sisters ko.

"You can have her for the night, Mark. Don't worry.", isang pamilyar na boses.

Bigla nalang ako'ng nagising. Isang panaginip, panaginip na nagpaalala sa'kin ng mga naganap at ang dahilan kung bakit may isang walang-muwang na buhay ang nasa sinapupunan ko.

Nakaramdam ako ng inis, galit. Naramdaman ko na lamang na nag-init ang mga mata ko at tuluyan na nga'ng tumulo ang mga luha ko.

I knew it, it's Celine. But..how could she do that to me?

At si Mark, naramdaman ko naman na nagmamalasakit siya sa'kin, a. Pero bakit nagawa niya parin yun? Paano niya 'ko nagawang pagsamantalahan?

AYOKO TALAGANG PUMASOK, pero pinilit ako nila Papa. Kaya nandito ako ngayon sa gate ng school papuntang room namin. Tinanong ko sila Mama kung alam na ba ng buong school, sabi nila sikreto pa daw iyon between us, the principal and teachers.

Hiyang-hiya ako'ng pumasok, pero nilakasan ko nalang ang loob ko. Ang lakas ng loob ko'ng mag-lipstick ng putok na putok dati, ngayon ba ay aatrasan ko ang isang araw dahil lang sa hiya ko? Pakapalan lang ng mukha ito. Kaya ko 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Blessing In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon