Sa bawat araw na dumaraan satin
Ikaw lamang laman ng aking isipan
Puso't isip ko ay laging nasaiyo
Sanay ito'y alam ng munti mong mundo.
Sa mga araw nating pinag samahan
Pinasaya mo ang munti kong damdamin
Umaga gabi man nasa-isip kita
Kaya sana manatili ang tiwala.
Kaya sana wala ng sumira satin
Panatiliin tiwala sa damdamin
Kapag pagsubok nanama'y dumarating
Isipin mahahalagang araw natin.
Di ako makapapayag na mawala
Ang pinakamamahal kong nasakin na
Kahit anong pag subok aking harapin
Malinlang lamang sumisira saatin.
Kapag mahal ko'y aking naging kabiyak
Sisilbihan ka nang maluwag at tiyak
Sana'y ako na ang huling lalaki mo
at ikaw narin ang huling babae ko.