Kleiah POV
Tagal naman ni King N. Hmm. Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko na 8:37 pm na. Ano ba to. Inaantok na ako. Mahaba pa naman ang pila. Kaya matutulog muna ako. Kaya natulog muna ako.
"Queen K, gising na. Kain na oh!" Sabi ng lalaki na nasa harap ko. Sino ba to?! At bakit niya ako ginigising?! At bakit nickname ko ang tawag niya?! Omg! Baka sa fafa james na to! Pagkatingin ko. Si Nash. Si King N. Pero kas na attract ako sa nakita ko...
Ang..
Pagkain..
"Halaaa! Binili mo talagaaa?" Tanong ko. Whoa. Lahat talaga. Lahat ng gusto ko. I really like him na! Hindi dahil sa foods hehe. "Oo naman, Queen K. Para sayo e." Sabi niya sabay wink. Ang cute niya mag-wink bat ganon? "Hmm. Masyado ka na atang tulala sa mukha ko? Kumain ka na nga ikaw talaga!" Sabi niya. Hala. Nakatulala pala ako sa mukha. "Hmp! Sige na ngaa. Tsaka di naman ako nakatingin sa mukha mo no! Assuming." Sabi ko. Galing ng palusot ko. Hihi. "Assuming? Eh totoo naman na nakatitig ka sa soon to be husband mo. Ay!" Sabi niya. Ano sabi niya? SOON. Soon ro be husband ko? Hala. Namula naman ako. Sana di niya mapansin please. "Oh bakit namumula ka?" Tanong niya. Hala ano ba sasabihin ko? Ay sabihin ko na lang kinikilig ako sa 2 piece na chicken "Ay kase kinikilig ako dito sa chicken! Pinapacute-an kase ako e!" Sabi ko. Ayan may palusot na. Whoo. "Sino ba tinutukoy mo? Yung chicken or ako?" Sabi niya. Ay ano nga ba? Di na lang ako sumagot. "Kumain ka na nga. Baka abutan pa tayo ng ulan." Sabi niya. Hay salamat. Makakain na. Whoo. Habang kumakain ako ng ice cream nakita kong nakatingin lang siya sakin. Ay baka gusto niya neto! "King N? Gusto mo? Tagal mo na kasing nakatitig dito e." Sabi ko. Sana sabihin niya hindi please pleasee. Akin lang tong ice cream eh sana hindii. Huhu. "Ayaw ko, ikaw." Sabi niya. Ha? Ako daw? Tinatanong niya ba ako? "Ha? Ako? Syempre gusto ko neto!" Sabi ko. "Tungak, ikaw. Ikaw ang gusto ko." Sabi niya sabay ngiti sakin. Kinikilig eke eneve. "Ayy. Tayo na nga!" Yaya ko. "Osige! Tayo na nga. Bilis mo naman ako sagutin." Sabi niya. HALAAAAAA. "I mean tara na alis na tayo." Sabi ko. Jusmiyo.
Pagkasakay ko sa kotse niya. Inopen ko yung phone ko at pinatugtog ko yung fix you by coldplay. Sinasabayan ko yung kanta. "Light will guide you home and ignite your bones" kanta ko. "And i will try to fix you" nagulat ako nang sinabayan niya ako. Tiningnan ko siya habang play pa rin ng play ang music. "A-alam mo pala to?" Tanong ko. "Oo. Gusto ko nga. Pag kinasal ako sa babaeng makakasama ko hanggang huli. Yan ang kanta sa wedding namin. Sa tingin mo? Sino kaya yun?" Tanong niya. Puso ko. Nahulog? Ang bilis. "A-ako." Sabi ko. WTF?! "Ha?" Tanong niya. Salamat! "Wala wala." Sabi ko. "Oo. Tama ka. Ikaw nga. Ikaw na ang huli ko." Hinawakan niya ang kamay ko. Nagstop spkami sa gitna ng road. "A-ako rin." Sabi ko. "Ha? Anong ikaw?" Tanong niya. "I-ikaw ang una at ang h-huli ko. Promise." Sabi ko. Alam kong mabilis. Pero di naman namin kasalanan kung nagkaganto kami. Si God ang nagplano ng lahat na to. Si God ang nagpabilis ng pangyayari. Hindi kami. Okay lang kung masabihan kami ng sobrang bilis. At least nagpapakatotoo kami sa nararamdaman namin. Niyakap ko siya.
Gusto ko pa ba siya?
O?
Mahal na..