SALOT (ONE SHOT)

7.1K 155 23
                                    

DECEMBER 2, 2013

 

          NANLULUMO SI SARHENTO NICK MANALO HABANG NAKATITIG SIYA SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI ALING ROSE. BIKTIMA ITO NG HINDI PA MATUKOY NA HALIMAW. ISANG HALIMAW LAMANG KASI ANG MAAARING MAKAGAWA NIYON. WARAK ANG DIBDIB AT NAWAWALA ANG PUSO NITO.

       ANG UNANG TEORYA NIYA AY ASWANG ANG NANANALAKAY SA BARYO NILA. PERO NAKADAMA SIYA NG PAGDUDUDA NANG TITIGAN ULI NIYA ANG BUKAS NA DIBDIB NI ALING ROSE. NAKATITIYAK SIYANG HINDI TALIM NG PANGIL ANG MAY LIKHA NIYON KUNDI ISANG URI NG MAPUROL NA BAGAY. ANG HULA NIYA AY MAPUROL NA ITAK ANG GINAMIT NG KRIMINAL.

      NAKAUWI NA SIYA SA BAHAY AY LAMAN PA RIN NG KANYANG ISIP SI ALING ROSE. LUMAKI SIYA SA PANINIWALANG MAYROONG ASWANG PERO KAHIT MINSAN AY HINDI PA SIYA NAKAKITA NIYON. AYON SA LOLA NIYA, MAY IBA’T IBANG ANYO RAW IYON. TAO RAW IYON NA MAY KAKAYAHANG MAGPALIT NG ANYO.

      “ANG LALIM YATA NG INIISIP MO, HONEY,”SABI SA KANYA LIZA ANG ASAWA NIYANG MATATAKUTIN.             “MAY BIKTIMA NA NAMAN ANG HALIMAW SA LUGAR NA ITO,” MAY BAHID NG GALIT ANG TINIG NA SABI NIYA. HINDI ITO KUMIBO. NILAGYAN LAMANG NITO NG PAGKAIN ANG KANYANG PLATO.

     “ANO ITO?” TANONG NIYA.                                               “LAMANG-LOOB NG BABOY,” SABI NITO.                          “BAKIT NAMAN NAGLUTO KA NG GANITO?” NAIINIS NA TANONG NIYA. HALATANG HINDI NITO NALUTO NANG MABUTI ANG ULAM DAHIL NAAAMOY NIYA ANG LANSA. TULOY AY HINDI NIYA NAPIGILANG MASUKA. NAPATAKBO SIYA SA BANYO.

     HABNG SUMUSUKA SIYA AY NAGBALIK SA KANYANG ISIP ANG DILAT NA MGA MATA NI ALING ROSE. NAALALA RIN NIYA ANG WARAK NA TIYAN NG IBANG BIKTIMA. NAWAWALA ANG BITUKA NG MGA IYON.

     “NAGLILIHI KA YATA, HONEY,” TATAWA-TAWANG SABI NI LIZA NANG DUMULOG ULI SIYA SA MESA. PINUKOL NIYA ITO NG MATALIM NA TINGIN. “WALA AKO SA MOOD PARA MAKIPAGBIRUAN SA IYO, LIZA. MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO.”  “SORRY,” MAPAGPA-KUMBABANG SABI NITO. “GUSTO MO BANG IPAGLUTO KITA NG IBANG ULAM?”

    “ ANO BANG PUWEDENG LUTUIN DIYAN?”                         “PUSO NG BABOY,” MABILIS NA SAGOT NITO.                    “KAILAN KA PA NAHILIG MAGLUTO NG MGA LAMANG LOOB? ” HINDIK NA TANONG NIYA. SA PAKIWARI NIYA AY NANANADYA ITO.                                                           

“MULA PA NANG MATUTO AKONG MAGLUTO.”                  “LIMANG TAON NA TAYONG KASAL PERO NGAYON KA LANG NAGLUTO NG MGA LAMANG-LOOB.”                        HINDI NITO PINANSIN ANG SINABI NIYA. “GUSTO MO BANG LUTUIN KO YUNG PUSO?” TANONG NITO.                “HUWAG NA. HINDI KO GUSTONG KUMAIN NG KARNE SA ARAW NA ITO. BIBILI NA LANG AKO NG TINAPAY AT KAKAIN SA PRESINTO.”

       TUMAYO  SIYA AT LUMAPIT DITO. DINAMPIAN NIYA ITO NG MAGAAN NA HALIK SA NOO. “AALIS NA AKO.”          “KAKARATING MO LANG, AH. AALIS KA NA AGAD? ”      “MARAMING TRABAHO SA PRESINTO. PASENSYA KA NA.”  “IKAW RIN. HINDI MO MATITIKMAN ANG NAPAKASARAP NA PUTAHENG ITO.” MAGANANG NILANTAKAN NITO ANG LAMANG-LOOB.

     LANGHAP NA LANGHAP NIYA ANG MALANSANG AMOY NIYON. BAGO SIYA MASUKA ULI AY NAGMAMADALING LUMABAS SIYA NG BAHAY. NAKABALIK NA SIYA SA PRESINTO AY HINDI PA RIN MABURA SA KANYANG ISIP ANG MALAKING IPINAG-BAGO NI LIZA. DATI RATI AY PIHIKAN ITO SA PAGKAIN. NAGTATAKA SIYA KUNG BAKIT KAY TAPANG NA NG SIKMURA NITO NGAYON.

      ITO PA RIN ANG INIISIP NIYA NANG TAPIKIN SIYA NG KASAMAHANG PULIS SA BALIKAT. “ANG LALIM YATA NG INIISIP MO, MANALO. MAGKAKAANAK KA NA BA?”

      NAGISING BIGLA ANG KANYANG DIWA. “ MAY DIPERANSIYA YATA ANG REPRODUCTIVE SYSTEM NAMIN NI LIZA,” NANGHIHINAYANG NA SAGOT NIYA. ANG KAGUSTUHANG MAGKAROON NG ANAK ANG PANGALAWANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAG-ASAWA.

      “BAKA NAMAN NASA SEX ANG PROBLEMA,” NGINGITI-NGITING BIRONITO. “MUKHA NAMANG PAREHONG MALUSOG KAYO NI LIZA. MAGPATINGIN KAYO SA DOKTOR, PARE.”

      NAIMUNGKAHI NA NIYA IYON KAY LIZA PERO AYAW NITO. MAGHINTAY-HINTAY LAMANG DAW SILA AT DARATING DIN ANG BIYAYA. NAISIP NIYANG KUMBINSIHIN ULI ITO NA MAGPATINGIN SILA SA DOKTOR MAMAYANG GABI PAG-UWI NIYA.

      EKSAKTONG NAGSUSUKA SI LIZA SA LABABO NANG DUMATING SI NICK. NABUHAYAN SIYA NG LOOB. BAKA NAGLILIHI NA ITO. “BUNTIS KA BA?” NASASABIK NA TANONG NIYA. “IYAN BA ANG DAHILAN KUNG ANU-ANO ANG PINAGKAKAKAIN MO?”  HUMARAP ITO SA KANYA. LUHAAN ANG MUKHA NITO. “HINDI TAYO PUWEDENG MAGKAANAK, NICK,” MAHINANG SABI NITO. “SA TINGIN KO, PANAHON NA PARA MALAMAN MO KUNG ANO TALAGA AKO.”

      “BAOG KA?”                                                                         UMILING ITO. “MARAMING BESES NA AKONG NAGBUNTIS MULA NANG IKASAL TAYO PER KAILANGAN KO SILA UPANG HINDI AKO MAGKASALA SA IBANG TAO.”            “HINDI KITA MAINTINDIHAN.” MAY KABANG UMAHON SA KANYANG DIBDIB. “AKO ANG SALOT SA LUGAR NA ITO. NAPILITAN AKONG GUMALA SA GABI NANG HUMINA ANG REPRODUCTIVE SYSTEM KO.”

      NANLAKI ANG KANYANG MGA MATA NANG MAISIP NIYA ANG IMPLIKASYON NG SINABI NITO. DI YATA’T PINAPATAY NITO ANG SARILING ANAK!                              NAPAATRAS SIYA SA SINABI NI LIZA. NANGINGINIG ANG KANYANG MGA TUHOD. “H-HUWAG MONG SABIHIN NA…NA ASWANG KA?”

     “WALANG ASWANG, NICK. ORDINARYONG TAO AKO NA LAGING NASASABIK SA LAMAN NG AKING KAPWA.” HAWAK ANG KUTSILYO, LUMAPIT ITO SA KANYA. KAPAG KUWAN ITINAAS NITO IYON.                                “NGAYONG ALAM MO NA ANG LIHIM KO, PANAHON NA PARA MANAHIMIK KA.” INIUNDAY NITO ANG KUTSILYO PATUNGO SA KANYANG DIBDIB, NGUNIT NAPIGILAN NIYA ITO. NABITIWAN NITO ANG KUTSILYO.

     HABANG HAWAK ANG MGA KAMAY NITO AY INISIP NIYA KUNG PAANO ITO NAGING CANNIBAL. NAALALA NIYA ANG DALAGITANG NAILIGTAS NIYA MULA SA BASEMENT NG BAHAY NG AMAIN NITO. SI LIZA ANG DALAGITANG IYON. GINAHASA ITO AT GINUTOM SA LOOB NG MAHABANG PANAHON.

     ANG AKALA NIYA NOON AY MILAGRO ANG DAHILAN AT NANATILING BUHAY ITO. NGAYON LAMANG NIYA NAISIP NA HINDI TUMAKAS ANG AMAIN NITO AYON SA SALAYSAY NA BINITIWAN NITO SA MUNISIPYO. KINAIN PALA NITO!

      MAHAL NIYA SI LIZA, NGUNIT BILANG ISANG ALAGAD NG BATAS KAILANGAN NIYA RING TUMUPAD SA KANYANG TUNGKULIN. “NAPATAY NIYA SI LIZA. “

 

WAKAS

SALOT (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon