Sapagkat

152 7 0
                                    

Ako

Mahal kita sapagkat ikaw ang nagpapasaya sa akin.

Mahalaga ka sapagkat hindi ko kayang ika'y angkinin

Hari ka sapagkat ako'y iyong alipin.

Masaya ako sapagkat ito'y mithiin.

Pursigido sapagkat ika'y aking hangarin.

Pero nagbago ang lahat.

Ng ika'y umangat.

Hindi na nga tayo madalas magsama.

Pati pangalan ko'y nakakalimutan mo na.

Kaya uulit ko ang lahat ng aking mga sinabi.

Dahil ako'y nagsisisi.

Di na kita mahal sapagkat iba na ang nagpapasaya sa akin

Mahalaga siya sapagkat hindi ko kayang siya'y angkinin

Hari ka sapagkat ako'y umasa at nagpakatangang alipin.

Masaya ako sapagkat ito'y mithiin na kailanma'y hindi magiging akin.

Pursigido sapagkat ika'y aking hangarin pero sa dulo nito'y hindi ka mapapasa-akin.

•Jiminionism• 

•Tula Mula Sa Isang Brokenhearted•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon