The Manhater and the Jerk

6 0 0
                                    


A good woman doesn't want a Superman; she knows that he doesn't exist. All she wants is a good man who can bring stability and consistency to her life...

A man who understands her and emotionally and whose presence can both calm her soul and light a fire in her spirit all at the same time.

That's what she wants...

That's what she needs...

(Amari Soul Quotes)

"Hello?? Nikka? Asan ka na ba, anong petsa na? Kanina pa ko nandito ah, di ba 7pm ang tapos ng klase mo, 8pm na kaya?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Mine!! Naku!! Sorry, hindi pa kasi kami tapos sa term paper namin eh. Next month na din kasi yung defense naming kaya nira-rush na namin.

"Ah..eh ganun ba? Bakit hindi ka nagtext sakin?? Ako na may himig ng pagtatampo

"Sorry mine!!! Kasi bawal sa amin ang cellphone, nagpapalabas ang professor namin, may nasampolan nga kanina kasi tumunog yung phone." Sya

"Teka, si Sir Antonio ba yung prof mo?" ako

"Oo...pano mo na laman?"

"Ah..prof ko sya last sem, ganyan nga yan,..anyway, ano? Hihintayin pa ba kita?"

"Wag na mine, una ka na, baka matagalan pa kami eh, isa pa baka may dapat ka pang gawin, una ka na umuwi sa dorm"

"Lokaret ka talaga, hmmft..kala ko pa naman kakain tayo ngayon" ako

"Wushu!! Wag na magtampo,..sorry na, pagtyagaan mo na lang muna yung pagkain sa dorm"

"Aissssh! Ou nga eh, sawang sawa pa naman na ko sa tocino at itlog"

"Hahaha! Ayaw mo nun? Altanghap na"

"Sus! Nakakasuka na kaya..araw gabi yun lang pagkain natin"

"Hahaa! Problema bay un mine?? Edi paluto ka sa Mr. Cook mo ng iba, I'm sure na hindi ka tatanggihan nun"

"Ayan na naman po tayo, let's drop the topic, wag kang magpapagabi ah"

"Hahaha! Umiwas na naman ang kaibigan kong takot sa pag ibig"

"Tigilan mo ko Janika Ysabel Baltazar, yung bilin ko wag mong kalilimutan.."

"Hahaha! Opo!!"

"Mag-iingat ka!!"

"Yes Ma'am...sige na mine,..mag iingat ka pag-uwi ah...wag sungitan ang lahat"

"Haaay! Oo na.."

"Promise???"

"Haaaay! Oo na,..basta pasalubong ahh" ako

"Okay, sige since naghintay ka na sakin ng matagal...yung dating gawi pa rin ba?" sya

"Hahaha! Yes...hihi! Lab u" ako

"Hahaha! Sige na,..hinihintay na ko ng mga groupmates ko" sya

"Okay! Byeiii!" ako then I hung up.

After namin mag-usap nagpasya na kong umuwi ng dorm namin, which is just a walking distance from our school.

"Haaaay! Pasaway talaga tong si nikka, buti pa makauwi na ng dorm, maglalaba pa ko ng uniform at gagawa ng lesson plan." Sabi ko sa isip ko kaya inayos ko yung gamit ko, nilabas ko na din yung payong ko kasi mukhang uulan, para ready na rin at hindi na ko magbubukas pa ng bag.

Heart of FMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon