Chapter One

45 4 2
                                    

Naniniwala ako sa mga kasabihang pwedeng mag simula ang lahat sa biro, matapos sa katotohanan,at Maging aral Sa lahat.

Ako si Maria Ziggurat Valdemar. Ang baho ng pangalan ko 'no?

Maraming nagsasabing ang unique daw pero hindi naman. Ako nga pala yung tipo ng tao na kapag ayaw mo sa'kin ayaw ko rin sayo ngunit may isang tao na kahit alam ko na ayaw niya sakin gusto ko parin siya ang tanga diba?
.
.
.
.
.
.
Isang nakakatamad na araw sa aming mga estudyante, habang nag lakakad ako papasok sa gate ng school na pinapasukan ko may nakasalubong ako na isang zombie.

Charot! Nakasalubong ko yung bestfriend ko

"Hoy Zira! Pasaan ka?!!"

"Malamang pa classroom alangan namang palabas! papasok ako be o! Kay t*ng*!"

"Oo na! sige na!"

"Tara na nga! Baka diyan ka mag hasik ng dilim! "

Hayst eto nanaman klase nanaman nakakaumay nang mag-aral kaso kailangan mong magsikap Zira! Para sa ikakaunlad mo at ng bansang Pilipinas!

Ready na akong makipagsapalaran para sa aking kinabukasan nang biglang pumunta yung isang blockmate ko sa unahan.

"Guys, absent ang Prof. Vacant na this!" Walang emosyong sambit ni Crisantina. Oo expressionless siya habang nagsasalita.

Sus! Ang sakit umasa. Ready na ako, e! P*tch*! Akala ko magkaklase na tapos ganito, wala pala si prof. Kabarino naman, ay! Well, okay lang naman din atleast chill chill lang.

Ayos na, e. Pero biglang may dumating na dalawang ulupong na itago nalang natin sa pangalang Charlie at Terrence

"Zira! Si Calvin?" sambit ni Charlie na halata namang nang-aasar lang.

Napairap nalang ako, "Aba ay awan!"

"Ayiee! Bakit ka nagagalit? LQ ba kayo?" epal naman ni Terrence kaya inambangan ko ng kamao ko.

"Para kayong mga t*ng*! Ako nga ay tigilan niyong dalawa! Nakakasira kayo ng araw!" Bulyaw ko with matching panlalaki pa ng mata pero sige lang sa tawa ang dalawa.

Sino nga ba si Calvin? Siya lang naman yung kineme kong ka-love team sa room na halos araw araw tinutukso nila Charlie at Terrence sa akin.

"Oy Calvin nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinahanap nitong si Zira" sambit ni Terrence

"Oo nga Calvin kung saan saan ka daw pumupunta hindi mo man lang daw siya ini-inform." pahabol na usal ni Charlie.

"Wow naman! Ako pa pala ang nag hahanap, kainaman! Lalakas ng mga tinama niyo, e!" Sarkastiko kong sabi. Jusko kahit wala ang Prof ay hindi parin pala chill lalo na't may kaklase kang malalakas ang tama.

"We? Talaga ba naman, Zira?" sambit ni Calvin na parang kinikilig.

"Ay awan sa inyo! Makalabas na nga dito. Ang dami niyong alam" Hay nako daming alam nung mga siraulong yun, e. Sa dami ba namang puwedeng pag-trip-an, ako pa!

Nasaan na kaya sina Dyesabelle?

And speaking of! Biglang sumulpot si Dyesabelle sa harapan ko. Muntik ko tuloy masapak. Susme naman kasing bata ito! Parang kabute. Well, bagay naman sa height niya ang pagiging kabute.

"Zira! tara sa canteen!" Akit ni Dyesabelle.

"Ah sige saan ka ba nagpupunta at bigla ka nalang nawawala ng parang bula?"

"Galing lang ako sa Faculty Room."

" Anong ginawa mo dun?"

"Kinausap ko lang si Ms.Rodrigez"

My First and Last Love.Where stories live. Discover now