Part 2: I miss you...

15 0 0
                                    

More than a week nang hindi nag-uusap ang mag-bestfriend na Kyla at Enzo.

Simula kasi ng confession nila ng gabing iyon, bigla na lang umiwas si Kyla.

Scene 1:

Saturday, Morning.

Sakayan ng dyip papuntang school.

Hindi inaasahan na magkikita ang magkaibigan.

ENZO: (unang babati) Hi best! God Morning, long time no see ah!

KYLA: (iiwas sana kay Enzo pero di din nagawa dahil sa paglapit bigla ni Enzo.) Hi...

ENZO: Musta na?  bakit hindi ka nagti-text? Di ka na nagpupunta sa bahay?

KYLA:(Magsisinungaling)  Busy lang best, Mga School Works, lam mo na, graduating na tayo eh! (sabay biglang magpapaalam) Sige best, una na ako h, late na ako eh! ( hindi niya na hihintayin ang sagot ni Enzo, agad na papara at sasakay ng dyip)

Scene 2:

Saturday, Lunch Break.

Tahimik na nakapila si Kyla sa Canteen para bumili ng food n ang biglang dumating si Enzo at nilapitan siya.

ENZO: Hi Best!

KYLA: (Magugulat at maiilang) Hi..best...

ENZO: 'wag ka na pumili, binilhan na kita ng food mo. (Sabay abot sa kanya ng plastic ng Mcdo.)

KYLA: Hala! nag-abala ka pa. nakakahiya naman sa'yo, magkano ito? (kukunin sa bulsa ang wallet.)

ENZO: Nahihiya ka? meron ka pala nun? (tatawa) Joke lang! wag na, libre yan no!

KYLA: Ano kamo? Libre? Himala! Ganito pala ang nagkaka-GF. Nagiging galante.

ENZO: Sobra ka naman, bakit di ba kita nililibre dati ha?

KYLA: Nililibre naman. pero siyempre kapag may topak ka lang, o kaya kapag may kasalanan ka sa'kin. Best, alam naman natin na sa ating dalawa, ako talaga ang galante.

ENZO: O sige na, kaw na ang galante, o siya, kain ka na, ubusin mo yan ha, lam ko favorite mo yan eh!

KYLA: Mauubos ko ba eto? eh lam mo namang mahina ako kumain. Sabayan mo na lang ako best, share tayo.

ENZO: Naku best sorry, gusto  talaga kitang sabayan kaya lang, hinihintay na ako ni Tracey eh! alam mo na, sabay daw kami. sorry talaga.

KYLA: (biglang malulungkot) ah ganun ba, sige ok lang...

ENZO: Sorry best, ubusin mo yan ha, wag mo ipamigay. magtatampo ako sa'yo sige ka at saka sana hindi ka na din nagtatampo sa'kin.

KYLA: Nagtatampo ba ako? di naman eh!

ENZO: asus! deny pa oh! lam ko naman eh! iniiwasan mo talaga ako, sorry best ha, yaan mo, babawi ako, promise!

KYLA: loko! kung anu-anu sinasabi nito. sige na, alis na, inaantay ka ng GF mo, baka magalit na 'yun sa'yo.

ENZO: oh sige una na ako, 'wag ka na magtampo ha, see you around best. (lalakad palayo pero biglang babalikan din si Kyla.

KYLA: oh bakit ka bumalik?

Magugulat na lang ito nang bigla siya saglit yakapin ni Enzo. Then he smiles at her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon