Chapter 1

19 0 0
                                    

Everyone has their own worlds.

And by means of world, I meant of surroundings, past and current experiences and different kind of people we meet who influenced us of who we become.

That’s why we became unique.

We are different from each other… We have things in common, but we are not exactly the same.

We have different beliefs, principles and values…

We have different views on life… And-

“Thea! Tulala ka na naman jan.” sabi ng best friend kong si Prince na kakapasok lang ng room.

Tinabig nya ako sa tagiliran ng siko nya. “Ouch! Ito naman, may iniisip lang ako. Isa pa, wala pa naman yung teacher natin oh?” basag trip tong Prince na to.

“Eh ikaw kasi nakapangalumbaba ka na naman. Ang aga-aga eh, ang lalim naman ng iniisip mo. Anu ba yun?” tumabi siya sa upuan ko at ginaya nya yung position ko at saka humarap sa akin.

Nag-make face ako at humarap ng mabuti sa kanya.“Parang di ka naman sanay sa akin nyan eh.”

“Malay ko ba kung may problema ka na naman na nililihim sa akin?” tumaas pa yung kilay nya tapos tinitingnan ako ng masama.

“Wala. Iniisip ko lang na lahat ng tao ay unique. Hehe.” Ngumiti lang ako tapos iniiwas ko na yung tingin ko sa kanya tsaka bumalik sa pagde-daydream.

“Pssh… Kelan ko kaya maiintindihan yung malawak mong utak? Matalino naman ako? Kung ano-ano lang talaga siguro yung mga naiisip mo.” He crossed his legs tapos sumandal ng mabuti sa upuan para maging comfortable sya.

Hmmmf, whatever! Eh sa madami nga naglalaro sa isip ko eh. Wala naman sya magagawa. Hehe. Haay! Ang boring kasi dito sa classroom. Wala man lang kasi akong mapaglibangan. Ako yata ginagawang libangan neto palagi eh. Ah, basta. Excited na ako mamaya. J

Maya-maya inistorbo na naman nya ako sa pag-daydream ko. Niyugyog na nga nya yung braso ko at umayos na sya ng upo.

“Tama na yan Thea. Anjan na si Sir.” Bulong nya sa akin. Umayos naman ako ng upo at nakinig na sa teacher namin.

Haay! Para naman nakikinig sya. Eh mukha namang inaantok. Buti nalang hindi napapansin ng mga teacher namin.

Pagkalipas ng tatlong subject kinalabit ko sya baka kasi tuluyan nang makatulog. “Hoy Prince! Inaantok ka na naman.” Bulong ko.

“Nakakaantok kasi eh, ang boring.” Pabulong din nyang sagot sa akin.

“Napuyat ka na naman ba kagabi?” iniharang ko yung notebook ko sa mukha ko para hindi mahalata na nag-uusap kami.

Ngumisi lang sya. “Hindi naman masyado.” Sinundan ko kung san sya nakatingin. Tumitingin sya sa relo sa harap ng classroom at may binubulong.

Inilapit ko ng bahagya yung tenga ko sa mukha nya para marinig kung ano yung binubulong nya.

“Tumunog ka na…tumunog ka na…tumunog ka na” paulit-ulit nyang sinasabi na parag nagdadasal.

Ano daw? Ano yung hinihintay nyang tumunog? Then biglang…

Kriiiiiiiiiiing!

“Yes! Lunch break na!” biglang ang bright na ng mukha nya tapos hinila na nya agad yung kamay ko palabas ng room. “Tara na sa canteen. Kanina pa ako inaantok sa gutom. Hehe.”

Ngek?! Ang slow ko naman. Yun pala ung hinihintay nyang tumunog, yung bell. Loko talaga to. Napapa-iling nalang ako.

Sa canteen, dumiretcho na sya sa pinakadulong lamesa sa may sulok. Favorite place nya ang sulok eh, namen pala. Hehe. Ayaw kasi namin pareho ng unneeded attention kaya dun kami lagi nakapwesto. Ewan ko ba? Hindi naman sya varsity player or whatever pero madami pa rin mga umaaligid sa kanyang mga girls. Pogi daw kasi sya. Yun ang sabe nya sa akin kapag tinatanung ko. Hindi din sya mayabang eh. Hehe.

best of friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon