Chapter 2

11 0 0
                                    

“Hi Kuya Chael! Hello Ate Beth.” Bati ko sa dalawa. Nandito na kami kung saan idadaos yung kasal nila pati reception dito din daw. Sosyal nga eh, garden wedding kasi tapos gold and yellow and motif. Mayaman kasi sila pareho kaya magarbo. Nagpaalam na din sila na pupunta dun sa reception area pagkakita samin. Kailangan pa daw kasi nila mag-taste test ng mga ihahandang foods.

Si Prince, eto katabi ko. Kanina pa walang imik. Hindi man lang magawang batiin yung pinsan nyang ikakasal. Parang mas ako pa tuloy yung pinsan. Dito kami ngayon sa may garden. May nakaset-up na  konting upuan para sa mga magre-rehearsal.

“Uy! Kumibo ka naman. Kanina ka pa tahimik eh.” Sabi ko kay Prince. Kinurot ko nga yung braso para magreact pero ini-snob lang ako? Anong problema neto?

Umiwas sya ng tingin sa akin tapos parang natulala bigla. “Itago mo nga ako.” Bigla nyang sabi tapos pumagawi sa likod ko.

“Bakit ba?” tanong ko habang sinundan ko ng tingin kung san sya nakatingin kanina.

“Basta! May utang ka sa akin kanina kaya tulungan mo ako dito ngayon.” Sabi nya. Halata ang pagkairita sa boses nya.

Nakita ko yung babaeng kausap nya kanina sa canteen. “Huh? Akala ko ba hindi mo sya kilala? Bakit nandito sya?”tukoy ko dun sa magandang babae kanina.

“Di ko nga kilala yun, and kulit. Malay ko bang yung kasal pala ni Kuya Michael yung tinutukoy nya nung sinabi nyang ‘see you later’? Kaya nga sabe ko tulungan mo ako diba?” asar na sabe nya.

“Eh bakit? Maganda naman sya ah? At mukha pang mabait.” Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

“Theaaa?!” napapasigaw na sya sa pagkairita.

Natatawa naman ako. “Oh, bakit? Ang lapit-lapit ko eh ang lakas ng boses mo jan hindi naman ako bingi?” pang-aasar ko pa.

“Makulit yung babae na yun! Ayoko ng makulit diba? Sobra-sobra na nga kakulitan mu eh. Tinulungan kita kay Nessa kanina kaya dapat tulungan mo ako ngayon.” Seryosong sabi nya.

Hindi pa ako nakontento.“Hmmn…… Pag-iisipan ko.”heheJ

“Kapag di mo ako tinulungan di kita papansinin ng one month!”banta nya sa akin. Parang bata. Haha.

“Sungit mo talaga! Ikaw na nga tong nagpapatulong eh.”sumimangot ako. Maya-maya bigla nalang lumakad palapit sa amin yung babae.

Naging alert naman si Prince sa likod ko. “Thea? Please?”bulong nya sa akin.

Yun lang naman hinihintay ko eh. Hehe. “Sige na nga.” Sabi ko tutal naman eh hindi na nagtampo sa akin kanina si Vanessa dahil nung break time naming sa hapon dalawa na kami ni Prince ang tumulong sa assignment nya kaya nakapunta kmi agad dito after ng school.

“Madali naman ako kausap eh. Pero di ko sya kakausapin ah? Baka awayin ako nyan dahil sayo eh, magkaron pa ako ng kaaway ng di oras.” Syempre ayoko naman mapaaway. Ayoko kaya ng may kaaway. Gusto ko bati ko lahat kaso mukhang medyo impossible yun dahil yung mga babaeng nagkakagusto kay Prince eh mga naiinis sa akin dahil lagi kaming magkasama. Pero okay lang kasi di ko naman sila kilala eh kaya di ko nalang pinapansin. Hehe.

Bago pa makalapit yung babae hinawakan ko na braso ni Prince at hinila patakbo sa malapit sa entrance ng restaurant. Isa kasi itong Hotel and Resto na napapalibutan ng maluwang na garden. Malaking building sya tapos yung restaurant nasa unang palapag at mga rooms naman sa itaas. May pool pa nga sa isang gilid tapos may katabing reception hall. Ang alam ko nandun sila Kuya Chael kaya umikot kami sa loob ng restaurant tapos dun kami nagtungo ni Prince habang hatak-hatak ko yung kamay nya.

Medyo nagulat nga sila kasi bigla lang kaming pumasok.

“Oh, Thea? Hindi pa ba nagstart yung rehearsal?” nagtatakang tanung ni Kuya Chael.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

best of friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon