Saan ba ako lulugar? ㄴone-shotㄱ

42 2 2
                                    

Nakakapagod na maghanap ng pwesto, di ko kasi alam kung saan ako lulugar pagkagatapos ng hiwalayan namin.

"Pwede ba tayo magusap? Raven please." Tanging nasambit ko sa pagitan ng kaba at kasiyahan.

"Khione ano nanaman ba? Oo na mahal kita, mahal padin kita. Pero please lang..." Natigil siya saglit.

"Ano? Sabihin mo lang, gagawin ko ang lahat." Pautal-utal kong sabi.

"Pwede bang wag na muna tayo magsimula ulit? Kasi alam ko habang nasa piling mo ako, nasasaktan ka lang sa pinaggagagawa ko. Dahil sakin nagdudusa ka kahit hindi naman dapat." Nakatitig lang ako sa kanya habang pinoproseso ko sa utak ko ang mga bagay na makatotohanan.

"Pero mahal kit--"

"Mahal mo ako, masaya ka pero mas nangingibabaw yung iniintindi mo na lang ako dahil sa mahal mo ako. Hindi naman dapat ginagawang rason ang dahil "Mahal Kita" na yan eh." Ramdam ko sa bawat boses niya ang pagiging seryoso. Ang sakit madinig na hindi na niya ako kayang balikan kaya patuloy ng tumulo ang mga luha ko, ngunit patuloy padin akong umaasa dahil nga sa mahal niya parin ako.

"Pero pwede pa naman tayong mag-usap hindi ba? Pwede pa hindi ba?" Kahit masakit ngumingiti ako sa bawat salitang binibitawan ko.

Tinitigan niya lang ako, kaya dahan dahang tumulo ang mga luha ko at umaasa akong yayakapin niya ako.

Nabigo ako dahil sa mga sumunod na nangyari.

"I-I'm sorry.." Pinilit kong yakapin ang mga braso niya ngunit winakli lamang niya ito, napahagulgol na lang ako at tuluyan ng nawalan ng lakas kaya napaupo na lamang ako sa isang bench malapit kung saan kami nagkita.

Pagsisisi, pagsisisi ang lahat na nararamdaman ko. Bakit ko ba siya pinakawalan pa noong okay pa kami? Hindi, sabi niya siya ang nagpapahirap saakin noong kami pa ay magkasama. Hindi ko maintindihan.

Basta ang alam ko, sa lahat ng bagay ang maisasagot mo na lang ay dahil mahal na mahal ko siya.

Naliligaw na ako, hindi ko alam kung nasaan ako.

Hindi ko na kasi alam pa kung saan ako lulugar akala ko kasi noon pa, Nakahanap na ako ng pwesto mula sa puso niya. Wala na akong pupuntahan.

Gusto ko kung saan ko na nakasanayan, wala na akong uuwian kung saan man ako masaya kasi alam ko sa kanya lang talaga ako masaya.

Gusto kong lumaklak ng isang litrong realidad, ngunit heto ako nasa realidad kung saan nagdudusa ako ng sobra sobra.

Teka..

Alam ko na kung saan ako lulug----

"Okay cut!"

Saan ba ako lulugar? ㄴone-shotㄱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon