Chapter 8

10.6K 525 47
                                    


Dumating ang kinabukasan na hindi nagigising si Rain. Nanatili kaming tatlo nila Dra. Oh at Archie sa hospital habang si Louch ay inasikaso ang mga tauhan nilang namatay nang dahil kay Jin. Hindi pa rin ako makapaniwala na kayang pumatay ni Jin. Iniisip ko tuloy ang pamilyang naiwan ng mga tauan ni Rain. Siguradong magdudusa sila sa pagkawala ng pamilya nila.

Ngayon ay namili kami ni Dra. Oh kasama ang ilan na bodyguard sa likod namin. Nakakailang dahil pinagtitinginan kami pero itong si Dra. Oh parang wala lang na pinagtitinginan sya, lalo na ang mga lalaki. Maganda naman kasi si Dra. Oh kaya siguradong mapapatingin talaga ang mga lalaki sa kanya.

"Tara na? Baka gutom na ang mga tao don." tumango ako kay Dra. Oh. Pinabitbit nya ang mga pagkaing pinamili namin sa mga bodyguard.

Habang pabalik kami sa van napatingin ako sa tindahan ng mga prutas.

"Teka, Dra. Oh bibili lang ako ng mansanas. Baka gusto ni Rain ng prutas kapag nagising sya."

Tumingin si Dra. Oh sa mga bodyguard. "Mauna na kayo sa van." tumango sila at naunang pumunta sa van.

Lumapit kami sa tindahan at namili ng mga prutas. Bumili ako ng apat na mansanas. Si Dra. Oh yung nagbayad dahil wala naman akong dalang pera. Nakakahiya nga pero pera daw iyon ni Rain kaya ayos lang gumastos. Kaya pala ang dami nyang binili dahil hindi nya pera.

Habang pabalik kami sa van. Nagulat kami na may humarang samin na mga lalaki.

"Nakita na namin sya Sir Jin." sabi ng isang lalaki habang may kausap sa cellphone. Teka, sinabi nya bang Jin?

"Ikaw ang asawa ni Sir Jin hindi ba? Umuwi ka na daw kaya sumama ka na samin." sabi ng isa pang lalaki sa gilid ko at hinawakan ako sa braso.

Bigla akong nag-panic dahil hindi ko sila kilala. Talagang hindi ko nga kilala si Jin. Hindi ko alam na may mga tauhan sya na katulad nila Rain.

"Bitawan nyo sya! Hindi sya pwedeng sumama sa inyo!" sigaw ni Dra. Oh at hinila ako palayo sa lalaking may hawak sakin pero tinulak sya ng isa pang lalaki.

"Dra. Oh!" pinilit kong kumawala sa lalaking may hawak sakin kaso masyado syang malakas.

"Mga walangya kayo!" nagulat ako ng biglang sinipa ni Dra. Oh yung isang lalaki sa ano nya kaya napaihayaw 'yon sa sakit.

Masakit 'yon ah.

Susugod sana yung iba sa kanya pero may isang lalaki na bigla na lang sumulpot at nag-flying kicks sa isa.

"Hey, hey, hey, babae yung gusto mong saktan." sabi ng lalaki. Sinugod sya ng ibang mga lalaki na nagtatangkang kunin ako at pinatulog nya naman ito lahat. Ang lakas nya para patumbahin ang lahat ng kalaban nya. Mag-isa lang sya tapos apat ang kalaban nya.

"Subukan mong gumalaw kundi masasaktan ang babaeng 'to." bigla akong natakot nung may kutsilyong tumapat sa tagiliran ko.

Napatigil yung lalaking tumulong samin. "Hindi mo ba alam na mapapatay ka ni Jin kung sasaktan mo sya?" sabi nya at humakbang ito palapit kaya napausog kami ng lalaking nakahawak sakin.

"Wag kang lalapit at talagang sasaktan ko 'to."

"Sinasabi ko sayo, mapapatay ka ni Jin." iling-iling na sabi nung lalaki at tumigil.

"Siguradong maiintindihan nya ako kaysa makuha ninyo sya." ngising-ngising sabi ng lalaking hawak-hawak ako.

"Okay." pagsusuko ng lalaki at tumalikod. Nalungkot naman ako na pinabayaan nya ako. Ayokong sumama sa taong may hawak sakin at lalo na mapunta ulit kay Jin.

Make Her Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon